You are on page 1of 11

KLIMA(CLIMATE)

PREPARED BY: RASHEED ALIM


KLIMA

•Klima - pangkaraniwan at
pangmatagalan kalagayan at
katangian ng panahon (weather) sa
isang takdang lugar o rehiyon.
Depende ang klima sa pagdating ng
kainitan,katuyuan,kalamigan o
kabasaan sa pook o rehiyong pinag-
uusapan.
PANAHON

•-bahagi ng sistemang pansukat para


malaman ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari at mga patlang sa gitna
nila at kung gaano katagal ang isang
pangyayari.
KAIBAHAN NG KLIMA SA PANAHON

• Ang klima ay tumutukoy sa kalagayan ng


atmospera ng isang lupain sa loob ng
mahabang panahon samantalang ang panahon
ay kondisyon ng atmospera sa isang
natatanging pook sa loob ng nakatakdang
oras.
URI NG PANAHON

•Maaraw na Panahon
•Maulap na Panahon
•Mahanging Panahon
•Maulang Panahon
•Mabagyong Panahon
IBA'T-IBANG URI NG KLIMA SA ASYA

HILAGANG ASYA
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig
na karaniwang tumatagal ng anim na buwan,
at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga
lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay
hindi kayang panirahan ng tao dahil sa
sobrang lamig.
KANLURANG ASYA

• Hindi palagian ang klima. Maaring


magkaroon ng labis o di kaya'y
katamtamang init o lamig ang lugar na
ito. Bihira at halos hindi nakakaranas ng
ulan ang malaking bahagi ang rehiyon.
Kung umulan man, ito'y kadalasang
bumabagsak lamang sa mga pook na
malapit sa dagat.
TIMOG ASYA

•Iba-iba ang klima sa loob ng isang


taon. Mahalumigmig kung Hunyo
hanggang Setyembre, taglamig kung
buwan ng Disyembre hanggang
pebrero, at kung Marso hanggang
Mayo, tag-init at tagtuyot.
Nananatiling malamig dahil sa
niyebe o yelo ang Himalayas at
ibang bahagi ng rehiyon.
SILANGANG ASYA

Monsoon Climate ang uri ng klima ng


rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong ito,
ang mga bansa dito ay nakakaranas ng
iba-ibang panahon, mainit na panahon
para sa mga bansang nasa mababang
latitud, malamig at nababalutan naman
ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon
TIMOG-SILANGANG ASYA

•Halos lahat ng bansa sa


rehiyon ay may limang
tropikal nakararanas ng
tag-init, taglamig, tag-
araw at tag-ulan.

You might also like