You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

ARALING PANLIPUNAN – Ikapitong Baitang


Unang Markahan, Ikalawang Linggo
Modyul 2

Ugnayan ng Tao at Kapaligiran


sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano

Kasanayang Pagkatuto:

Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa


paghubog ng kabihasnang Asyano
AP7HAS-Ia-1

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Para sa Mag-aaral
Minamahal naming mga mag-aaral, dahil sa kinakaharap natin ngayong pandemya na
Covid 19, sinisikap ng Kagawaran ng Edukasyon na maipagpatuloy ang inyong pag-
aaral sa kabila ng banta ng sakit na ito. Sa layuning mapanatili ang edukasyon at
masiguro ang inyong kaligtasan, ipinagkaloob namin sa iyo ang Self Learning Kit na
ito upang maging gabay sa inyong pag-aaral habang kayo’y nasa inyong mga
tahanan.Maari niyo ring gamitin ang mga susi sa pagwasto na makikita sa huling
bahagi ng Kit na ito upang iwasto ang sarili ninyong kasagutan sa mga katanungan at
gawain na napapaloob dito.

Para sa Magulang o Tagapagdaloy


Minamahal naming mga magulang at guro, para mas mapa-unlad at mapalinang pa
ang kaalaman ng ating mga mag-aaral, kayo po ay hinihiling na patnubayan ang ating
mga estudyante alisunod sa mga angkop na gawain, katanungan at pagsusulit na
nakapaloob sa modyul na ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimula

Binuo ang modyul o self-learning kit na ito para sa iyo upang matulungan kang
mapalawak ang iyong kaalaman ukol sa ugnayan ng tao at kapaligiran sa
paghubog ng kabihasnang Asyano. Mababasa mo rito ang papel na ginampanan
ng mga anyong lupa at anyong tubig sa pagbuo ng kabihasnang Asyano. Kalakip dito
ang mga babasahin at katanungan na kailangan mong sagutin. Ikaw ay
pinapakiusapan na alagaan ang modyul na ito at iwasang sulatan ang anumang
pahina upang sa gayon ay magamit pa ito ng iba pang mag-aaral na katulad mo.

Alamin

Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya.


Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay
ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng
pamumuhay ng mga Asyano. Bawat uri nito ay ginagamit, nililinang, at patuloy na
naghahatid ng kapakinabangan sa mga Asyano. Narito ang mga layunin sa araling ito:
1. Natutukoy ang mga anyong lupa at anyong tubig na may naging mahalagang
papel sa paghubog ng Kabihasnang Asyano
2. Nakabubuo ng isang photo essay na nagpapakita ng kahalagahan ng ugnayan
ng tao at ng kapaligiran
3. Naipapakita ang masidhing damdamin ukol sa pangangalaga ng ating kapaligiran
4. Nasasabi ang kahalagahan ng ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog
ng Kabihasnang Asyano

Magsisimula nang lumawak ang iyong kaalaman ukol sa ugnayan ng tao at


kapaligiran lalong lalo na tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig. Ngayon
naman, subukin natin ang iyong kaalaman sa bagong araling ito sa pamamgitan
ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ilan ang aktibong bulkan sa Asya?


A. 500 C. 800
B. 300 D. 1000

2. Ano ang pinakatanyag na bulubundukin?


A. Himalayas C. Mt. Fuji
B. Mt. Everest D. Mt. Apo

3. Ano ang pinakamataas na talampas sa buong mundo?


A. Deccan Plateau C. Mt. Everest
B. Meccan Plateau D. Tibetan Plateau

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

4. Ano ang pinakamalaking disyerto sa Asya?


A. Gobi C. Nile
B. Karakum D. Taklamakan

5. Ano ang pinakamalaking Archipelagic State sa buong mundo?


A. Indonesia C. Philippines
B. Malaysia D. Timor Leste

6. Ang mga sumusunod na ilog ay kabilang sa nagsisilbing lunduyan ng sinaunang


kabihasnang Asyano maliban sa __________.
A. Indus C. Nile
B. Huang- Ho D. Tigris at Euphrates

7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Ilog Ganges?


