You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
ASYA
Unang Markahan-Modyul 2
Ang mga Anyong Lupa, Anyong
Tubig, Klima at Vegetation Cover
Araling Panlipunan Ika - 7 - Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Klima at
Vegetation Cover sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayun paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari o Aring Intelektwal.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang Aring Intelektwal. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o sipiin at


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: CONNIE C. QUIÑONES
Editor: JINKY C. SANTOS
Tagasuri: VERIDA G. PITOS, CRISTINA Z. ESPIRITU, JUN NICOLAS ,
DELIA M. DISUANCO, LEONILO C. ANGELES I, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
7

Araling Panlipunan
ASYA
Unang Markahan-Modyul 2
Ang mga Anyong Lupa, Anyong
Tubig, Klima at Vegetation Cover
Paunang Salita
Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan 7- Asya ay suplementaryong materyal na
nakabatay sa MELCs o Most Essential Learning Competencies na magagamit ng
mga mag-aaral sa ika-7 Baitang upang matutunan ang mga paksa sa Unang
Markahan. Nilalaman nito ang Yunit 1- Heograpiya ng Asya na nakatuon sa
Kasanayang Pagkatuto Bilang 2, ang mga Anyong Lupa, Anyong Tubig, Klima at
Vegetation Cover sa Asya. Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang
matututuhan at malilinang ang mga itinadhana ng Kagawaran ng Edukasyon
tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pan-21 siglo at mga pamantayang itinakda
ng K-12 Kurikulum.

Para sa mag-aaral. Malaki ang iyong tungkulin sa iyong sariling pagkatuto.


Sa pamamagitan ng paggamit mo ng modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang
mga mahahalagang pag-unawa at kasanayang dapat mong matutuhan sa pag-
aaral ng Araling Panlipunan 7. Sikapin mong pag-aralan, suriin, at isagawa ang
bawat bahagi ng modyul nang buong katapatan sa ilalim ng gabay ng iyong guro at
magulang. Sa mga pagkakataong mahirapan ka sa pagsasagawa o pag-unawa sa
nilalaman ng modyul, huwag mag-atubiling humingi ng tulong iyong magulang o
makipag-ugnayan sa iyong guro upang ikaw ay maliwanagan. Inaasahang sa
pamamagitan ng modyul na ito ay magpatuloy ang pagkalinang ng iyong kaalaman
at kasanayan kahit ikaw ay nasa bahay lamang.

Para sa magulang/tagapatnubay ng mag-aaral. Kayo ay may malaking


bahagi sa pagkatuto ng inyong anak. Ang inyong paggabay sa bawat aralin at
gawain na nasa modyul na ito ay napakahalaga. Kung may mga paksa at gawaing
hindi maunawaan kung paano gagawin, maaari kayong makipag-ugnayan sa guro
ng inyong anak sa Araling Panlipunan. Katuwang niyo po ang mga guro ng Araling
Panlipunan sa paghahatid at paglilinang ng kaalaman at kasanayan ng inyong mga
anak. Upang makamit ito, kinakailangan ng ibayong pagtutulungan at bukas na
komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mga magulang.

Para sa Guro. Dinisenyo ang modyul na ito batay sa mga pamantayang


itinakda sa K-12 Kurikulum. Layunin ng materyal na ito na epektibo mong
magampanan ang iyong tungkulin sa pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan ng
mga mag-aaral kahit pa sila ay wala sa pisikal na silid-aralan. Inaasahan ang iyong
ibayong paggabay at patnubay sa mga mag-aaral habang ginagamit nila ang
modyul. Sinikap ng may-akda na maiangkop ang bawat gawain sa kakayahan at
pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan
ng mga layunin, gawain, at pamantayang inilahad sa modyul, inaasahang epektibo
mong matataya ang bawat pag-unlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag sulatan, markahan,
tupiin, o punitin ang anumang bahagi nito. Sagutan ang bawat gawain
gamit ang hiwalay na papel.
2. Isagawa ang bawat bahagi ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
3. Bago sagutin ang bawat gawain, basahing mabuti at unawain ang mga
panuto.
4. Isagawa nang may katapatan at integridad ang mga gawain gayundin sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Ibalik ang modyul sa iyong guro kapag natapos mo nang maisagawa at
masagutan ang lahat ng bahaging ito.

i
Alamin

Maraming mga inihandang gawain sa mga susunod na mga pahina na


iyong magiging gabay upang iyong matamo ang mga takdang kakayahan at
kaalaman ukol sa modyul na ito.

