You are on page 1of 8

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Name of Learner/Pangalan: ____________________________________


Grade Level/Lebel: ___________________________________________
Section/Seksiyon: ___________________________________________
Date/Petsa: _________________________________________________

ANG KATANGIANG PISIKAL NG ASYA


PANIMULA:
Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng
Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at
nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa
takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.

Matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito ay
ginagamit, nililinang, at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga Asyano.
 Bulubundukin
 Bundok
 Bulkan
 Talampas
 Disyerto
 Kapuluan o Arkipelago
 Pulo
 Tangway o Peninsula
 Kapatagan

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng


mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura
at pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nkapag-
ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

Tulad ng pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa, ang Asya ay maituturing ding
mayaman sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at ilog.

Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang nagsilbing


lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.
May apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya: Caspian Sea na
pinakamalaking lawa sa mundo; Lake Baikal na siyang pinakamalalim na lawa; Dead
Sea na pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo: at ang Aral Sea
na pinakamalaking lawa sa Asya. Ang mga lawing ito ay nakapagdulot din ng paghubog
sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan doon.

Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga


karagatan at mga dagat. Ang mga ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa
pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang
pangkalakalan at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at mineral.

Bukod sa mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya, mahalaga ring mabatid ang
iba’t ibang vegetation cover na mayroon sa iba’t ibang rehiyon ng Asya bilang bahagi ng
pisikal na katangian nito.
Vegetation- uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng
kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.
 Steppe (damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses)
 Prairie (damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses)
 Savannah (pinagsamang mga damuhan at kagubatan)
 Boreal forest o Taiga (rocky mountainous terrain)
 Tundra (treeless mountain tract)
 Tropical Rainforest

Klima – karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa


loob ng mahabang panahon. Kinapapalooban ito ng mga element tulad ng temperature,
ulan at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay
ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman, at distansya sa mga anyong
tubig.

Rehiyon Katangian ng Klima


Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang
tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init,
Hilagang Asya ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang
lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi
kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o
di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Kanlurang Asya Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking
bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, ito’y kadalasang
bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig
kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan
Timog Asya ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso
hanggang Mayo ay tag-init at tagtuyot. Nananatiling
malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang
bahagi ng rehiyon.
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa
lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito ay
Silangang Asya nakakaranas ng iba-ibang panahon: mainit na panahon
para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig
at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng
rehiyon.
Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical.
Timog-Silangang Asya Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw
at tag-ulan.

Pacific Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic Belt – isang malawak na sona na


nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan. Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga
bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag dito. Ang pagsabog ng mga bulkan ay
kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng
mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano. AP7HAS-Ia-1

AKTIBIDAD 1: PAGTUGMAIN

PANUTO: Pagtugmain ang bansa sa ipinagmamalaki nitong anyong lupa o anyong


tubig. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

______ 1. Afghanistan a. Ilog Tigris-Euphrates


______ 2. Pilipinas b. Bundok Everest
______ 3. Myanmar c. Ilog Ganges
______ 4. Iraq d. Disyertong Gobi
______ 5. Indonesia e. Ilog Irrawaddy
______ 6. Japan f. Hindu Kush
______ 7. Mongolia g. Ilog Mekong
______ 8. Nepal-China h. Bulkang Taal
______ 9. Vietnam i. Bulkang Fuji
______ 10. India j. Bulkang Krakatoa
k. Ilog Huang Ho
Pamprosesong mga Tanong

1. Anong mahahalagang papel ang ginampanan ng mga anyong lupa at mga anyong
tubig sa pamumuhay ng mga Asyano?

2. Batay sa mga impormasyong iyong nabasa, anu-anong hamon ang dulot ng anyong
lupa at anyong tubig sa mga bansa sa Asya?

3. Punan ang sumusunod na tsart:

Bahagi ng Kapaligiran Mga Oportunidad Mga Banta o Panganib

Anyong Lupa

Anyong Tubig

4. Paano kaya tinutugunan ng mga Asyano ang mga oportunidad at ang mga banta o
panganib kaugnay ng mga anyong lupa at anyong tubig. Ipahayag ang iyong hinuha.

AKTIBIDAD 2: ASIA’S VEGETATION COVER DATA CHRONICLE

PANUTO: Sa gawaing ito ay maaari kang gumamit ng ibang batayang aklat sa Araling
Panlipunan, ang tungkol sa Asya, o anumang kagamitan o pamamaraan upang
makalikom ng mga karagdagang datos, at makapagbigay ng maayos na mga sagot sa
bawat bahagi ng Data Chronicle.

 Makikita ang isang data chronicle na nagtataglay ng larawan ng iba’t ibang


vegetation cover. Isulat sa patlang ang pangalan nito.

