You are on page 1of 2

CATMON INTEGRATED SCHOOL

Hernandez st. Catmon Malabon City


Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahan

Pangalan: Iskor:
Taon at Pangkat: Guro:

I.Multiple Choice.Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino sa mga sumusunod ang ginawaran ng Nobel Peace Prize noong 1991?
A. Aung San Suu Kyi
B. Corazon Aquino
C. Hanae Mori
D. Megawati Sukarnoputri
2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na itawag kay Corazon Aquino?
A. Kauna-unahang katolikong presidente ng Pilipinas.
B. Kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas.
C. Kauna-unahang presidente na napatalsik dahil sa kudeta.
D. Kauna-unahang presidente ng partidong Liberal.
3. Sino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Indonesia?
A. Aung San Suu Kyi
B. Corazon Aquino
C. Hanae Mori
D. Megawati Sukarnoputri
4. Sa anong bansa naging de facto leader si Aung San Suu Kyi?
A. Indonesia B. Japan C. Myanmar D. Pilipinas
5. Saang bansa nagmula si Hanae Mori?
A. Indonesia B. Japan C. Myanmar D. Pilipinas
6. Anong tawag sa mga pinagsama-samang mga akda ng himnong pandigma, sagradong ritwal at mga
sawikain at salaysay?
A. Bibliya B. Darmasastra C. Mahabharata D. Vedas
7. Sa panahon nila napaunlad ang paggamit ng number symbols. Anong imperyo ito?
A. Kaharian ng Ayutthhaya
B. Kaharian ng Gupta
C. Kaharian ng Indo-Aryan
D. Kaharian ng Sailendras
8. Anong kaharian ang nagtayo ng Borobudur sa Indonesia?
A. Kaharian ng Ayutthhaya
B. Kaharian ng Gupta
C. Kaharian ng Indo-Aryan
D. Kaharian ng Sailendras
9. Anong imperyo ang unang nag-isterilisa ng mga panturok gamit sa panggagamot?
A. Imperyong Ayutthhaya C. Imperyong Khmer
B. Imperyong Gupta D. Imperyong Maurya
10. Anong pinakadakilang templong itinatag sa panahon ng Khmer?
A. Angkor Wat B. Borobudur C. Taj Mahal D. Ziggurat

II. Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba.Isulat ang S kung ikaw ay
sumasang-ayon at DS kung hindi sumasang-ayon sa pahayag.
______11. Ang calligraphy ay sistema ng pagsulat ng mga Tsino na nagsilbing tagapag-isa ng kanilang
bansa.
______12. Ang mga Lydian ang luminang sa paggamit ng iron core na gamit sa paggawa ng bakal.
______13. Ang Great Wall of China ay nagsilbing depensa ng mga Tsino
laban sa mga dayuhan.
______14. Ang mga Chaldean ay tinaguriang “Stargazers of Babylon”dahil sa pagkahilig nila sa
astronomiya.
______15. Ang mga Phoenician ay nagpasimula sa sistemang barter.

Panuto: Sagutin ang tanong. Ipaliwanag ng buong husay ang iyong sagot.

16-20. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan sa
lipunang iyong kinabibilangan?

You might also like