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng


kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)

 Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging


ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

 Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


mga sinaunang kabihasnang Asyano.

D. PAKSANG ARALIN
1. Ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa mga
rehiyon ng Asya
2. Ang iba’t-ibang klima sa mga rehiyon ng Asya
3. Ang mga vegetation cover sa mga rehiyon ng Asya

E. MGA TIYAK NA LAYUNIN


 Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga konsepto at pagsasagawa ng
mga inihandang gawain sa modyul na ito, ikaw bilang isang mag-
aaral sa ika-pitong baitang ay inaasahang;

1. Natutukoy ang mga natatanging anyong lupa at anyong tubig sa


bawat rehiyon ng Asya.
2. Naipapaliawanag ang mga mabuti at di mabuting dulot ng mga
anyong lupa at anyong tubig sa mga tao.
3. Nailalarawan ang mga uri ng klima at vegetation cover sa bawat
rehiyon ng Asya.
4. Nasusuri ang mga epekto ng klima at vegetation cover sa
pamumuhay ng mga tao.

1
Binabati kita! Sa matagumpay mong pagkamit ng mahalagang konsepto
sa paghahating heograpiko sa kontinente ng Asya (Silangang Asya,
Timog Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang
Asya).

Ang Mga Anyong Lupa,Anyong


Aralin
Tubig, Klima at Vegetation Cover
2
sa Asya

Subukin

Panuto: Ang mga sumusunod na mga tanong ay naglalayong masukat ang iyong
nalalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin sa modyul na ito kung kaya huwag
kang mangangamba kung hindi mo masagot nang tama ang mga ito. Matatamo mo
rin ang mga karunungang inaasahan kapag natapos mo ng pag-aralan ang buong
modyul. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
a. Tibetan Plateau sa Tsina
b. Ilog Euphrates sa Iraq
c. Ilog Ganges sa Saudi Arabia
d. Disyerto ng Gobi sa India
2. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Napapalibutan ito
ng iba’t ibang anyong tubig. Anong karagatn ang nasa gawing silangan ng
kontinenteng ito?
a. Karagatang Antartiko c. Karagatang Arctic
b. Karagatang Pasipiko d. Karagatang Indian
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan
hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang
bansa?
a. Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at
bagyo
b. Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na
mas malapit sa mga katubigan
c. Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at
malalakas na hangin ang mga nagtatatasang mga kabundukan.
d. Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
klima ng mga bansa?
a. distansiya sa katubigan c. lokasyon
b. taglay na mga anyong lupa d. laki ng lupain

5. Ang Bundok Everest na nakahanay sa pinakamahabang bulubundukin na


matatagpuan sa anong rehiyon?
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya

2
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya
6. Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya
Pasipiko na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa ang
hindi kabilang dito?
a. Japan c. Indonesia
b. Pilipinas d. China
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng
katotohanan ukol sa kabuhayan ng Asyano?
a. Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng
mga Asyano.
b. Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga
Asyano.
c. Mayroong pagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa
iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan
d. Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na
pamumuhay ng mga tao.
8. Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naaapektuhan ng
klima ng isang bansa?
a. lokasyon c. hangganan
b. sukat d. vegetation cover
9. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas
ng pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
a. desert c. prairie
b. taiga d. tundra
10.Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi
ng karagatan maliban sa___.
a. Earthquake c. Hurricane
b. Typhoon d. Cyclone

Balikan

Bago natin tuluyang bigyanglinaw ang ugnayan ng tao at


kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano, balikan mo muna ang
nakaraang talakayan bilang patunay ng iyong pagkatuto sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na mga gawain.

