You are on page 1of 2

MGA URI NG KLIMA SA ASYA

Hilagang Asya
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init,
ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay
hindi kayang panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Kanlurang Asya
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Bihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, ito’y
kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Timog Asya
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung
buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatiling
malamig dahil sa niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Silangang Asya
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito ay
nakakaranas ng iba-ibang panahon: mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,
malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.
Timog-Silangang Asya
Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical. Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-
araw at tag-ulan.

Ang Katangian ng Klima


Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon ay tinatawag na klima.

Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang
nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga
halaman, at distansya sa mga anyong tubig.

Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan


dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.
Samantala, ang mga monsoon o mga hanging
nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na
may matinding epekto sa lipunan at iba pang
salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit yaong
mga nasa silangan at timog-silangang Asya.
Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay
maaaring magdulot ng parehong
kapakinabangan at kapinsalaan.
Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba’t ibang uri ng klima? Mas nakabubuti ba ito o mas
nakasasama?

2. Paano naaapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano? Ipaliwanag ang kasagutan sa konsepto
ng salik kultural (pamumuhay, pananamit, kilos, paniniwala, kaugalian).

3. Bigyan ng paghihinuha kung paanong ang mga pananim at vegetation cover sa Asya ay nakadepende
sa uri ng klima mayroon sa isang partikular na lugar o bansa. Magsagawa ng masusing pagpapaliwanag
sa sagot.

4. Pansinin ang pigura ng direksiyon ng mga monsoon na nasa itaas. Ito ba ay makapagbibigay ng
paliwanag kung bakit madalas ang bagyo sa Pilipinas? Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang
ganitong kalagayan ng Pilipinas?

You might also like