A. Ito ay tinaguriang ilog ng pighati ng mga taga India.
B. Ito ay sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India.
C. Ang ilog na ito ang pinakamalaking ilog sa buong mundo.
D. Naging tanyag ang ilog na ito sapagkat ito ay may halong tubig dagat.

8. Alin sa mga sumusunod na lawa at dagat ang HINDI kabilang sa anyong tubig
na matatagpuan sa Asya?
A. Atlantic Ocean C. Dead Sea
B. Caspian Sea D. Lake Baikal

9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Dead Sea?


A. pinakamalalim na dagat sa buong mundo
B. pangatlo sa pinakamaalat na anyong tubig sa daigdig
C. pangalawa sa pinakamaalat na ayong tubig sa buong mundo
D. pangalawa sa pinakamalalim na anyong tubig sa buong mundo

10. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Aral Sea?


A. pinakamalaking lawa sa Asya
B. pinakamalalim na lawa sa Asya
C. pinakamababaw na lawa sa Asya
D. pinakatangi-tanging lawa sa Asya na may maalat na tubig

11. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ilog Amu Darya?


Ito ay pinakamahabang ilog sa ______________________.
A. Gitnang Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Silangang Asya

12. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng kapakinabangan ng mga lawa at ilog sa


sinaunang kabihasnan maliban sa __________.
A. Pinagkukunan ng tubig bilang inumin
B. Pinagmulan ng sistema ng irigasyon
C. Nagsisilbing depensa o harang sa malalakas na bagyo
D. Daanan ng transportasyong pangtubig

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng papel ng ilog sa paghubog ng


kabihasnang Asyano?
A. Nagsisilbi itong pinagkukunan ng panggatong.
B. Nagsisilbi itong lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim sa ilalim ng ilog.
D. Sa mga ilog lamang nakakuha ng pagkain ang mga sinaunang Asyano.

14. Ang mga sumusunod ay kabilang sa kapakinabangan ng mga


anyong lupa MALIBAN SA___________.
A. pinakapangunahing lugar panirahan ng tao
B. pinagkukunan ng samu’t-saring yamang mineral
C. pinagkukunan ng mga herbal na gamut at mga hilaw na materyales
D. pinagkukunan ng mga isda at iba pang mga likas na yamang tubig

15. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga makukuha sa mga


kabundukan MALIBAN SA___________.
A. coral reef C. hilaw na materyales
B. herbal na gamot D. mga bungang kahoy

Nahirapan kaba sa pagsagot sa mga katanungan sa Subukin? Palagay ko ay oo. Ito ay


dahil hindi pa naihatid sa iyo ang kaalaman sa bagong araling ito. Pero nitong susunod
na pasulit natitiyak kong masasagot mo na ito ng mabilisan dahil ito ay tungkol sa mga
rehiyon sa Asya.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng
tamang sagot

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog- Silangan, at
Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil
isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa
ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang
magkaugnay?

A. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
B. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
C. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
Pisikal.
D. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal,
kultural, agrikultural at sa klima.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na tanong.

Source: national Geographic society,Washinton D.C. copyright 2009

2. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang


kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.

3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Timog Silangang Asya?


A. Napakainit tuwing buwan ng Disyembre at malamig sa buwan ng Abril
B. Ito ay binubuo ng mga malalawak na disyerto na hindi mainam para sa pananim.
C. Ang rehiyon ay may mga magugubat na kabundukan sa hilaga at lambak-ilog sa
Timog.
D.Ang rehiyon ay lubhang malamig kaya hindi gaanong nabubuhay ang mga
pananim rito.

4. Ang mga sumusunod na bansa ay matatagpuan sa Timog Asya MALIBAN SA _______.


A. Bhutan
B. China
C. India
D. Nepal

5. Sa anong rehiyon sa Asya makikita ang disyerto ng Takla Makan?


A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya

6.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng klima sa Hilagang Asya?