A. TALArawan ng Asya

Panuto: Ilarawan ang Asya batay sa mga sumusunod na katangiang pisikal. Isulat
sa sagutang papel ang iyong mga tugon.
Sukat km²
Hangganan ng A _________
Asya sa

Hilaga- _______ S Takdang kinaroroonan


Timog- _______ _________
Silangan- _____ Y
Kanluran- _____
Timog Silangan A Anyo/Hugis
__________ _________

3
B. ALIN – ALIN ANG NAIIBA?

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang hindi kabilang sa pangkat

1. Turmenistan Bhutan Bhutan Afgahnistan


2. Azrbaijan Kazakhstan Tajikistan Pakistan
3. Saudi Arabia Brunei Qatar Bahrain
Darrusalam
4. Pilipinas Indonesia Sri Lanka Timor Leste
5. India China Mongolia Taiwan
6. Yemen Oman Nepal Cyprus
7. Bhutan Maldives Taiwan Sri Lanka
8. Armenia Cyprus Georgia Uzbekistan
9. Vietnam Cambodia Syria Myanmar
10 Kuwait Bahrain Myanmar Lebanon

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga larawan ay kuha mula sa Pin on jemm_8678@yahoo.com

4
Pamprosesong Tanong

1. Ang Asya ay may iba’t ibang mga anyong lupa at anyong tubig. Alin sa mga
nasa larawan sa itaas ang iyong mga marating na?
2. Sa iyong obserbasyon , paano naaapektuhan ng mga anyong lupa at anyong
tubig ang pamumuhay ng mga taong naninirahan sa mga lugar na ito ?
3. Sa iyong opinyon saan mo nais manirahan, malapit sa anyong lupa o
anyong tubig? Bakit?

Ang iyong mga kasagutan at pang-unawa sa ating aralin ay bibigyang


katuturan sa mga kontekstong iyong mababasa sa mga susunod na mga pahina.

Suriin
Sa tulong nang mapanuring pagbabasa sa mga konteksto sa bahaging ito,
higit mong mapapaunlad ang iyong pang-unawa sa aralin.

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente ng mundo.Nakapalibot sa


malawak na kalupaang ito ang naglalakihang mga karagatan tulad ng Karagatang
Pasipiko sa Silangan, ang Karagatang Indian at Dagat Arabian sa Timog, ang
Karagatang Arctic at Atlantic sa Hilaga at Dagat Mediterranean at Dagat Pula
naman sa Kanluran. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at
anyong tubig sa uri ng klima na maaaring maranasan at mga uri ng halaman na
bumabalot sa kalupaan.

Tunghayan natin ang mga anyong lupa, anyong tubig, klima at vegetation
cover sa limang rehiyon ng Asya.

Kilala ang Hilagang Asya sa taglay nitong malawak na damuhan. Nauuri ang
mga damuhan o Grassland sa tatlo: ang Steppe, Prairie at Savanna. Matatagpuan
sa dakong kanluran ng Black Sea at
patungong silangan ng Lake Balkhash
ang lupain ng steppe, prairie naman ang
makikita sa hilagang bahagi ng Russia
at Manchuria. Ang kabundukang Ural
na nasa rehiyong ito na humahati sa
mga kontinente ng Europa at Asya
makikita ang kakaibang kabundukan
dahil kakaunti lamang ang mga puno
dito. Tinatawag itong Boreal Forest o
Taiga na sa wikang Ruso ito ay nangangahulugang Rocky Mountainous Terrain.
Coniferous ang mga puno na tumutubo rito. Sa lupain naman ng Siberia makikita
ang Tundra na may katumbas sa wikang Ruso na Treeless Mountain Tract. Malamig
ang Klima rito at madalang ang pagdating ng presipetasyon na nasa anyong yelo o
ulan. Ang Bering Sea ang nag- uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Sa hilaga ng

5
Hilagang Asya matatagpuan ang Lake Baikal na pinakamalalim na lawa sa buong
mundo. Dahil ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng tag-lamig
kaya hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang uri ng
punongkahoy.

