You are on page 1of 2

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8

Name of Learner/Pangalan: ____________________________________


Grade Level/Lebel: ___________________________________________
Section/Seksiyon: ___________________________________________
Date/Petsa: _________________________________________________

Mga Sinaunang Kabihasnan


(politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan)
Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

PANIMULA:
Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang
nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad
ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:

Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig


AP8HSK-Ii-8

AKTIBIDAD:
Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang
Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan.
Piliin ang tamang sagot.

KABIHASNANG TSINO
MGA DINASTIYA: Chou, Ming, Q’ing, Shang, Sui, T’ang, Yuan
1. Nakasulat sa oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay
sa dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya sa China
4. Yumabong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng
Confucianism, Taoism at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

MGA TAUHAN: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi


8. Itinuturing ang kanyang sarili bilang “Unang Emperador”
9. Itinatag niya ang dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya angb mga ekspidisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

MGA AMBAG: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism


12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador
13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang
China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming
15. Hangad ng kaisipang ito ang blanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan
MGA SANGGUNIAN
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig pahina 81-84.

Inihanda ni:

SHERRE C. MANUEL
Teacher II
PCNHS

You might also like