A. Napakaiksi ng taglamig at napakahaba ng tag-init.
B. Napakahaba at napakainit ng panahon ng tag-init at napakaikling taglamig.
C. Iba’t-iba ang klima sa rehiyong ito ngunit madalas ang tag-init at tagtuyot.
D. Napakahaba at napakalamig na panahon ng taglamig at napakaikling tag-araw.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

7. Anong dalawang ilog ang makikita sa Silangang Asya?


A. Nile at Jordan
B. Mekong at Irrawady
C. Tigris at Euphrates
D. Yangtze at Huang Ho

8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Silangang Asya?


A. Malalim ang lambak at mataas ang bundok
B. Matabang mga mga tubig sa karagatan at mga ilog
C. Malalim ang mga bundok at mataas ang mga lambak
D. Mababaw ang mga lambak at maliliit ang mga bundok

9. Sa anong rehiyon sa Asya makikita ang Lawa ng Baikal?


A. Hilaga
B. Kanluran
C.Timog
D.Timog Silangan

10. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng permafrost na madalas nagaganap sa


Hilagang Asya?
A. Maikli ang taglamig, nanatiling mainit sa buong taon
B. Mahaba ang tag-araw, nanantiling tuyot ang buong kapaligiran
C. Maikli ang tag-araw, nananatiling may yelo ang buong kapaligiran
D. Mahaba ang tag-ulan at madalas na bumabaha sa buong rehiyon

Siguro ay natapos mo ito sa iilang minuto lamang, binabati kita…Pagkatapos ng pagbabalik


sa nakaraang leksyon alam kong handa kana sa bagong araling ito. Sa susunod na gawain
ay meron kang titingnan na larawan na may kinalaman sa ating paksa.

Tuklasin
Panuto: Tingnang mabuti ang mga nasa larawan. Matutukoy mo ba kaya kung saan-saan
matatagpuan ang mga lugar na ito?

Lake Baikal Caspian Sea Huang- Ho River

Source: www.googleimages.com

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Fertile Crescent
Banaue Rice Terraces
Fertile Crescent

Borneo Rainforest Mt. Everest Khyber Pass

Source: www.googleimages.com

Suriin

1. Suriin ang bawat larawan. Paano nagkakatulad ang mga ito? Ilan dito ang anyong
lupa at ilan ang anyong tubig?
2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga
ito, ano ang iyong pipiliin? Bakit?
3. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na
gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong nanirahan sa
mga bansang ito? Pangatuwiranan ang sagot.
4. Sa tingin mo nakatulong ba ang anyong lupa at anyong tubig sa paghubog ng
Kabihasnang Asyano?

Upang tuluyan mo nang masagot ang mga katanungan sa panimulang pagtataya


basahing mabuti ang maikling aralin at tiyak ikaw ay mas lalong gagaling.

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Maikling Aralin

Ang Tao at ang Kapaligiran

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga


anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at
pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang
lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto,
baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-
saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat ay
nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod
sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang
mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay
ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag
ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

MGA URI NG ANYONG LUPA

Pinakatanyag dito ay ang


Himalayas na may
habang umaabot sa 2,415
kilometro. Ang Hindu
Kush (Afghanistan), Pamir
(Pakistan, Afghanistan,
Tajikistan, at Kyrgyzstan),
Tien Shan (Hilagang Asya),
Ghats (Timog Asya), Caucasus
(Azerbaijan, Georgia, Source:www.slideshare.com.net
Russia at Armenia), at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa
mga bulubundukin ng Asya. Kadalasang pinapangkat sa dalawa ang kabundukan sa
Asya.

Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa


Himalayasay ang pinakamataas na bundok sa
buong mundo na may taas na halos 8,850
metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro) na
nasa Pakistan/ China. Pangatlo naman ang
Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.