Savanna- pinagsamang damuhan Taiga- Kagubatang coniferous na


at kagubatan tinatawag ding rocky mountainous terrain

1. Sa lamig na nararanasan ng mga bansa sa Hilagang Asya, anong mga vegetation cover ang
karaniwan dito?
2. Paano kaya namumuhay ang mga tao sa mga bansa sa rehiyon ng Hilagang Asya?

May anyong hugis tatsulok


ang Timog Asya mula Indian
Ocean sa Timog hanggang
Kabundukang Himalayas sa
Nepal na siyang
pinakamahabang hanay ng
kabundukan sa buong mundo.
Dito rin matatagpuan ang
Tibetan Plateau na
pinakamataas na talampas sa
buong mundo at tinaguriang
“Roof of the World”. Nakahanay
rin dito ang tinaguriang “House
of Snow”, ang bundok Everest na
pinakamataas na bundok
sa buong mundo.
Maliban sa mga nabanggit, ang
bundok ng HinduAnoKush
ang kahalagahan
kung ng Indo –Gangetic Plain sa Timog Asya?
saan

6
matatagpuan ang Khyber Pass sa Afghanistan, Karakorum Range sa pagitan ng
Pakistan at China. Sa katimugan ng Hindu Kush, nakalatag ang Indo- Gangetic
Plain, ang pinakamalawak na kapatagan sa buong mundo at ang Thar Desert at
Deccan Plateau. Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay ang
kabundukan ng Ghats- ang Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea at ang
Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal. Ang mga ilog Indus,
Ganges, at Brahmaputra ay ilan sa makasaysayang mga ilog ng mundo ay
matatagpuan din sa rehiyong ito. Mainit sa rehiyong ito maliban sa mga lugar na
bulubundukin na nakararanas namn ng sobrang lamig o pagyeyelo.

Ang rehiyon ng Silangang


Silangang Asya
Asya ang may pinakakaunting
bilang ng bansa subalit sakop
nito ang halos 20% sukat ng
kontinente. Matatagpuan sa
rehiyon ang Gobi Desert na
pinakamalawak na Disyerto sa
Asya, Mongolian at Tibetan
Plateau at ang Himalayas ng
Nepal ang nagsisilbing pisikal na
Mga Mapa ng rehiyon ng Asya. Mula sa commons.wikimedia.org hangganan ng rehiyon sa Timog
Asya samantalang ang
Karagatang Pasipiko ang nasa Silangan. Sa pangkalahatan, mataba ang lupain sa
rehiyon, malalalim ang lambak at matataas ang mga bundok. Sa katunayan, 80%
ng kalupaan ng China ay may ganitong uri ng lupa. Matatagpuan din sa China ang
ilan sa mga mahahalagang ilog na
KANLURANG
naging lundayan ng sinaunang ASYA
sibilisayon, ang Huang Ho at Yang Tze
na pinakamahabang ilog sa Asya, at
ang Xi Jiang na nagpapataba sa
kalupaan ng bansa at nagsilbing ruta sa
pakikipagkalakalan.
Ang Japan naman ay ang
bansang kapuluan na nahihiwalay sa
rehiyon na binubuo ng malalaki at
maliliit na isla. Kabilang sa mga islang ito ay ang Kyushu, Shikoku, Honshu at
Hokkaido. Dagdag pa dito, ang bansang Hapon ay nagtataglay ng mga aktibong
bulkan tulad ng Fuji. Kabilang ang Japan sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.
Sa paanong paraan nakakatulong ang mga ilog na dumadaloy sa malawak na agrikultural na lupain
ng China?

7
Nahahati sa tatlong rehiyong
pisikal ang Kanlurang Asya: Ang
Northern Tier na kinabibilangan ng
Turkey at Iran kung saan matagpuan
ang mga kabundukan at talampas
tulad ng Anatolian Plateau at Iranian
Plateau. Pangalawa ang Arabian
Peninsula, ang malawak na tangway
na napalilibutan ng iba’t-ibang
anyong tubig.

Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea,


Arabian Sea, at Persian Gulf. Kahit
malawak ang lupaing ito, ang Arabian
Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit
populasyon. Ito ay sa kadahilanang salat sa
tubig ang lupaing ito sapagkat ang
malaking bahagi nito ay disyerto. Ang mga
tao rito ay naninirahan malapit sa mga
oasis, ito ay isang lugar sa disyertong
nagtataglay ng matabang lupa at tubig na
maaaring makabuhay ng mga halaman at mga hayop. Isa pang bahagi ng
kanlurang Asya ay ang tinatawag na Fertile Crescent. Ang lupaing ito ay
nagsisimula sa silangang bahagi ng Mediterranean patungo sa ilog Tigris-
Euphrates hanggang sa Golpo ng Persia. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng
matabang lupa at saganang suplay ng tubig. matatagpuan ang lupaing ito sa
bansang Iraq. Sa bansang ito sumibol ang pinakamatandang kabihasnan sa buong
mundo.

1. Sa uri ng klimang nararanasan ng kalakhang Kanlurang Asya, bakit nananatiling kapaki-


pakinabang ang mga lupain dito?
2. Ano ang tawag sa matabang lupain sa Kanlurang Asya na sinasabing naging lundayan ng
sinaunang kabihasnan?

Ang Timog Silangang Asya ay


TIMOG SILANGANG
binubuo ng dalawang rehiyong ASYA
heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at
ang mga arkong pulo at mga kapuluan sa
silangan at timog silangan. Ang mga
bansang nasa kalupaang Asyano ay
kinabibilangan ng Cambodia, Laos,
Myanmar, Thailand at Vietnam; Ang mga
bansang nasa karagatan ay binubuo ng
Brunei Darussalam, Timor Leste,
Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at
Singapore.
Kasama ng Japan ang Pilipinas at Indonesia sa Seismic Pacific Ring of Fire
dahil sa taglay na mga aktibong bulkan ng mga nabanggit na bansa. Bulkan ng
Semeru at Krakatoa sa Indonesia, Pinatubo, Taal at Mayon dito sa Pilipinas. Iba’t-

8
ibang anyong tubig din ang nakapalibot sa rehiyon kaya ang klima dito ay
karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon.

Pagyamanin

Makakatulong ang mga gawaing nakahanda sa bahaging ito ng


modyul upang mas maintindihan ang iyong mga binasa.
A. naLAMAN mo Ba?

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod batay sa paglalarawan. Nasa ibabang


kahon ang ilan sa mga posibeng kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang iyong
mga tugon.

_____________________1. Pinakamahabang hanay ng kabundukan sa


buong mundo.
_____________________2. Pinakamalalim na lawa sa buong mundo.
_____________________3. Pinakamalawak na lawa sa buong mundo.
_____________________4. Pinakamataas na bundok sa buong mundo.
_____________________5. Pinakamalawak na kapatagan sa Asya.
_____________________6. Pinakamalawak na disyerto sa Asya.
_____________________7. Pinakamataas na talampas sa Asya.
_____________________8. Pinakamahabang ilog sa Asya.
_____________________9. Pinakamalaking kapuluan sa Asya.
_____________________10 Pinakamalaking kontinente ng mundo
.

Gobi Everest Ural


Indonesia Asya K2 Tibet
Himalayas Baikal Indo-Gangetic Plane Caspian

B. Data Retrieval Chart


Batay sa iyong mga nalaman, kompletuhin ang talahanayan sa ibaba.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

NATATANGING VEGETATION
Mga Rehiyon ng NATATANGING KLIMA
ANYONG LUPA ANYONG TUBIG COVER
Asya

HILAGANG

ASYA

9
SILANGANG

ASYA

Karagdagang pagtalakay sa uri ng klima at mga salik na


nakaaapekto rito sa pahina
TIMOG ASYA

KANLURANG

ASYA

TIMOG SILANGAN

ASYA

C. Nasa ibaba ang tiyak na paglalarawan sa bawat klima, isulat kung sa anong
rehiyon ang nakakaranas ng ganitong klima.

2. Karaniwang tumatagal ng
anim na buwan at maiksi 3. Maaring magkaroon ng labis
lamang ang tag-init. Malaking o di kaya ay katamtamang init o
1. Iba’t – ibang klima rin ang
bahagi ng rehiyon ang hindi lamig ang lugar. Bihira at halos
nararanasan sa rehiyong ito.
kayang tirahan ng tao sa sobrang hindi nakararanas ng ulan ang
May mahalumigmig na buwan,
lamig. malaking bahagi ng rehiyon.
tag-init at tag-tuyot at may mga
Kung umulan man, ito ay sa
lupain din na nababalutan ng
mga bahaging malapit sa dagat.
yelo .

