You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Division of Pampanga
PASAY CITY NORTH HIGH SCHOOL
Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga

LINGGUHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)


WEEK 1-4
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ___________________
Grade Level/Section: ___________________________ Iskor: ___________________

I. PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN ANG SUMUSUNOD NA MGA PAHAYAG. PILIIN ANG TITIK NG
TAMANG SAGOT. ISULAT SA PATLANG BAGO ANG NUMERO ANG INYONG SAGOT .
_____ 1. Tumutukoy sa anumang pangyayari ideya, opinion o paksa sa kahit anong larangang may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
A. Lipunan B. Kontemporaryong Isyu C. Institusyon D. Pangyayari
_____ 2. tumutukoy ang __________ sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

A. Institusyon B. Social Groups C. Status D. Gampanin (roles)


_____ 3. Ang nagsabing ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain.
A. Charles Cooley B. Karl Marx C. Emile Durkheim D. Thomas Edison
_____ 4. Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
A. Institusyon B. Social Groups C. Status D. Gampanin (roles)
_____ 5. Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Maituturing ang isyung
ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
A. Isyung Personal C. Isyu ng Buhay B. Isyung Panlipunan D. Isyung Panlahat

II. PANUTO: KUMPLETUHIN ANG SALITA. ISULAT ANG AKMANG LETRA SA MGA PATLANG.

1. ___ ___ ___ ___ ___ A___ -Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
2. I ___ ___ T ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ - ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa lipunan.
3. ___ T ___ ___ ___ S - Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng indibiduwal sa lipunan.
4. ___ A ___ ___ ___ ___ ___ N - Tumutukoy sa kilos, obligasyon, tungkulin at karapatan na inaasahan ng
lipunan na maisagawa ng isang indibiduwal.
5. S ___ ___ ___ ___ ___ G ___ ___ ___ ___ - Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad
na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

III. ENUMERATION: Ibigay ang mga hinihingi sa bawat numero


1-4 Elemento ng Istruckturang Panlipunan
5-8 Elemento ng Kultura
9-10 Dalawang Uri ng Status

IV. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______ 1. Tawag sa inilalabas na maitim na usok ng mga sasakyan at mga pabrika?
A. polusyon B. gasoline C. kemikal D. basura
______ 2. Tawag sa mga bagay na pinagkukunan natin ng pagkain at gamit sa paggawa ng produkto?
A. Lakas Paggawa B. Likas na Yaman C. Pera D. Likas Paggamit
______ 3. Mga Suliraning Panggkapaligiran maliban sa isa?
A. Basura B. Climate Change C. Pagsira sa mga Likas na Yaman D. Yamang Lupa
______ 4. Mga maling ginagawa sa pangingisda maliban sa isa?
A. paggamit ng dinamita C. paggamit ng malaking butas na lambat
B. paggamit ng maliit na butas na lambat D. pagsira sa mga coral
______ 5. Problema ng bawat bansa sa mundo. Hal. Sanhi ng pagbara ng mga kanal.
A. Basura B. Climate Change C. Kemikal D. Gasolina
______ 6. Isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabilis o napapalala dulot ng gawain ng tao.
A. Basura B. Climate Change C. Kemikal D. Gasolina
______ 7. Tawag sa Suliranin sa karagatan na pumapatay sa mga coral.
A. Coral Diffusion B. Coral Bleeching C. Coral Dwelling D. Coral Blasting
______ 8. Siyudad sa Pilipinas na kung saan 25% ng basura ay galing dito.
A. Metro Manila B. Pasay C. Pasig D. Quezon City
______ 9. Pinagkukunan ng pagkain at hilaw ng materyales sa paggawa ng produkto.
A. bahay-kalakal B. Supermarket C. kagubatan D. likas na Yaman
______ 10. Tawag sa Basurang pwedeng magamit ulit.
A. Bio-degradable B. non-biodegradable C. Kemikal D. lahat ng nabanggit

V. PANUTO: GUMAWA NG KARATULA NA NAGSASAAD NG PANGANGALAGA SA ATING


KAPALIGIRAN.
KRAYTIRYA SA PAGGAWA NG KARATULA PUNTOS
NILALAMAN 50%
KAUGNAYAN SA TEMA 25%
MALIKHAIN 25%
KABUUAN 100%

VI. SUMULAT NG ISANG REPLEKSYON TUNGKOL SA IYONG NATUTUHAN SA ARALIN.


GAMITING GABAY ANG MGA KATANUNGAN SA IBABA. ISULAT SA ISANG MALINIS NA
PAPEL ANG INYONG REPLEKSYON.

1. Ano ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?


2. Ano ang kabuluhan ng paksang ating natalakay?
3. Paano mo ito gagamitin sa pang-araw-araw mong pamumuhay?

Rubrics sa Pagmamarka
KRAYTIRYA SA PAGGAWA NG REPLEKSYON PUNTOS
Naisalaysay ang mahahalagang konseptong natutuhan 10
Maayos na nailahad ang kahalagahan ng aralin 10
Nakapagbigay ng mga halimbawa kung paano gagamitin sa pang-araw-araw na 10
pamumuhay ang paksang tinalakay
Kabuuang Marka 30

Inihanda ni:

Rachell Ann P. Fajardo


Guro sa Araling Panlipunan

You might also like