You are on page 1of 2

Kagamitang Pang-interbensyon sa

HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN, AT SIBIKA AT KULTURA (HEKASI) 6


Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
1. Ang ekwador ay limguhit na humahati sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.
Anong uri ng limguhit ang ekwador?
A. latitud
B. longhitud
C. grid
D. digri
2. Paano mailalarawan ang mga guhit longhitud?
A. Ito ay mga guhit sa globo na nakapaikot sa mundo.
B. Ito ay mga guhit sa globo na nakapahalang sa ekwador.
C. Ito ay mga guhit sa globo na nagmumula sa pulong hilaga patungong timog.
D. Ito ay mga guhit sa globo na humahati sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.
3. Madaling nahanap ni Jose ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa globo sa pamamagitan ng pagsasama ng
pagsasama ng mga guhit latitud at guhit longhitud. Ano ang ginamit ni Jose?
A. digri
B. grid
C. mapa
D. iskala
4. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang naglalarwan sa Prime Meridian nang wasto?
I.
Ang Prime Meridian ay guhit longhitud na may 00.
II.
Ang Prime Meridian ay dumaraan sa Greenwich, England.
III.
Ang Prime Meridian ay katapat ng 1800 longhitud na tinatawag na International Dateline.
IV.
Ang Prime Meridian ay humahati sa globo hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.
A. I, II

B. II, III

C. I, II, III

D. I, II, III, IV

5. Anong paraan ng panukat sinusukat ang layo ng mga guhit latitud at guhit longhitud?
A. milya
B. kilometro
C. digri
D. yarda
6. Gumamit ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng globo sa paghahanap ng ibay ibang lugar sa mundo.
Paano mo mailalarawan ang globo?
A. Ito ay hugis bilog na grapikal na representasyon ng mundo.
B. Ito ay aklat ng mga listahan ng lahat ng lugar ng mundo.
C. Ito ay isang palabas kung saan matutunghayan ang ibat ibang lugar.
D. Ito ay tinipon-tipon na ibat ibang mapa ng mga lugar sa daigdig.
7. Sa pagtukoy ng kinalaglagyan ng Pilipinas sa mapa ay ginagamit ang lokasyong bisinal at lokasyong insular.
Anong uri ng lokasyon ang mga ito?
A. tiyak na lokasyon
B. relatibong lokasyon
B. di-tiyak na lokasyon
D. permanenteng lokasyon
8. Tinukoy ni G. Reyes ang lokasyon ng Pilipinas sa batay sa mga katubigang nakapalibot sa bansa. Siya
gumamit ng _____________.
A. lokasyong bisinal
B. lokasyong insular
C. lokasyong komtinental
D. eksaktong lokasyon
9. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawing sanggunian sa paggamit ng lokasyong bisinal sa pagtukoy
ng kinalalgyan ng Pilipinas sa globo?
A. Karagatang Pasipiko
B. Bashi Channel
C. Malaysia at Indonesia
D. Kanlurang Dagat ng Pilipinas

10. Alin sa mga sumusunod na karatig-bansa ang matatagpuan sa kanluran ng Pilipinas?


I.
Taiwan
II.
Cambodia
III.
Laos
IV.
Thailand
A. I, II, III

B. I, II, IV

C. II, III, IV

D. I, II, III, IV

11. Anong katubigan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?


A. Kanlurang Dagat ng Pilipinas
B. Bashi Channel
C. Dagat Celebes
D. Karagatang Pasipiko
12. Ang Dagat Celebes at Dagat Sulu ay matatagpuan sa anong bahagi ng Pilipinas?
A. hilaga
B. silangan
C. timog
D. kanluran
13. Alin sa mga sumusunod na wastong paglalarawan ng lokasyong bisinal ng Pilipinas?
A. Hilaga: Taiwan, Silangan: Guam, Timog: Indonesia, Kanluran: Thailand
B. Hilaga: Malaysia, Silangan: Cambodia, Timog: Vietnam, Kanluran: Brunei
C. Hilaga: Japan, Silangan: Karagatang Pasipiko, Timog: Dagat Celebes, Kanluran: Laos
D. Hilaga: Bashi Channel, Silangan: Karagatang Pasipiko, Timog: Dagat Mindanao, Kanluran: Dagat Tsina
14. Gaano kalawak ang kabuuang sukat ng kapuluan ng Pilipinas?
A. 300,000 kilometrong parisukat
B. 300,000,000 kilometrong parisukat
C. 30,000,000 kilometrong parisukat
D. 30,000 kilometrong parisukat

You might also like