You are on page 1of 28

Mga Natural na

Salik na
Nakaaapekto sa
Klima at
panahon
Pansinin ang mga Larawan
Klima
• Tumutukoy sa kainaman o average na
kondisyon ng atsmospera sa loob ng
mahabang panahon.
• Inaasahang pangkalahatang
kalagayan ng himpapawid na
karaniwang nararanasan sa bawat
taon.
Panahon
• Ay tumutukoy sa kalagayan ng
atmospera sa loob ng isang araw.
• Inilalarawan nito ang kondisyon ng
himpapawid sa mas maikling oras.
• Ito ay pabago – bago, sa loob ng oras
o kahit minuto.
Mga Natural na Salik na
Nakakaapekto sa Klima
• Latitude – Batay sa pag – aaral ng
mga siyensya, maaaring hatiin sa
tatlong uri ang klimang nararanasan
batay sa natatanggap na tindi ng
sikat ng araw at magagamit ang
panukat na latitude upang mauri sa
iba’t – ibang sonang pangklima ang
mundo.
Mga tatlong Sonang Pangklima
sa daigdig
• Sonang tropikal – ay ang sonang nasa
mababang latitude. Nasasakop nito
ang rehiyong nasa pagitan ng tropic
of cancer (23 ½ degrees H) at Tropic
of Capricorn (23 ½ degrees T). Ito ang
sonang pinakamalapit sa ekwador at
nakakaranas ng pinakamainit na klima
sa daigdig.
Sonang Tropikal
Dalawang uri ng Klima na nararanasan
sa buong taon sa rehiyong ito – ang tag
– init at tag – ulan.
Mga bansang nakakaranas nito – Brazil,
Malaysia, India at Pilipinas.
Sonang Katamtaman
• Mga bansang nasa pagitan ng 23 ½
degrees H latitude hanggang 66 ½
degrees H latitude o sa pagitan ng
Tropic of Cancer at Arctic Circle H; at
ang mga lugar na nasa 23 ½ degrees T
latitude hanggang 66 ½ degrees T
latitude o sa pagitan ng Tropic of
Capricorn at Antractic Circle sa Timog.
• Sonang Katamtaman – Mga
bansang kagaya nang Japan,
China, USA at Canada.
• Ang mga bansang ito ay
nakararanas ng 4 na uri ng
panahon o season – Taglamig
(winter), tagsibol (spring), tag –
init (summer) at taglagas (fall).
Sonang Polar
• Pinakamalamig na bahagi ng daigdig.
Ito ay ang rehiyong nasa 66 ½ degrees
H latitude hanggang 90 degrees H
latitude o sa pagitan ng Arctic Circle
at North Pole; at ang rehiyong nasa 66
½ degrees T latitude hanggang 90
degrees T latitude o sa pagitan ng
Arctic Circle at South Pole.
Altitude o taas ng lugar
• Kapag mataas ang lugar ay
bumababa ang temperatura nito.
• Halimbawa:
Distansya mula sa karagatan
• Ang karagatan ay nagiging imbakan
ng init ng araw.
Topograpiya
• Ang mga bundok at bulubundukin
ang nagsisilbing pananggalang sa
paggalaw ng mga hangin at sa
kahalumigmigan.
Galaw at Uri ng Hangin
• Hanging Silangan o trade winds – Umiihip
ang hangin mula hilagang – silangan
pagkatapos bagtasin ang Pacific ocean.
Nararanasan ito mula Pebrero hanggang
Marso.
• Hangin amihan o northeast monsoon –
Hangin mula sa hilagang – silangan. At
sapagkat nagmumula ito sa China at
Siberia ay malamig at tuyo ito.
(Nobyembre – Pebrero)
Hanging Habagat o southwest
monsoon
• Mula timog – kanlurang bahagi ng
Pilipinas at umiihip sa buong asya.
• Nararanasan mula Mayo hanggang
Oktubre.
• Ito nagdadala ng malakas na pag –
ulan sa bansa.
Mga Salik na may kinalaman sa
Panahon
• Temperatura – ay tumutukoy sa lamig at
init ng atmospera sa isang lugar. Ito ay
ang tindi ng init o tindi ng lamig na
nararanasan sa paglabas mo ng iyong
buhay.
• Kahalumigmigan o Humidity – ito ay
tumutukoy sa dami ng water vapor o
singaw ng tubig sa himpapawid.
Mga Salik na may kinalaman sa
Panahon
• Pamumuo ng ulap o presipitasyon –
Mapapansin mo sa mga salik na ito kung
maaliwalas o makulimlim ang panahon at
kung maulan ang panahon.
• Dami ng ulan
• Bilis ng hangin o Wind Speed – ay dahil sa
paggalaw nito mula sa mataas hanggang sa
mababang pressure dulot ng pagbabago
ng temperatura. Karaniwang sinusukat ang
hangin gamit ang anemometer.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Panel Discussion
Pag-usapan ang klima ng bansa tulad ng temperature
Pangkat II- Hanapin ang mga bansa
Hanapin ang mga sumusunod na bansa sa mapa at tukuyin
ano ang uri ng panahon sa mga bansang ito:
1. Japan 6. South Korea
2. Malaysia 7. Canada
3. Ireland 8. Colombia
4. Singapore 9. Russia
5. USA 10. Qatar
Pangkatang Gawain
Pangkat III - Awit/ Rap
Gumawa ng isang awit o rap na may
kaugnayan sa temperature ng bansa.

