You are on page 1of 11

ANG PILIPINAS

AY BANSANG
TROPICAL
Layunin:
natutukoy ang iba't ibang klima at panahon
naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa
sa mundo at;

nakikilala ang Pilipinas bilang isang bansang tropical


ANG KLIMA
Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng
panahon na tumatagal sa isang bansa. May
kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at
mga bahay na itinayo natin. Ang dalawang uri ng
klima sa bansa ay ang tag- araw at tag-ulan.

Upang malaman ang klima ng isang lugar o bansa,


mahalagang matukoy ang lokasyon, topograpiya o
paglalarawan ng katangian ng isang lugar, at ang
hangin at tubigang mayroon ito.
Panahon
Ang panahon ay ang
kalagayan ng papawirin at
kalagayan ng hangin sa
alinmang lugar sa bansa sa
maikling panahon.
Ano nga ba ang Ang klima ay kalagayan ng atmospera ng
pagkakaiba ng klima isang lupain sa loob ng mahabang panahon,
at ang panahon? habang ang panahon naman ay kondisyon
ng atmospera sa isang natatanging pook sa
loob ng nakatakdang oras.
Ang klima sa ibat’t ibang lugar ay nagkakaiba-iba dahil sa pag-ikot
ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong aksis. Bunga nito,
may mga bahagi ng ang mundo na direktang nasisinagan ng araw.

Ang bahagi ng ng Tropiko ng


Kanser at Tropiko ng Kaprikorn
ay tinatawag na Mababang
Latitud o Rehiyong Tropikal.

Nakararanas ang mga


naninirahan sa bahaging ito ng
higit na init at sikat ng araw.
Ang klimang tropical ay maaari
ring mahalumigmig, basa, at
tuyo.
Tinatawag na Gitnang Latitud o Rehiyong
Temperate ang bahaging nasa pagitan ng
kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at ang nasa
pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng
Kaprikorn.

Ang mga panahon na nararanasan ditto ay tagsibol,


tag-init, taglagas, at taglamig dahil sa palihis na
sikat ng araw dito.

Ang mga nasa hilagang latitude hanggang Polong Hilaga at timog latitude hanggang
Polong Timog ay hindi naman tinatamaan ng direktang sikat ng araw.

Ang bahaging ito ay tinatawag na Rehiyong Polar.


Ang Rehiyong Polar ay napapaligiran


ng makakapal na yelo na hindi
natutunaw dahil kaunting sikat ng
araw lamang ang nakakarating dito.

Kaya sa mga bansang nasa Rehiyong


Polar mararamdaman ang sobrang
lamig sa buong taon.
MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!

You might also like