You are on page 1of 21

Mga Katubigan na nakapalibot sa

bansang Pilipinas.

Silangan – karagatang pasipiko.


Hilaga – Bashi Channel
Kanluran – Dagatkanlurang Pilipinas
Timog – Dagat Celebes
Mga Pangunahing Anyong lupa
1. Kapatagan
ang kapatagan ay malawak na lupain na
patag at mababa.
Ang gulay, mais at palay ay angkop na
pananim dito.
2. Bundok
Ang bundok ay ang pinakamataas na
anyong lupa.
 Bundok Apo- pinakamataas na bundok sa
bansa.
Sierra Madre- pinakamahabang hanay ng
bundok sa bansa.
3. Burol
Ang burol ay isang mataas na lupa ngunit
mas mababa sa bundok. Pabilog ang hugis ng
itaas nito.
 Ang pinakatanyag na burol sa bansa any ang
chocolate hills.
4. Talampas
Ang talampas ay mataas na bahagi ng
anyong lupa ngunit patag ang ibabaw.

 Ang Lungsod ng Baguio at Benguet ang


pinakatanyag na talampas sa bansa.
5. Bulkan
Ang bulkan ay katulad ng bundok. Ang
pinagkaiba lamang ay ang bunganga ng tuktuk
nito. May mga panahong nagiging aktibo ang
isang bulkan at ito ay puputok.
 Ang Bulkang Mayon ay pinakatanyag na
bulkan sa Pilipinas.
6. lambak
Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng
bundok.
 Ang lambak ng Cagayan sa hilagang Hilagang
Luzon ay halimbawa ng lambak.
MGA PANGUNAHING
ANYONG TUBIG
Inaasahan na napalilibutan ang bansa
ng ibat-ibang anyong tubig dahil sa
pagiging kapuluan nito.
Ang karagatan, dagat, golpo , look,
tsanel at kipot ang mga pangunahing
anyong tubig ng bansa.
1. Karagatan
Pinakamalalim, pinakamalawat at
pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig ang
karagatan. Maalat ang tubig sa karagatan.
2. Dagat
Ang dagat ay bahagi ng karagatan. Maalat
din ang tubig nito. Ang dagat ay mas maliit kaysa
sa karagatan
3. look
An look ay isang bahagi ng dagat na
nakapaloob sa baybayin nito. Ang look ng
Maynila ang itinuturin na pinakamahusay na
daungan sa dulong silangan
4. Golpo
Ang golpo ay tulad ng look na halos
naliligid din lupa. Ito ay bahagi rin ng karagatan
na karaniwang nasa bukana ng dagat.
5. Tsanel
Ang tsanel ay nagdurugtong sa dalawang
malaking katawan ng tubig na kalimitang
dinaraanan ng barko. Ito rin malalim na anyong
tubig na bahagi ng isang kanal ilog.
6. Kipot
Isang makipot na anyong tubig ang kipot
na nagdurugtong sa dalawang malaking anyong
tubig
Iba pang mga Anyong Tubig

Ang ilog, lawa, talon at bukal ay iba


pang mga anyon tubig ng bansa, d man
pangunahin may kapakinabangan ang mga
ito.
7. Ilog
Ang ilog ay mahaba ay paliko-likong
anyong tubig na tumutuloy sa dagat. Hindi
maalat ang tubig dito. May 132 pangunahing
ilog sa bansa.
8. Lawa
Ang lawa ay anyong tubig na halos
napapaligiran ng lupa. May humigit kumulang sa
59 ang lawa sa ating bansa.
9. Talon
Ito ay tubig na umaagos mula sa itaas ng
bundok.
Ang pinakatanyag na talon sa bansa ay ang
talon ng Pagsanjan sa Laguna.
10. Bukal
Ang bukal ay anyong tubig na nagmumula
sa ilalim ng lupa. Ang ubig na nanggagaling dito
ay mainit at mayaman sa mga mineral.
Gawin Natin

You might also like