KLIMA SA ASYA

4. Halos lahat ng mga bansa sa rehiyong 5. Dahil sa laki ng rehiyong ito,


ito ay may klimang tropikal. nakakaranas ng iba’t-ibang panahon ang
Nakakaranas sila ng pag-ulan, init, mga bansa. Mainit na panahon para sa
lamig sa iba’t ibang buwan dulot ng mga nasa mababang latitud, malamig at
distansiya nito sa katubigan. nababalutan naman ng yelo ang ilang
bahagi.

Pamprosesong Tanong

1. May kaugnayan ba sa uri ng klima ng isang bansa ang pagkakaroon niya ng


ibat ibang anyong lupa at anyong tubig?
2. Bakit iba’t-ibang uri klima ang nararanasan ng mga bansa?Magbigay ng
tatlong salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng iba’t ibang klima ng isang
bansa?
3. Sa iyong palagay, bakit iba-iba ang vegetation cover ng mga bansa sa Asya?

10
4. Sa paanong paraan nakaaapekto ang klima at vegetation cover sa aspektong
kultural at pangkabuhayan ng mga Asyano?

Isaisip

Kapakinabangan at Kapahamakan

Panuto: Sa iyong nalaman, maari bang magtala ka ng mga mabuting dulot at at di


mabuting dulot ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga pamumuhay ng tao.
Gamitin ang sagutang papel sa pagsagot ng iyong tsart.

MABUTING DULOT DI MABUTING DULOT


1. 1.

ANYONG LUPA 2. 2.

3. 3.

1. 1.
ANYONG TUBIG
2. 2.

3. 3.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa 3 gawain na nasa ibaba. Ihanda ang gawain upang
maibahagi rin sa iyong kaklase kung bakit ito ang iyong napili. Ang mapipiling
gawain ay bibigyang puntos gamit ang rubrik sa ibaba.
A. Gumupit ng mga larawan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa iba’t-
ibang bansa sa Asya at buuin ito sa pamamagitan ng Photo Collage.
Lumikha ng maikling sanaysay tungkol dto na nagpapahayag ng ugnayan
ng mga anyong lupa at anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano.

B. Gumupit ng mga larawan ng mga Asyano na nagpapakita ngiba’t ibang uri


ng klima na nararanasan sa bansa. buuin ito sa pamamagitan ng Photo
Collage. Lumikha ng maikling sanaysay tungkol dto na nagpapahayag ng
ugnayan klima sa pamumuhay ng mga Asyano.
C. Lumikha ng flow chart na nagpapakita ng malinaw na ugnayan ng
kapaligiran at pamumuhay ng mga tao. Isama sa iyong flow chart ang
natutunan hinggil sa klima, vegetation cover, anyong lupa at anyong tubig.
Bumuo ng maikling sanaysay na tumatalakay sa iyong flow chart.

11
Pamantayan 5 3 1

Kaayusan at Organisado, mahusay ang mahusay ang


Kahusayan ng mahusay ang presentasyon at presentasyon
disenyo presentasyon at malikhain ang
malikhain ang pagkakagawa
pagkakagawa