 Gamit ang iyong nalikom na mga impormasyon , isulat sa espasyo sa ibaba ng


larawan ang maikling paglalarawan tungkol dito.

 Sa bawat kahon sa ibaba ng bawat seksyon ng data chronicle ay itala ang mga
bansa sa Asya na may ganitong uri ng vegetation cover.
____________ ___________ _________
_________ ____________ __________

Pamprosesong mga Tanong:

1. Bakit iba-iba ang vegetation cover sa iba’t ibang bahagi ng Asya? Ilahad ang mga
dahilan ng pagkakaiba-ibang ito.

2. Sa papaanong paraan na ang vegetation cover ng isang bansa ay nakaaapekto sa


aspetong kultural (pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala, kaugalian) ng mga
mamamayang naninirahan dito? Magbigay ng halimbawa.

3. Ilarawan mo ang uri ng vegetation cover sa Pilipinas. Paano ito nililinang o


pinakikinabangan n gating bansa? Ano ang naidudulot sa tao at sa bansa ng
paggamit o paglinang nito?

4. Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba’t ibang uri ng ng klima? Mas
nakabubuti ba ito o mas nakasasama?
5. Bigyan ng paghihinuha kung paanong ang mga pananim at vegetation cover sa Asya
ay nakadepende sa uri ng klima mayroon sa isang particular na lugar o bansa.
Magsagawa ng masusing pagpapaliwanag sa sagot?

AKTIBIDAD 3: DATA RETRIEVAL CHART

PANUTO: Punan ng mga kinakailangang datos ang chart. Maaaring basahin at


balikang muli ang mga teksto mula sa Kagamitan ng Mag-aaral pahina 24-37.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Rehiyon Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation


Cover

Hilagang
Asya

Kanluran
g Asya

Timog
Asya

Timog
Silangang
Asya

Silangang
Asya

Paghahambing:

Kapakinabangan:

Epekto:
Pamprosesong Tanong:

1. Maglahad ng paghahambing at pagtutulad sa katangiang pisikal ng Hilagang Asya at


Kanlurang Asya, ng Timog Asya at Silangang Asya, at ng Mainland Southeast Asia at
Insular Southeast Asia.

2. Ano-ano ang bahaging ginampanan sa pamumuhay ng mga Asyano ng mga


kabundukan at ilig sa Asya?

3. Ano ang kaugnayan ng pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga pisikal na anyo


tulad ng bundok, talampas, ilog, lawa, at dagat?

4. Paano naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang likas na


kapaligiran at ang pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas at ilang bahagi ng Silangang
Asya? Paano ang nagging pagtugon ng mga tao rito?

5. Paano naaapektuhan ng mga monsoon, mga bagyo, at ng mga lindol ang pisikal na
katangian ng iba’t ibang rehiyon ng Asya? Ikaw bilang isang Pilipino at Asyano, ano
ang magiging kapakinabangan mo sa pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa
katangian ng mga natural na kalamidad na dinaranas n gating bansa?

AKTIBIDAD 4: PHOTO ESSAY

Gamit ang iyong cellular phone o digital camera, kuhanan mo ng larawan ang
anumang makikita mo sa paligid na nagpapakita ng paraan ng paggamit ng tao sa likas
na yaman. Sakaling walang cellular phone o digital camera, maaari mo ding iguhit ang
mga larawan. Kakailanganin mo ng tatlong iba’t ibang larawan ngunit magkakaugnay at
nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nito’y susulat ka ng isang sanaysay na
iinog sa paksang “Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing
pangkabuhayan ng tao?” Ang sanaysay ay dapat na may kaugnayan rin sa mga
larawan.

Pamantayan sa Pagtaya ng Photo Essay


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Naglalaman ang photo essay ng komprehensibo,
Nilalaman tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol 10
sa kontribusyon ng likas na kapaligiran sa
gawaing pangkabuhayan ng tao
Maayos, detalyado at madaling maunawaan ang
Organisasyon daloy ng mga kaisipan at impormasyong inilahad 10
tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran
sa gawaing pangkabuhayan ng tao
May malinaw at malawak na mensahe tungkol sa
Mensahe kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing 10
pangkabuhayan ng tao
Ang pagkakagawa at paglalahad ng photo essay
Pagkamalikhain ay nilapatan ng malikhaing pamamaraan 5

Ang photo essay ay nkahihikayat at nakakatawag 5


Hikayat pansin.

40
Kabuuan

PANGWAKAS:

Natutunan ko na _______________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan, Araling Asyano pahina 24-40

K-12 Most Essential Learning Competency

Inihanda ni:

RONNALHYN D. MARCELO
Teacher I
PCNHS

You might also like