You are on page 1of 8

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKALAWA NA BAITANG

Inihanda ni: Michaela Jane P. De Leon

I. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-


aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga kalagayan at
suliraning pangkapaligiran ng
komunidad
2. Nababahagi ang sanhi ng pagkasira
ng kaayusan sa kapaligiran
3. Nailalarawan ang kalagayan at
suliraning pangkapaligiran ng
komunidad

II. Paksa Mga Kalagayan at Suliraning


Pangkapaligiran sa Aming Komunidad

Sangunian https://depedtambayan.net/pivot-
learners-module-grade-2-araling-
panlipunan/

Mga Kagamitan visual aids, printed materials

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdadasal
Everybody stand up. Lead the Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng
prayer Niña. espiritu santo........AMEN
Everybody stand up. Lead the
prayer Niña.
Mangyaring tumayo ang lahat para sa isang panalangin. Magandang umaga rin po!

2. Pagbati
Magandang umaga sa ating lahat!

Bago tayo umupo sa ating upuan, mangyaring kunin ang ilang


piraso ng papel at basura sa ilalim ng iyong upuan, pagkatapos ay
ayusin nang maayos ang inyong mga upuan.
Maaari na kayong umupo sa inyong mga upuan.

3. Pagtala ng liban sa klase


Bago ang anumang bagay, hayaan niyo akong suriin ang inyong
pagdalo. Sabihin ang salitang “present” kung nangyaring tinawag
ang iyong pangalan.

4. Pagbabalik - Aral
Bago tayo dumako sa ating aralin, paano nga ba natutukoy ang
likas na anyong lupa at anyong tubig?

Ang mga likas yaman na nagmula sa


mga anyong lupa ay mga yamang
nanggaling sa lupa at ang anyong tubig
ay mga yamang nanggaling sa tubig.
Maaring sumagot si Jessa.

Mahusay!
Sa yamang lupa o anyong lupa natatagpuan ang napakaraming
puno, halaman tulad ng bigas, gulay, prutas, at iba pa. Sa yamang
tubig o anyong tubig nakukuha ang iba't ibang uri ng isda,
halamang dagat, at iba pa.

IV. Paraang Pagkatuto Titser, may mga taong nagtatanim ng


5. Pagganyak halaman.

Ano ang napansin niyo sa


larawan?

Tama! Titser, mayroong mga nakakalat na


Makikita mo rito kung paano basura sa lawa.
nililinang ng tao ang likas-yaman
na matatagpuan sa ating mga
komunidad.
Ngayon, ano ang napansin niyo sa larawan?

Tama!
Sa pagdami ng tao sa buong mundo, tumataas din ang
pangangailangan ng tao sa likas na yaman. Dahil sa hindi wastong
paggamit ng ating likas na yaman at kawalan ng disiplina sa pag-
aalaga ng ating kapaligiran, unti-unting nasisira ang mga likas na
yaman sa ating komunidad.

A. Gawain
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan. Piliin sa kahon kung
anong uri ng suliraning pangkapaligiran ang mga nasa larawan.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Mga tamang kasagutan:

1. Deforestation
______________1.

2. Desertification

______________2.

3. Polusyon sa hangin

______________3.

4. Polusyon sa tubig
______________4.

5. Problema sa basura
______________5.

Naiintindihan ba ang gagawin? Opo, Titser!

B. Pagsusuri
Pagmasdan ang mga larawan.

Ano ang napapansin niyo sa unang larawan? Titser, karamihan sa mga puno ng
kagubatan ay putol.

Ano ang napapansin niyo sa pangalawang Titser, ang lupa ay tuyo at walang
larawan? tubig, halaman, at hayop na makikita.

Ano ang napapansin niyo sa pangatlong Titser, may nanggagaling na


larawan? pinaghalong usok, alikabok, at dumi sa
gusali.

Ano ang napapansin niyo sa pang - apat na Titser, ang daluyan ng tubig ay
larawan? marumi.

Ano ang napapansin niyo sa pang limang


larawan? Titser, hindi mabilang ang dami ng
naiipong mga basura.

