You are on page 1of 2

Name: ____________________ Grade: __________________ Score ________

Subject _ Teacher _ : _
: ____________________ : __________________ Date: ________
_ _ _
Type of Activity:  Concept  Individual  Formative  Others
Notes
 Laboratory  Pair/Group   __________
Summative
D EPARTMEN T O F ED U C A TIO N

Lesson/Topic : Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran

Instructions in answering the LAS (Learning Activity Sheets)


1. Please submit 1 long folder and fastener clips that will serve as a portfolio in this subject.
2. On another sheet of paper (bond paper/ yellow paper) copy the entire activity before answering.
3. You will only submit your written output once a week. Photocopied answers are not allowed.
4. Please keep your output clean and neat at all times.
5. For more questions and clarifications, you can message your subject teacher in the group chat provided

for your section. 😊

Learning Target(s) : 1. Natutukoy ang iba’t- ibang klima at behetasyon ng bawat


rehiyon ng Asya.
Reference(s) : Araling Panlipunan, Unang Markahan- Modyul 2: Kahalagahan ng
Ugnayan ng Tao at Kapaligiran

Aralin 2: Katangiang Pisikal ng Asya


Klima at Behetasyon (Vegetation Cover)
Ano ang Klima?
Ito ay ang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
Mga Uri ng Klima sa Asya
Rehiyon Katangian ng Klima
1. Hilagang Asya Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang
tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may
ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang tirahan ng tao dahil
sa sobrang lamig.
2. Timog Kanlurang Asya Hindi palagian ang pagbabago ng klima. Maaaring magkaroon ng
labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira
at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng
rehiyon. Kung umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak lamang
sa mga pook na malapit sa dagat.
3. Timog Asya Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre
hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo naman ay tag-
init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo ang
Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
4. Silangang Asya Monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng
rehiyong ito, ang mga bansa rito ay nakararanas ng iba-ibang
panahon: mainit na panahon para sa mga bansang nasa
mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang
ilang bahagi ng rehiyon.
5. Timog Silangang Asya Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropikal.
Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-
ulan.

Mga Behetasyon (Vegetation Cover) ng Asya


Ano ang behetasyon (vegetation cover)?
Ito ay ang uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng
kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito.

A. Damuhan o Grasslands- nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.


 steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses o
maliliit na damuhan;
 praire ay ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o deeply-rooted
tall grasses.
 savanna ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan.

B. Boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain)- mga kagubatang coniferous na kung
saan may mga malakarayom na punong kahoy ang nabubuhay kagaya ng pine, spruce at fir.
Ito ay bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaring nasa anyong yelo o ulan.

C. Tundra o treeless mountain tract- Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos
walang puno sa lupaing ito dahil sa sobrang lamig na klima dito.

D. Tropical rainforest- lupain na may mainam na klima na halos may pantay na panahon ng
tag-ulan at tag-araw kagaya ng Pilipinas.

Pagsasanay:
Gawain 1:Tumpak!
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa mga salita sa loob ng kahon.

Steppe tundra Pilipinas

Klimang Sentral Kontinental Klimang Tropikal

_____________ 1. Pantay na klima.


_____________ 2. Malilit ang damuhan.
_____________ 3. Mahabang taglamig.
_____________ 4. Tropical rainforest ang behetasyon.
_____________ 5. Lupaing may sobrang lamig na klima.

Gawain 2: Halina’t Punan


Panuto: Mula sa binasang teksto, punan ng tamang sagot ang kolum ng klima at behetasyon.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA


REHIYON KLIMA BEHETASYON
1. Hilagang Asya
2. Kanlurang Asya
3. Timog Asya
4. Silangang Asya
5. Timog- Silangang Asya

Inihanda ni:

JOANNA MAE L. DE LA CRUZ

You might also like