Pangkat IV – Dula-dulaan
Magpakita ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng temperatura sa ating bansa.
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng sagot.
Ang temperatura ay tumutukoy sa
nararanasang init o lamig sa isang lugar.
May katamtamang klima ang Pilipinas
sapagkat nararanasan sa bansa ang
hindi gaanong init at lamig . Karaniwang
umaabot sa 31’C ang pinakamataas na
temperatura at hindi bababa sa 23”C
ang pinakamababang temperatura.
1. Ano ang pinakamataas o pinamakainit
na temperaturang nararanasan sa
Pilipinas?
a. 31”c b. 27”c c. 23’c d. 21’C

2. Ano ang klimang nararanasan sa


Pilipinas?
a. mainit na mainit b. katamtamang
init at lamig
c. malamig na malamig d. mainit na
medyo malamig
Ang climate change ay ang hindi
pangkaraniwang pangyayari sa
kalikasan. Nalalagpasan nito ang
pinakamainit na temperatura mula
37’C hanggang 40’C kung panahoin
ng tag-araw sa bansa. Ang
pagbabago sa klima ay
pinaniniwalaang bunga ng mga
gawain ng tao na maaaring
makapagbago sa komposisyon ng
atmospera. Maaari itong maranasan
sa loob ng ilang panahon.
3. Ano ang climate change?
a. pag-init ng temperatura sa isang lugar
na sobra sa dapat na maranasan
b. paglamig sa isang lugar at paginit
naman sa ibang lugar ang nararanasan
c. pagkakaroon ng katamtamang
temperature sa isang lugar ang
nararanasan
d. pantay na init at lamig na temperature
sa isang luagar ang nararanasan
4. Kung patuloy na magkakaroon ng
climate change o pag init ng
kapaligiran,ano ang pwedeng
mangyari sa mga pananim ng mga
magsasaka?

a. Magiging malusog at malalaki ang


pananim ng magsasaka
b. Hindi maganda ang mga pananim ang
ani ng magsasaka
c. Mababawasan ang kita sa pananim ang
ng mga magsasaka
d. Mas madaling mamumunga ang mga
pananim ng mga magsasaka
5. Kung patuloy ang mga tao sa pang-
aabuso at pagsira sa kalikasan,ano
ang magiging resulta nito?
a. Pagkakaroon ng malawakang
sunog.
b. Pagdanas ng climate change sa
paligid.
c. Pagkakaroon ng mainit na
temperatura
d. Pagkakaroon ng malamig na
temperatura.
Takdang Aralin:
Gumawa ng isang linggong talaan ng
temperature sa inyong lugar tuwing 12:00
ng tanghali. Itala sa tsart gamit ang tsart
tulad ng nasa ibaba.
Lunes Martes Miyerkules huwebes biyernes

You might also like