You are on page 1of 3

CATMON INTEGRATED SCHOOL

Hernandez st. Catmon Malabon City


UNANG MAHABANG PAGSUSULIT
SA ARALING PANLIPUNAN 7
I.PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa at tubig na


kanilang pinaninirahan?
A. Dahil iba-iba ang anyong lupa at anyong tubig sa isang lugar
B. Dahil dito nakabatay ang uri ng hanapbuhay mayroon ang isang lugar
C. Dahil lahat ng mga lugar ay may anyong lupa at tubig
D. Dahil ang tao ang pumipili ng lugar kung saan siya maninirahan
2. Bakit pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Timog, Silangan, at Timog Silangang
Asya ang pagsasaka?
A. Ang kalakhang lupa ng Asya ay lupaing Agrikultural.
B. Ang kalakhang lupa ng Asya ay lupaing luwad.
C. Ang kalakhang bahagi ng Asya ay matubig.
D. Ang kalakhang bahagi ng Asya ay bulubundukin.
3. Bakit malapit sa mga ilog unang sumibol ang mga unang kabihasnan?
A. Dahil angkop ang lugar para sa kanilang pamumuhay
B. Dahil dito sila kumuha ng kanilang mga pangangailangan sa araw-araw
C. Dahil naging mainam ito sa sistema ng irigasyon,komunikasyon at
Transportasyon
D. Lahat ng nabanggit
4. Ang ilog ay may malaking ginampanan sa pag-usbong ng mga sinaunang sibilisasyon lalo na sa
pag-unlad ng agrikultura. Ano ang maaaring mahinuha hinggil sa pahayag na ito?
A. Ang ilog ang siyang nagtutustos ng tubig sa mga sakahan sa pamamagitan ng sistemang
irigasyon
B. Ang ilog ay ang nagsisilbing daanan ng transportasyon noong sinaunang panahon
C. Ang ilog ang pinagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao
D. Sa ilog makukuha ang mga mineral gaya ng ginto
5. Ang kontinenteng ito ay pinakamalaking kontinente sa buong daigdig sapagkat ito ay umaabot
mula sa Arctic Hanggang lampas ng equator at ang tiyak na lokasyon nito ay 10°-175° East
longitude. Ito ay ang kontinenteng ____________.
A. Asya C. Hilagang America
B. Europa D. Timog America

6. Ang hilera ng mga buhay na bundok na tinaguriang “Pacific Ring of Fire” ay nagmumula sa
hilagang bahagi ng Siberia at bumabagtas patungong Korea, Tsina, Hapon at Taiwan. Ang mga
bansang nabanggit ay kabilang sa:
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Silangang Asya
7. Nagsisilbing hangganan ng Asya sa silangang bahagi nito ang Karagatang Pasipiko, habang
hinihiwalay naman ng isang kabundukan ang kontinente sa Europe. Ano ang kabundukang
nagsisilbing hangganan ng Asya at Europe?
A. Caucasus Mountain C. Ural Mountain
B. Himalayas D. K9 Mountain
8. May kaniya-kaniyang katangiang pisikal ang mga rehiyon sa Asya.Matatagpuan ang matataas na
hanay ng kabundukan sa Timog Asya, dumaranas naman ng monsoon ang Timog Silangang
Asya. Sa anong katangiang pisikal kilala ang Kanlurang Asya? Matatagpuan rito ang:
A. Steppes,Prairie at Savanna C. Tropical Rainforest
B. Malalawak na disyerto D. Taiga at Tundra
9. Mayroong iba’t ibang uri ng grassland o damuhan sa Asya, ang damuhang mayroon matataas na
damo at mayroong malalim na ugat ay tinatawag na prairie. Anong uri naman ng damuhan ang
nagtataglay ng mga mabababang damo at mababaw ang ugat?
A. Steppe C. Taiga
B. Savanna D. Tundra
10. Tropical rainforest ang uri ng behetasyon bumabalot sa malaking bahagi ng Pilipinas. Kung ikaw
ay isang mambabatas, anong batas ang iyong imumungkahi upang mapangalagaan ang mga
tropical rainforest sa bansa?
A. Community-based forest management(pangangasiwa ng pamayanan sa kagubatan
B. Pangangalaga sa kalusugan ng tao
C. Pangangalaga sa ilog at iba pang anyong tubig
D. Lahat ng nabanggit

II.Panuto:Isulat ang wastong sagot sa bawat patlang bago ang bilang.

__________11.Pinakamataas na bundok.
__________12.Ang kapatagan sa itaas ng bundok.
__________13.Pinakamalaking disyerto sa Asya.
__________14.Hanay ng mga bundok ,Himalayas ang pinakatanyag na halimbawa nito.

__________15.Ilog na nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan sa China.

__________16.Ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo.


__________17.Pinakamalaki at pinakamahabang lawa sa buong mundo.
__________18.Ang pinakamalaking archipelagic state.
__________19.Lupaing nakausli sa karagatan.
__________20.Ang pinakamataas na talampas sa buong mundo.

III.PANUTO:Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng tamang


pagpili ng salita na nasa saknong.

21.Ang Asya ay isang (kontinente, bansa).


22.Ang (ekwador, prime meridian) ay zero degree latitude na humahati sa hilaga at timog ng
globo.
23.Ang (ekwador, prime meridian) ay zero degree longhitude na humahati sa kanluran at
silangan ng globo.
24.Ang Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya at Kanlurang Asya
ay mga (bansa, rehiyon) ng Asya.
25.Ang lokasyon ng isang lugar ay maaaring matukoy sa pamamagitang ng longhitud at
latitude. Ang tawag rito ay (Absolutong Lokasyon, Relatibong Lokasyon)
26. Ang (vegetation,monsoon)uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng kagubatan.
27.Ang (steppe,savanna) ay pinagsamang damuhan at kagubatan.
28.Ang (taiga,tundra)ay coniferous na kagubatan.
29.Ang (steppe,prairie)ay damuhang mataas na may malalim na ugat.
30. Ang (steppe,prairie)ay damuhang mababa na may mababaw na ugat.

IV.PANUTO:Kumpletuhin ang talahanayan. Isulat ang mga pangalan ng bansa ayon sa


kinabibilangan nilang rehiyon.

HILAGANG SILANGANG TIMOG ASYA TIMOG KANLURANG


ASYA ASYA SILANGANG ASYA
ASYA
BANSA BANSA BANSA BANSA BANSA
31. 33. 35. 37. 39.
32. 34. 36. 38. 40.

*TAIWAN *INDIA *KAZAKHSTAN *MALAYSIA *IRAQ


*INDONESIA *ISRAEL *JAPAN *NEPAL *ARMENIA

You might also like