You are on page 1of 1

Mga Uri ng Klima sa Pilipinas

Ikatlong Uri
Ito ang uri ng klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan, dahil hindi madalas at hindi rin marami
ang pag-ulan at halos walang pagbabago sa panahon. Nararanasan ito sa Hilagang-silangang Leyte,
Hilagang Cebu, Hilagang Negros, at gitna at Timog Mindanao. Nahaharang ng matataas na lugar sa mga
lalawigang ito ang hanging nagdadala ng madalas na pag-ulan. Hindi rin ito karaniwang daanan ng bagyo
Ikaapat na Uri
Ito ang uri ng klima na may ulan halos sa buong taon. Halos walang tuyong panahon dito. Dito nabibilang
ang Batanes, Polillo, timog-sentral ng Quezon, Catanduan, Hilagang-silangan at Silangang Bicol, Samar,
malaking bahagi ng Silangang Leyte at Silangang Mindanao. Nasa silangang mga baybayin ang mga
lugar na ito. Nakalantad ang mga ito sa hanging amihan at sa Karagatang Pasipiko, na madalas
panggalingan ng mga bagyo.
Direksiyon ng Hangin Kung May Bagyo
Unang Uri

Ito ang uri ng klima na may madalas at maraming pag-ulan mula Hunyo hanggang oktubre at tag-araw sa
ibang buwan, May ganitong uri ngklima ang nasa kanlurang bahagi ng Luzon, Mindoro, Palawan, at
Negros. Nakakanlungan ang mga lugar na ito ng matataas na serye ng bundok. Dahil dito, hindi deretsong
tinatamaan ng hanging amihan ang mga ito ngunit nakalantad naman sa hanging habagat.
Batay sa temperatura, may dalawang pangkalahatang uri ng klima ang pilipinas: tag-ulan at tag-araw.
Ngunit batay sa distribusyon ng ulan, apat ang natiyak na uri.

Mga Bagyo sa Pilipinas


Daanan ng bagyo ang Pilipinas. Sa buong taon, humigit-kumulang sa dalawampu ang mga bagyong
dumadaan dito. Ang iba ay malalakas ngunit mayroon ding mahihina

You might also like