Source: www.slideshare.com.net
7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast


Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire,
tinatayang nasa humigit kumulang 300
aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng
Semeru, Krakatoa (Indonesia), Fuji (Japan),
Pinatubo, Taal at Mayon (Pilipinas).

Source: www.slideshare.com.net

Talampas o ang kapatagan sa itaas ng


bundok. Ang Tibetan Plateau na itinuturing
na pinakamataas na talampas sa buong
mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang
“Roof of the World” ay nasa Asya. Ang
talampas ng Deccan na nasa katimugang
bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India ay
kilala rin.

Source: www.slideshare.com.net

Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia at


Hilagang China, 1,295,000 kilometro
kwadrado) na siyang pinakamalaki sa Asya
at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang
sa mga disyertong matatagpuan sa Asya.
Makikita rin dito ang mga disyerto ng
Taklimakan (China), Kara Kum (Turkmenistan)
at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at
India.

Source: www.googleimages.com

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga


pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia,
ang pinakamalaking archipelagic state sa
buong mundo na binubuo ng humigit kumulang
na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.

Source: www.googleimages.com

Pulo. Umaabot sa 1,994,300 kilometro


kwadrado ang kabuuang sukat ng mga
pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus
sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at
Maldives sa katimugan; Borneo, Java, Sumatra,
at mga pulo ng Pilipinas sa timog-silangan;
Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril, at mga pulo
ng Japan sa silangan; at Wrangel, New Siberian,
Zemlya, at Severnaya sa hilaga.

Source: www.slideshare.com.net

Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga


tangway o anyong lupang nakausli sa
karagatan ang Asya. Tinatayang nasa
7,770,000 kilometro kwadrado ang sukat
nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey sa
kanluran; Arabia, India, Indochina, at
Malay sa katimugan; Korea, Kamchatka, at
Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda,
at Yamal sa hilaga
(bahagi ng Siberia).

Source: www.slideshare.com.net

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi


ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang
Indo-Gangetic Plain at malaking bahagi ng
Timog Silangang Asya ay bahagi nito

Source: www.slideshare.com.net

 Bukod sa pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa, maituturing kaya


ang Asya na mayaman sa iba’t ibang anyong tubig?

Panuto: Suriin ang kasunod na mapa ng Asya.

 MAPA NG ANYONG TUBIG SA ASYA

Source: https://www.underwaterasia.info/discovery/seas-of-asia.php

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Mga anyong tubig at ang kapakinabangan

Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at


mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking bahagi ng hangganan
ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong tubig? Ang mga karagatan at mga
dagat na ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang
mga ito ay nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at
pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.

Mga Anyong Tubig sa Asya

Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang nagsilbing


lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.
Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa tao
gaya ng Lena, Ob, Irtysh, Yenisey, Angara, Yana, Indigirka, at Kolima na pawang mga na
Russia at umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr at Amur sa Russia, Huang Ho, Yangtze, at
Hsi sa China, Song Hoi An at Mekong sa Vietnam, at Chao Phraya sa Thailand ay ang mga
ilog na umaagos sa Pacific Ocean.

Dumadaloy naman sa Indian Ocean ang mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges
(ang sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus
sa Pakistan, at Shat al-Arab sa Timog Iraq, gayundin ang Salween na bumabagtas sa
maraming bansa sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya, at ang Brahmaputra na
umaagos naman sa maraming bansa sa Timog Asya. Ang Amu Darya (pinakamahabang ilog
sa Gitnang Asya, 2,620 kilometro), Syr Darya na umaagos sa Kyrgyzstan, Uzbekistan, at
Kazakhstan; ang Tarim sa Xinjiang sa China; I-li na umaagos sa Xinjiang patungong
Kazakhstan; Chu sa Kyrgyzstan; Tedzhan sa Turkmenistan; at Gilmend sa Afghanistan ay
ang ilan sa mga ilog na matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya.
Apat na katangi-tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya: ang Caspian Sea
(hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, at Gergia, 371,000 kilometro
kwadrado) na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake Baikal (timog silangang Siberia,
31,500 kilometro kwadrado) na siyang pinakamalalim na lawa; ang Dead Sea (hanggangan
sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan, 1,049 kilometro kwadrado) na pangalawa sa
pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang Aral Sea (hangganan ng mga
bansang Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro kwadrado), ang pinakamalaking lawa
sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot din
ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan doon.

Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang


kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at
ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon
sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong pangtubig, at pinagkukunan
ng mga pagkain at mga palamuti.

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

O ayan, mas dumarami na ang iyong natutunan, mas pararamihin pa natin yan, kaya
gawin ang susunod na mga gawain.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang sumusunod na tsart ng kapakinabangan upang maipakita ang


ugnayan ng tao sa kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

Bahagi ng Kapaligiran Naging papel sa paghubog ng


kabihasnang Asyano

Anyong Lupa

Anyong Tubig

Isaisip

1. Batay sa mga impormasyong naihayag sa itaas, anu-anong mga anyong lupa at


anyong tubig ang makikita sa Asya?
2. Ano ang nakukuha ng mga tao sa mga anyong lupa at anyong tubig?
3. Ano ang naging papel ng mga tao sa anyong lupa at anyong tubig?
4. Bakit nagsimula ang kabihasnang Asyano sa mga ilog?
5. Paano nakaambag ang mga uri ng anyong lupa sa paghubog sa kabihasnang
Asyano?
Isapuso

Panuto: Punan ang pangungusap sa loob ng puso para maipahayag ang


kahalagahan ng ugnayan tao at ng kapaligiran.

Mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran


sapagkat
1._____________________________________
2._____________________________________

3. ____________________________________
_______________________________________
___
12
3.
_______________________________________
__
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isagawa

Panuto: Magtala ng anyong lupa at anyong tubig na makikita sa inyong probinsya o lugar.
Ibigay ang pangalan nito at kung ano ang kapakinabangan ng mga tao rito.
Tingnan ang halimbawa. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
.

Pangalan ng Anyong Lugar kung Saan Kapakinabangan nito sa


Lupa o Anyong Tubig Makikita mga Tao
Halimbawa:
1.Libo River Anopog nagsisilbing inumin
Pinamungajan nagsisilbing lugar labahan
lugar pasyalan at liguan

Huwag munang mapagod, malapit na tayong matapos. Ito na ang panghuling


pasulit na susukat kung gaano na kalawak ang iyong natutunan.

Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ilog Amu Darya?


A. pinakamahabang ilog sa gitnang Asya
B. pinakamahabang ilog sa Kanlurang Asya
C. pinakamahabang ilog sa Hilagang Asya
D. pinakamahabang ilog sa Silangang Asya

2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng kapakinabangan ng mga lawa at ilog sa


sinaunang kabihasnan MALIBAN SA __________.
A. Pinagkukunan ng tubig bilang inumin
B. Pinagmulan ng sistema ng irigasyon
C. Nagsisilbing depensa o harang sa malalakas na bagyo
D. Daanan ng transportasyong pangtubig

13
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng papel ng ilog sa paghubog ng


kabihasnang Asayano?
A. Nagsisilbi itong pinagkukunan ng panggatong.
B. Nagsisilbi itong lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim sa ilalim ng ilog.
D. Sa mga ilog lamang nakakuha ng pagkain ang mga sinaunang Asyano.

4. Ang mga sumusunod ay kabilang sa kapakinabangan ng mga


anyong lupa MALIBAN sa___.
A. pinakapangunahing lugar panirahan ng tao
B. pinagkukunan ng samu’t-saring yamang mineral
C. pinagkukunan ng mga herbal na gamut at mga hilaw na materyales
D. pinagkukunan ng mga isda at iba pang mga likas na yamang tubig

5.Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga makukuha sa mga


kabundukan MALIBAN sa___.
A. coral reef C. hilaw na materyales
B. herbal na gamot D. mga bungang kahoy

6. Ilan ang aktibong bulkan sa Asya?


A.500 C. 800
B.300 D. 1000

7. Ano ang pinakatanyag na bulubundukin?


A. Himalayas C. Mt. Fuji
B. Mt. Everest D. Mt. Apo

8.Ano ang pinakamataas na talampas sa buong mundo?


