You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ROMBLON
CAMBALO NATIONAL HIGH SCHOOL
Cambalo, Cajidiocan, Romblon

Daily Lesson Paaralan: Cambalo National High School Antas: VII

Log Guro: Edelle Fate Asturias- Erondo Asignatura: Araling Panlipunan

Petsa: Oktubre 3-7, 2022 Markahan: Unang Markahan- Modyul 5

2:00-3:00 Amethyst

I.LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano
B. Pamantayang pagganap Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano
C. Kasanayan ng pagkatuto Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayng ekolohiko ng rehiyon.
( AP7HAS-Ig-1.7)
II. NILALAMAN PANGANGALAGA SA TIMBANG NA KALAGAYNG EKOLOHIKO NG ASYA

III. KAGAMITANG PANGTURO

A. SANGGUNIAN

1. Mga pahina sa gabay ng Guro


2. Mga pahina sa kagamitang pang Mag- MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7- MODYUL 5 pahina 32-39
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang kagamitan mula sa portal


ng learning resources o ibang website.
B. Iba pang kagamitang panturo

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral TAMA o MALI


1. Ang langis at petrolyo na nagbunsod sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng Timog Asya. (Mali-
Kanlurang Asya)
2. Nililinang ng tao ang kaniyang kapaligiran upang matugunan nito ang kanyang mga pangangailangan.
(Tama)
3.Ang tao ay natutong mag-isip ng mga pamamaraan upang matugunan ang mga limitadong likas yaman
nito. (Tama)
4.Walang direktang ugnayan ang tao at kapaligiran sa kanyang pag-unlad. (Mali-Mayroon)
5.Ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang kapaligiran.(Tama)
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagpapaawit sa mag-aaral ng Bahay Kubo
1. Tungkol saan ang awitin ng Bahay Kubo?
2. Ipauri sa mga mag-aaral ang mga halaman sa loob ng bahay kubo.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Suri- Teksto
aralin 1. Ano ang kahulugan ng Biodiversity?
2. Paano natin maihahalintulad ang kahulugan ng biodiversity sa awiting bahay kubo? Ano kaya ang
sumisimbolo ng bahay kubo? mga halaman? Mga gulay na inuri ayon sa katangian?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at bagong Gawain: Halika, Buoin Natin!


kasanayan # 1 Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at bagong
kasanayan # 2 ______________________ 1. SEREDITIFACTION --- tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa
mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon
ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o
productivity nito;
______________________
2. LISAINZATION--- lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya
naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Nagaganap kapag
mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon;

______________________ 3. AHIBTAT--- tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito
ang pangunahing apektado ng land conversion o paghahawan ng
kagubatan;
______________________
4. COELOIGCAL ABLANCE--- balanseng ugnayan sa pagitan ng
mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran;

______________________ 5. EDORFESTIONTA--- pagkaubos at pagkawala ng mga


punongkahoy sa mga gubat;
______________________ 6. LISATTION--- parami at padagdag na deposito ng banlik na dala
ng umaagos na tubig sa isang lugar;
______________________ 7. DER EDIT--- sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw
ng dagat;
______________________ 8. ENOZO REYAL--- nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop
mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet
rays.
F. Paglinang sa kabihasaan Gawain: Problema Mo, Solusyonan Mo!
( tungo sa formative assessment) Panuto: Pumili ng isang larawan at ipaliwanag kung paano ka makatutulong sa pag-iwas sa ganitong
suliranin na nakakasira sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon.
Larawang Kuha ni: Abique, Myra A. Larawang Kuha ni: Abique, Myra A.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong nabuong mga salita, pumili ng isang larawan at ipaliwanag. Ano ang kaugnayan
nito sa mga suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan?
2. Bakit kailangang pangalagaan ang tirahan ng mga hayop o mga bagay na may buhay?
3. Kung nakita mo ang iyong kabarangay na pumuputol ng mga punongkahoy o nanghuhuli ng
buhay-ilang, ano ang iyong reaksiyon? Magbigay ng mga hakbang na iyong gagawin.
Batay sa larawang iyong ipinaliwanag, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng ganitong suliranin?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na  Sa anong mga paraan nakikiisa ang mga organisasyon sa paaralan sa paglutas ng suliraning
buhay pangkapaligiran? Paano ka dito nakikibahagi?

H. Paglalahat ng aralin  Paano nakakaapekto sa kalikasan ang paglaki ng populasyon sa mga bansa sa Asya?

I. Pagtataya ng aralin Tukuyin:


1. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanyang kapaligiran
(Ecological Balance)
2. Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o
gawain ng mga tao. (Global Climate Change)
3.Tirahan ng mga Hayop at iba pang mga bagay (Habitat)
4. Paglitaw ng mga asin sa ibabaw ng lupa dahil sa maling proseso ng irigasyon ( Salinization)
5.Pagkaubos o pagkawala ng mga punong kahoy sa gubat (Deforestration)
J. Takdang aralin Sagutin at ipaliwanag ang bawat isa
1. Anu-anong mga suliraning pangkapaligiran ang nararanasan sa Asya? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Magbigay ng mungkahing solusyon sa mga nabanggit na problema
V. MGA TALA

VI.PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan


ng iba pang gawain para sa remediation
B. Nakatulong ba ang remedial?

C. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy


sa remediation
D. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
E. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyon na tuong ng aking punongguro at
superbisor?
F. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa guro?

Prepared By: Checked By: Approved By:

EDELLE FATE ASTURIAS-ERONDO AGUSTIN R. RAPA JR. LELDA D. DELMOR


Subject Teacher Head Teacher – II Principal - II

You might also like