Nilalaman Wasto at angkop Wasto subalit Di wasto at di


ang mga datos hindi tiyak ang tiyak ang mga
mga datos datos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong, Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang Bundok Everest ay bahagi ng pinakamahabang hanay ng


kabundukan.Ito ay matatagpuan sa anong rehiyon?
a. Timog Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya
2. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Napapalibutan ito
ng iba’t ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing
silangan ng kontinente?
a. Karagatang Atlantiko d. Karagatang Arctic
b. Karagatang Pasipiko c. Karagatang Indian
3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng hindi
katotohanan ukol sa kabuhayan ng Asyano?
a. Mayroong pagkakatulad at pagkakahawig ang mga bansang nasa
iisang rehiyon sa kultura, pulitika at uri ng kabuhayan.
b. Ang laki ng lupain ang magtatakda ng estado ng pamumuhay ng mga
Asyano.
c. Malaki ang papel ng katangiang pisikal sa kultural at ekonomikal na
pamumuhay ng mga tao.
d. Nagiging basehan ang katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng
mga
Asyano.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
klima ng mga bansa?
a. distansiya sa katubigan c. lokasyon
b. uri na mga anyong lupa d. laki ng lupain
5. Alin sa mga sumunod na katangiang pisikal ang direktang naapektuhan ng
klima ng isang bansa?
a. lokasyon c. hangganan
b. sukat d. vegetation cover
6. Ang Pacific Ring of Fire ay ang malawak na sonang nakalatag sa Asya
Pasipiko na nagtataglay ng mga aktibong bulkan. Alin sa mga bansa ang
hindi kabilang?
a. Japan c. Indonesia
b. Pilipinas d. China

12
7. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang bihira at halos hindi nakararanas
ng pag-ulan. Anong vegetation cover ang higit na makikita rito?
a. taiga c. tundra
b. desert d. prairie
8. Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nabubuo sa malalim na bahagi
ng karagatan maliban sa___.
a. Typhoon c. Cyclone
b. Earthquake d. Hurricane
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan
hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang
bansa?
a. Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at
malalakas na hangin ang mga nagtataasang mga kabundukan.
b. Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na
mas malapit sa mga katubigan
c. Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at
bagyo
d. Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
10.Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
a. Ilog Ganges sa Saudi Arabia
b. Disyerto ng Gobi sa India
c. Ilog Euphrates sa Iraq
d. Tibetan Plateau sa China

11-22 Kilalanin ang mga bansa, anyong lupa o anyong tubig na matatagpuan sa
bahagi ng mapa na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. __________________
B. __________________
C. __________________
D. __________________
E. __________________
F. __________________
G. __________________
H. __________________
I. ___________________
J. __________________
K. __________________
L. __________________

Ang larawan ay kuha mula sa https://study-assistantph.com/araling-panlipunan/question7288730

Karagdagang Gawain
Ang
klima ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan ng
isang lugar sa loob ng mahabang panahon. Maraming elemento ang
nakakapagpabago ng panahon tulad ng temperatura, presipitasyon sa anyong ulan
o yelo at hangin maging ang direksyon ng hangin: ang Hanging Amihan o North
East Monsoon na nagdadala ng mababang temperature sa kalupaan subalit

13
walang masyadong ulan at ang Hanging Habagat o Southwest Monsoon na
nagdadala naman ng ulan sa kalupaan. Ang klima ng isang lugar ay nababatay sa
lokasyon, taas at layo ng kalupaan mula sa katubigan at taglay na mga
nagtataasang kabundukan.