A. Deccan Plateau C. Mt. Everest
B. Meccan Plateau D. Tibetan Plateau

9.Ano ang pinakamalaking disyerto sa Asya?


A. Gobi C. Nile
B. Karakum D. Taklamakan

10.Ano ang pinakamalaking Archipelagic State sa buong mundo?


A. Indonesia C. Philippines
B. Malaysia D. Timor Leste

11. Ang mga sumusunod na ilog ay kabilang sa nagsisilbing lunduyan ng sinaunang


kabihasnang Asyano MALIBAN sa __________.
A. Indus C. Nile
B. Huang- Ho D. Tigris at Euphrates

14
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Ilog Ganges?


A. Ito ay tinaguriang ilog ng pighati ng mga taga India.
B. Ito ay sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi India.
C. Ang ilog na ito ang pinakamalaking ilog sa buong mundo.
D. Naging tanyag ang ilog na ito sapagkat ito ay may halong tubig dagat.

13. Alin sa mga sumusunod na lawa at dagat ang HINDI kabilang sa anyong tubig
na matatagpuan sa Asya?
A. Atlantic Ocean C. Dead Sea
B. Caspian Sea D. Lake Baikal

14. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Dead Sea?


A. pinakamalalim na dagat sa buong mundo
B. pangatlo sa pinakamaalat na anyong tubig sa daigdig
C. pangalawa sa pinakamaalat na ayong tubig sa buong mundo
D. pangalawa sa pinakamalalim na anyong tubig sa buong mundo

15. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Aral Sea?


A. pinakamalaking lawa sa Asya
B. pinakamalalim na lawa sa Asya
C. pinakamababaw na lawa sa Asya
D. pinakatangi-tanging lawa sa Asya na may maalat na tubig

Akala mo tapos na? May hihirit pang isa. Magandang gawain ito. Kakaiba, kaya
umpisahan muna ang paggawa ng karagdagang Gawain.

Karagdagang Gawain

 Photo Essay

Gamit ang iyong cellular phone o digital camera, kuhanan mo ng larawan ang
anumang makikita mo sa paligid na nagpapakita ng paraan ng paggamit ng tao sa likas na
yaman. Sakaling walang cellular phone o digital camera, maaaring gumupit ng mga larawan
mula sa dyaryo o magazine, pwede mo rin itong iguhit. Kakailanganin mo ng tatlong iba’t
ibang larawan ngunit magkakaugnay at nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nito’y
susulat ka ng isang sanaysay na iinog sa paksang “Ano ang kontribusyon ng likas na
kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan ng tao?” Ang sanaysay ay dapat na may kaugnayan
rin sa mga larawan.

15
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Pamantayan sa Pagtaya ng Photo Essay

Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsimula


Pamantayan
4 3 2 1

Ang photo Ang photo essay Ang photo essay Ang photo essay ay
Nilalaman essay ay ay naglalaman ay naglalaman ng kulang sa
(30%) naglalaman ng ng tumpak at tumpak impormasyon
komprehensibo, may kalidad na impormasyon tungkol sa
tumpak at may impormasyon tungkol sa kontribusyon ng
kalidad na tungkol sa kontribusyon ng likas na kapaligiran
impormasyon kontribusyon ng likas na sa gawaing
tungkol sa likas na kapaligiran sa pangkabuhayan ng
kontribusyon ng kapaligiran sa gawaing tao
likas na gawaing pangkabuhayan
kapaligiran sa pangkabuhayan ng tao
gawaing ng tao
pangkabuhayan
ng tao

