You are on page 1of 41

ANG MGA URI NG

KLIMA NG ASYA
Narito ang isang talahanayan na
nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng klima
sa mga rehiyon ng Asya. Basahin at
unawain mo itong mabuti at batay sa
mga datos at paglalarawan dito ay
bumuo ka ng paghihinuha kung
paanong ang klima ay nakaimpluwensya
sa pamumuhay ng mga Asyano.
HILAGANG ASYA
Sentral Kontinental. Mahaba
ang taglamig na karaniwang
tumatagal ng anim na buwan, at
maigsi ang tag-init, ngunit may ilang
mga lugar na nagtataglay ng
matabang lupa. Gayunpaman,
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi
kayang panirahan ng tao dahil sa
sobrang lamig.
KANLURANG ASYA
Hindi palagian ang klima.
Maaaring magkaroon ng labis o di
kaya’y katamtamang init o lamig ang
lugar na ito. Bihira at halos hindi
nakakaranas ng ulan ang malaking
bahagi ng rehiyon. Kung umulan
man, into’y kadalasang bumabagsak
lamang sa mga pook na malapit sa
dagat.
TIMOG ASYA
Iba-iba ang klima sa loob ng
isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre,
taglamig kung buwan ng Disyembre
hanggang Pebrero, at kung Marso
hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot.
Nananatili malamig dahil sa niyebe
o yelo ang Himalayas at ibang
bahagi ng rehiyon.
SILANGANG ASYA
Monsoon Climate ang uri ng
klima ng rehiyon. Dahil sa lawak
ng rehiyong into, ang mga bansa
dito ay nakakaranas ng iba-
ibang panahon- mainit na
panahon para sa mga bansang
nasa mababang latitude,
malamig at nababalutan naman
ng yelo ang ilang bahagi ng
rehiyon.
TIMOG - SILANGANG ASYA
Halos lahat ng bansa sa
rehiyon ay may klimang tropikal,
nakararanas ng tag-init,
taglamig, tag-araw at tag-ulan.
Ang karaniwang panahon o average
weather na nararanasan ng isang lugar sa
loob ng mahabang panahon ay tinatawag
na klima. Kinapapalooban ito ng mga
elemento tulad ng temperatura, ulan at
hangin. Maraming salik ang nakakaapekto
sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang
lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga
halaman, at distansya sa mga anyong
tubig. Dahil sa lawak ng Asya,
matatagpuan dito ang lahat ng uri ng
klima at panahon.
Samantala, ang mga monsoon
o mga hanging nagtataglay ng ulan
ay isang bahagi ng klima na may
matinding epekto sa lipunan at iba
pang salik ng pamumuhay ng tao
lalo’t higit yaong mga nasa silangan
at Timog - Silangang Asya.
Depende sa lakas ng bugso nito, ito
ay maaaring magdulot ng parehong
kapakinabangan at kapinsalaan.
Direksyon ng Hanging Amihan
o Northeast Monsoon na
nagmumula sa Siberia patungong
Karagatan (kaliwa), at ng Hanging
Habagat o Southwest Monsoon na
nagmumula sa karagatan
patungong kontinente.
PAMPROSESONG TANONG
1. Bakit ang isang malaking kontinente
ng Asya ay mayroong iba’t-ibang uri
ng klima? Mas na-kabubuti ba ito o
mas nakasasama?
PAMPROSESONG TANONG
2. Paano naaapektuhan ng monsoon
sa Asya ang mga Asyano? Ipaliwanag
ang kasagutan sa konsepto ng salik
kultural.
PAMPROSESONG TANONG
3. Bigyan ng paghihinuha kung
paanong ang mga pananim at
behetasyon sa Asya ay nakade-pende
sa uri ng klima mayroon sa isang
partikular na lugar o bansa.
Magsagawa ng masus-ing
pagpapaliwanag sa sagot.
PAMPROSESONG TANONG
4. Pansinin ang pigura ng direksyon
ng mga monsoon na nasa itaas. Ito ba
ay makakapagbigay paliwanag kung
bakit madalas ang bagyo sa Pilipinas?
Bakit?
PAMPROSESONG TANONG
5. Bakit mahalagang malaman ng mga
Pilipino ang ganitong kalagayan ng
Pilipinas?
ANG PACIFIC RING OF FIRE
Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga
bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay
nakalatag sa isang malawak na sona na kung
tawagin ay “Ring of Fire,” o “Circum-Pacific
Seismic Belt”. Ang lugar na ito ay nagtataglay
na maraming hanay ng mga bulkan, kasama
na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal
at Krakatoa. Ang pagsabog ng mga bulkan ay
kadalasang nagdudulot ng paglindol o
paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng
mga pagbabago sa pisikal na porma ng
anyong lupa at anyong tubig.
ANG PACIFIC RING OF FIRE
Tinatayang 81% ng mga
pinakamalakas na lindol sa mundo ay
nagaganap dito. Sinasabing noong araw
pa man bago maisulat ang kasaysayan,
ang karamihan sa mga anyong lupa at
anyong tubig sa daigdig ay hinubog at
binigyang porma ng, bukod sa paggalaw
ng tectonic plates na nagpabitak at
nagpaangat sa ilang bahagi ng lupa, ay
dulot ng mga pagyanig mula sa pag-
sabog ng bulkan.
PAMPROSESONG TANONG
1. Batay sa mapa, madalas ba ang
paglindol sa Silangan at Timog
Silangang Asya? Patunayan.
PAMPROSESONG TANONG
2. Ano ang kaugnayan ng pagsabog
ng bulkan sa pagkakaroon ng
mga pisikal na anyo tulad ng
bundok, talampas, ilog, lawa, at
dagat?
PAMPROSESONG TANONG
3. Paanong naaapektuhan ng mga
pagyanig at pagsabog ng bulkan
ang likas na kapaligiran at
ng pamumuhay ng mga tao sa
Pilipinas at ilang bahagi ng
Silangang Asya? Paano ang
naging pagtugon ng mga tao dito?
REFERENCE

• AP G8 – LM pp. 25 - 27
• www.google.com/images 
DOWNLOAD LINK
http://www.slideshare.net/jaredram55
E-mail: jaredram55@yahoo.com
All is well, all is well, all
is well
May the odds be ever in
your favor
Good vibes =)

You might also like