You are on page 1of 3

Name: ____________________ Grade: __________________ Score ________

Subject _ Teacher _ : _
: ____________________ : __________________ Date: ________
_ _ _
Type of Activity:  Concept  Individual  Formative  Others
Notes
 Laboratory  Pair/Group   __________
Summative
D EPARTMEN T O F ED U C A TIO N

Lesson/Topic : Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

Instructions in answering the LAS (Learning Activity Sheets)


1. Please submit 1 long folder and fastener clips that will serve as a portfolio in this subject.
2. On another sheet of paper (bond paper/ yellow paper) copy the entire activity before answering.
3. You will only submit your written output once a week. Photocopied answers are not allowed.
4. Please keep your output clean and neat at all times.
5. For more questions and clarifications, you can message your subject teacher in the group chat provided

for your section. 😊

Learning Target(s) : 1. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya.


2. Nakakapagmungkahi ng mga posibleng solusyon sa mga
suliraning pangkapaligiran.
3. Nakakapagpahayag ng kahalagahan ng pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon.
Reference(s) : Araling Panlipunan, Unang Markahan- Modyul 5: Pangangalaga sa
Timbang na Kalagayang Ekolohikal ng Asya

BIODIVERSITY- ito ay ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na


bumubuo sa natural na kalikasan.

Iba’t ibang kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa suliraning pangkapaligiran:


a. DESERTIFICATION - Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang
tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity nito.
b. SALINIZATION- Lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o di kaya naman ay inaanod ng
tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng
irigasyon sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon
ng tubig o water table.
c. HABITAT- Ito ay tumutukoy sa tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.
d. HINTERLANDS- Ito ay isang malayong lugar, malayo sa urbanisadong lugar.
e. ECOLOGICAL BALANCE- Kapag balanse ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may
buhay at ang kapaligiran.
f. DEFORESTATION- Ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.
g. SILTATION- Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa
isang lugar na dulot o bunsod ng pagkasira ng kagubatan at erosion ng lupa.
h. RED TIDE- Nagkakaroon ng red tide dahil sa mga dinoflagellates na lumulutang sa
ibabaw ng dagat.
i. GLOBAL CLIMATE CHANGE- Ang global warming ay ang pagbabago ng pandaigdigan o
rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga
gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng
katamtamang temperature.
j. OZONE LAYER- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone. Ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa
masamang epekto ng radiation dulot ng ultraviolet rays.

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA ASYA


1. Pagkasira ng lupa - ang abuso sa lupa maaring magdulot ng matinding suliranin gaya
ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan. Isa sa pinagmumulan ng pagkasira
ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki
ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halaman o behetasyon ng isang lugar.
2. Urbanisasyon – Ito ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga
pagbabago sa isang lugar. Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, ito ay nagbunsod
sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed
areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang
panganib sa kalusugan.
3. Pagkawala ng Biodiversity – ang pagkawala ng biodiversity ay bunsod ng: (1)patuloy
na pagtaas ng populasyon, (2)walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na
yaman, (3)pag-aabuso sa lupa, (4)pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan
(deforestation), (5)polusyon sa kapaligiran, at (6)ang introduksiyon ng mga species na
hindi likas sa isang partikular na rehiyon.
4. Pagkasira ng Kagubatan – sa pagkawala ng mga puno, marami mga species ng
halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o
natural habitat. Maari din itong dahilan ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho ng lupa,
siltasyon, at sedimentation. Pangunahing sanhi ng problemang ito ay ang komersyal na
pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng puno, upang gawing panggatong at ang
pagkasunog ng gubat.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya?
2. Sa tingin mo, alin dito ang pangunahing problemang kinakaharap ng ating bansa?
Patunayan ang iyong sagot.

Pagsasanay:
Gawain 1: Sanhi At Bunga
Panuto: Piliin ang tamang epekto ng suliraning pangkapaligiran na makikita sa kahon sa
ibaba. Pagkatapos, magtala ng dalawang solusyon sa bawat suliraning pangkapaligiran na
nabanggit.

Water pollution deforestation air pollution

Noise pollution erosion

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
SANHI EPEKTO SOLUSYON
1. Pagtapon ng basura sa dagat
2. Pagputol ng punongkahoy
3. Pagkakaingin
4. Pagsunog ng plastic
5. Pagdami ng mga sasakyan at ang malakas na mga
busina nito

Gawain 2: Song Review!


Panuto: Pakinggan ng Mabuti ang kantang “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng ASIN. Gumawa ng
isang pagsusuri/repleksyon tungkol sa iyong naintindihan sa kanta. Pagkatapos, sagutan ang
tanong na nasa ibaba.

Tanong: Bilang isang mag-aaral, paano mo papahalagahan ang lahat ng bagay na nasa
iyong kapaligiran na siyang daan sa pagtamo ng balanseng ekolohikal?

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:


Kawastuhan sa Pagbibigay ng interpretasyon - 10
Komprehensyon - 10
Kalinisan - 5
Kabuuan - 25
Inihanda ni:

JOANNA MAE L. DE LA CRU

You might also like