Maayos, May wastong May lohikal na Hindi maayos at


Organisasyon detalyado at daloy ng kaisipan organisasyon hindi maunawaan
(20%) madaling at madaling ngunit hindi ang mga
maunawaan maunawaan ang sapat upang impormasyong
ang daloy ng impormasyong mailahad ang inilahad tungkol sa
mga kaisipan at inilahad tungkol kontribusyon ng kontribusyon ng
impormasyong sa kontribusyon likas na likas na kapaligiran
inilahad tungkol ng likas na kapaligiran sa sa gawaing
sa kontribusyon kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan ng
ng likas na gawaing pangkabuhayan tao
kapaligiran sa pangkabuhayan ng ta
gawaing ng tao
pangkabuhayan
ng tao

May malinaw at May malinaw na Limitado ang Malabo at limitado


Mensahe (20%) malawak na mensahe tungkol mensahe tungkol ang mensahe
mensahe sa kontribusyon sa kontribusyon tungkol
tungkol sa ng likas na ng likas na kontribusyon ng
kontribusyon ng kapaligiran sa kapaligiran sa likas na kapaligiran

16
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

likas na gawaing gawaing sa gawaing


kapaligiran sa pangkabuhayan pangkabuhayan pangkabuhayan ng
gawaing ng tao ng tao tao
pangkabuhayan
ng tao

Ang Ang Ang Ang pagkakagawa


pagkakagawa at pagkakagawa at pagkakagawa at at paglalahad ng
Pagkamalikhain paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng photo essay ay
(20%)
photo essay ay photo essay ay photo essay ay hindi nilapatan ng
nilapatan ng nilapatan ng hindi gaanong anumang
mataas na malikhaing nilapatan ng malikhaing
antas ng pamamaraan malikhaing pamamaraan
pagkamalikhain pamamaraa

Ang dating sa Ang dating sa Mahina ang Walang dating sa


mambabasa ay mambabasa ay dating sa mga mambabasa
Hikayat (10%)
lubos na nakahihikayat mambabasa o ang photo essay
nakahihikayat tagapakinig
at nakakatawag upang
pansin makapanghikayat

17
18
Suriin
1. Ang mga larawan ay mga anyong lupa at anyong
tubig
Anyong lupa
 Borneo Rainforest
 Mt. Everest
 Khyber Pass
 Banaue Rice Terraces
 Fertile Crescent
Anyong Tubig
 Lake Baikal
 Caspian Sea
 Huang-Ho River
2. Opinyon lamang ng bata
3. OO, dahil kung wala ang mga ito, wala tayong
maipangtustos sa ating mga pangangailangan
4. OO, dahil sa tabing ilog unanng sumibol ang mga
sinaunang kabihashan dahil sa malaki ang
naitulong ng tubig sa kanilang pamumuhay.
Pagtataya BALIKAN Subukin
1.A 1.A 1. B
2.C 2. C 2. A
3.B 3. C 3. D
4.D 4. B 4. A
5. C 5. C 5. A
6.B 6. D 6. C
7. D 7. D 7. B
8. A 8. A 8. A
9. C 9. A 9. C
10.A 10.C 10.B
11.D 11.A
12.B 12.C
13.C 13.B
14. C 14.D
15.B 15.A
Susi sa Pagwawasto
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
Region VII
Department of Education
Republic of the Philippines
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Sanggunian

Textbook
 Blando, Rosemarie C, Sebastian, Adelina A, et.al“Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”
Ikapitong taon,Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba”Eduresources Publishing
Incorporated, 5th floor Mabini Building, DepED complex Meralco Avenue, Pasig City.
pp.19-21

Web sources
 www.google.com/ Project EASE Modyul 1 Heograpiya ng Asya retrieved June 25,2020

Mga Larawan
www.slideshare.net Retrieved June 25, 2020
www.goggleimages.com Retrieved June 25, 2020

MARY LOU B. UNDALOC


TEACHER III
AWIHAO NATIONAL HIGH SCHOOL
AWIHAO, TOLEDO CITY

19
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

20

You might also like