Ayon sa mga larawan na ipinakita, may nakita na ba kayo na may


kagayang kalagayan at kapaligiran na narito sa ating komunidad? Opo, Titser!

Sino ang makakapagbigay ng kanyang saloobin?


Ating pakinggan si Joyce.
Minsan ang naiipong basura ay
Magaling! natatagpuan sa kanal.

Sa inyong palagay, ano-ano kaya ang posibleng dahilan kung


bakit nagkakaroon ng kalagayan at kapaligiran gaya nila?
Ating pakinggan si Faye.
Dahil dinudumihan ng ibang mga tao
ang kalikasan at nagtatayo ng mga
pabrika nang hindi isinasaalang-alang
Mahusay! ang magiging epekto nito.

C. Paglalahad

Balikan natin ang unang larawan, ang


tawag dito ay “Deforestation o pagkaubos
ng puno sa kagubatan”

Para sa pangalawang larawan, ang tawag


dito ay “Desertification o pagkatuyo ng
lupa sa mga kagubatan”

Sa pangatlong larawan, ang tawag dito ay


polusyon sa hangin.

Sa pang-apat na larawan, ang tawag dito


ay polusyon sa tubig.

At ang panghuling larawan, ang tawag dito


ay problema sa basura.

Mayroon bang mga katanungan tungkol sa ating ating aralin?


Ano nga uli ang tawag sa unang larawan? Deforestation, Titser.
Mahusay!

Sa pangalawang larawan? Desertification, Titser.


Mahusay!

Sa pangatlong larawan? Polusyon sa hangin, Titser.


Mahusay!
Polusyon sa Tubig, Titser.
Sa pang-apat na larawan?
Mahusay!

Sa pang limang larawan? Problema sa basura, Titser.


Mahusay!

D. Paglalapat

Naiintindihan ba ng lahat ang pahayag?


Bukod sa pamahalaan, mga pribadong organisasyon sino rin ang Mamamayan, Titser.
kasama sa pangangalaga sa kalikasan?

Tama!
Kasama rin dapat ang mga mamamayan ng komunidad sa
mayroong tungkulin na pangalagaan ang kapaligiran at kalikasan.

Muli, ano ang pamagat ng ating binasa? Suliraning Pangkapaligiran, Titser.

Tama!
Tandaan, kapag sinabing “Suliraning Pangkapaligiran” ito ay
problema na tumutukoy sa pagkasira ng kaayusan ng kapaligiran.

Ano-ano ang mga halimbawa ng Suliraning Pangkapaligiran? Polusyon sa hangin, polusyon sa tubig,
deforestation, desertification, at
problema sa basura.
Tama!
Ang ilan sa mga halimbawa ng Suliraning Pangkapaligiran ay
problema sa basura, polusyon sa hangin, polusyon sa tubig,
deforestation o pagkaubos ng puno sa kagubatan, at desertification
o pagkatuyo ng lupa sa mga kagubatan.

Mayroon bang mga katanungan tungkol sa ating aralin?

E. Pagtataya
Iguhit ang kung ang pahayag ay tama at kung ito ay
mali. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Mga tamang kasagutan:
_____ 1. Hindi dapat linangin ang likas na yaman upang
mapangalagaan ang kapaligiran. 1.
_____ 2. Ang mga mamamayan ng komunidad ay may tungkulin
na pangalagaan ang kapaligiran. 2.
_____ 3. Ang maling paggamit ng likas na yaman ay magdudulot
ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. 3.
_____4. Ang pamahalaan at mga pribadong organisasyon lamang
ang dapat mangalaga sa kalikasan. 4.
_____ 5. Ang polusyon at pagkasira ng kagubatan ay dulot ng di
wastong paggamit ng likas na yaman. 5.

F. Takdang-Aralin
Panuto: Ngayong nailalarawan mo na ang kalagayan at mga
suliraning pangkapaligiran ng inyong komunidad.

Gamit ang iyong lapis, gawin ang sumusunod.


1. Iguhit sa isang sagutang papel ang isang suliraning
pangkapaligiran na nakikita mo sa inyong komunidad.
2. Iguhit sa isang sagutang papel ang isang malinis na kalikasan.

You might also like