Tulad ng nabanggit sa mga naunang pahina, ang mga lupain na malapit sa


baybayin gaya ng mga bansa sa Silangang Asya, insular sa Timog Silangang Asya
at mga Isla sa Timog Asya ay madalas nakararanas ng pag-ulan at matitinding
bagyo. Maraming mga bansa sa Kanlurang Asya ay bihira o hindi nakararanas ng
pag-ulan dahil sa distansiya nito sa katubigan. Samantalang ang mataas na
lokasyon ng Hilagang Asya ang sanhi ng labis na lamig sa rehiyon.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Ang klimang tropikal ay nailalarawan bilang isang klimang hindi-arid, na ang
lahat sa labindalawang buwan ng taon ay may katamtamang temperatura hindi
bababa sa 18 °C. Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at
23.5° T latitud, at kasama dito ang lahat ng parte ng lupa na direktang tinatamaan
ng araw (o kung saan naka-anggulong 90° altitud ang araw mula sa lupa) nang
maski isang beses lang sa isang taong solar (hindi nagagawa ito ng araw lampas
hilaga ng Tropiko ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn).
Ang klimang monsoon ay madalas ding kilala sa dalawang anyo: ang Tropical
Savanna. Sa klimang ito nakararanas ang lupain sa tuyong buwan ng hindi tataas
sa 60 milimetrong presipetasyon at ang Tropical Rainforest ay halos katulad ng
klimang tropical.
Ang klimang arid o semi arid ay kadalasang klima sa mga lupain na bihira o
halos hindi nakararanas ng pag – ulan dahil sa distansya ng mga lupain sa
katubigan
Ang klimang polar ay kadalasang may temperaturang hindi tataas sa 10°C sa
pinakamainit na buwan. Nababalutan ng yelo o niyebe ang kalupaan sa halos
buong taon
Ang klimang sub- humid tropical ay nararanasan sa dalawang anyo, mainit na
mamasa-masang panahon at malamig na mahalumigmig na panahon.
https://academicresourcesinpdf.blogspot.com/2019/01/asya-pagkakaisa-sa-gitna-ng-pagkakaiba.html

14
Susi sa Pagwawasto

BALIKAN

HANGGANAN:

Hilaga: Ural Mountains, Kara Sea

Silangan: Japan, Pacific Ocean, Bering Sea

Timog: Arabian Sea,


ALIN-ALIN ANGIndian Ocean
NAIIBA? Kanluran: Caspian Sea, Turkey, Red Sea

Timog Silangan:
1. Timor Sea, Pilipinas 6. Nepal
Tukmenista Sukat: humigit-kumulang 44, 936,000 km²
2. Pakistan 7. Taiwan
Lokasyon:3.mulaBrunei Darussalam
10° Timog 8. Cyprus
hanggang 90° Hilagang Latitude at mula 11° kanluran hanggang 175° Silangang Longhitude
4. Sri Lanka 9. Syria
5. India 10. Myanmar
Anyo: Malawak at hiwa-hiwalay na lupain na napalilibutan ng maliliit at malalaking anyong tubig.

PAGYAMANIN
B. Klima sa Asya
naLAMAN mo ba? 1. Timog Asya
2. Hilagang Asya
1. Himalayas 3. Kanlurang
6. Gobi Desert Asya
2. lake Baikal 4. Timog
7. Tibetan Silangang Asya
Plateau
3. Caspian Sea 5. Silangang
8. Yang Tze Asya
4. Mount Everest 9. Indonesia
5. Indo-Gangetic Plane 10. Asya

15
TAYAHIN
A. Ural mountains G. Timor Leste
1. b B. Kara sea H. Indian Ocean
2. a C. Bering Strait I. Arabian Sea
3. c D. Pacific Ocean J. Red Sea
4. c E. Japan K. Turkey
5. c F. Pilipinas L. Caspiam Sea
6. c G. Timor Sea
7. b
8. b
9. c
10. c

Sanggunian

Aklat at artikulong sanggunian

M. Cruz et. Al, Araling Asyano, Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon, 2017. Pp 2-40

M. Cruz et. Al, Araling Asyano, Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon, 2017. Pp 11-35

Elektronikong sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tropiko

https://en.wikipedia.org/wiki/Tropical_monsoon_climate

https://www.google.com/search?bih=549&biw=1366&hl=en-
https://en.wikipedia.org/wiki/Polar_climate
https://www.google.com/search?q=mapa+ng+daigdig&authuser=

https://www.google.com/search?q=sukat+ng+mga+kontinente+sa+daigdig&authuser

https://www.slideshare.net/gipak24/katangiang-pisikal-ng-asya-49801666

https://www.google.com/search?
q=mapa+ng+asya+na+nagtatala+sa+mga+hangganan+nito+sa+iba+pang+kontinente&authuser=1&hl=en&sour
ce=

https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

https://academicresourcesinpdf.blogspot.com/2019/01/asya-pagkakaisa-sa-gitna-ng-pagkakaiba.html

16
17

You might also like