You are on page 1of 3

Kalamidad ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian,

kalusugan, at buhay ng mga tao sa mga lipunan. Ang ilan sa mga kalamidad na madalas maranasan ng
Pilipinas ay bagyo, lindol, landslide, flash flood, pagputok ng bulkan, at storm surge.
Mga nararanasang Kalmidad sa Ating Bansa
El Niño Phenomenon – isa sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa. Ito ay sinasabing isang
kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang kabaligtaran naman ng
ng El Niño ay tinatawag na La Niña, kung saan nagkakaroon ng matagal na tag-ulan na nagiging sanhi ng
pagbaha. Ang mga ito ay nararanasan ng mga bansang nasa Pasipiko.
Bagyo – madalas makaranas ang ating bansa. Mga 19 hanggang 30 ang bagyong dumaraan sa ating bansa
taon-taon, maliban kung panahon ng El Niño. Kadalasang nagaganap ang mga ito mula buwan ng Mayo
haggang Oktubre dahil and Pilipinas ay nasa daanan ng mga bagyong nanggagaling sa rehiyon ng
Marianas at mga pulo ng Caroline sa Karagatang Pasipiko.
Pagbaha – madalas din ang pagbaha sa mababang lugar ng ating bansa. Maaaring dulot ito ng malakas na
bagyo, biglaan at matinding pagbuhos ng ulan, o malakas at matagal na pag-ulan. Maaaring dulot din ito
ng pag-apaw o pagbabara ng mga kanal, estero, ilog, at iba’t ibang daluyan ng tubig.
Dala rin ng mga matinding pagbagyo ang flash flood o biglaang pagbaha na nararanasan sa ating bansa
tulad ng malubhang pinsala ng Bagyong Ondoy (Typhoon Ketsana) noong Setyembre 26, 2009. May mga
landslide o pagguho ng lupa na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Maari itong maganap
kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan sa matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol.

Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman o Department of Environment and Natural


Resources (DENR) ay nagpagawa ng geohazard map upang matukoy ang mga lugar na medaling
tamaan ng mga sakuna o kalamidad. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga lugar na may
mataas na antas ng peligro upang ang mga tao ay maging handa kung sakaling ang lokasyon ng kanilang
tirahan ay matatagpuan sa mga lugar na tinutukoy nito. Ito ay ginawa upang mabawasan ang masamang
epekto ng mga sakuna o kalamidad.
Ayon sa DENR ang sumusunod ang sampung lalawigang pinakamadalas tamaan ng lindol:

 Surigao Del Sur  Tarlac


 La Union  Ifugao
 Benguet  Davao Oriental
 Pangasinan  Nueva Vizcaya
 Pampang  Nueva Ecija

20 lalawigan na pinaka-madalas makaranas ng panganib sa bagyo:

 Cagayan  Northern Samar


 Albay  Catanduanes
 Ifugao  Apayao
 Sorsogon  Pampanga
 Kalinga  La Union
 Ilocos Sur  Nueva Ecija
 Ilocos Norte  Pangasinan
 Camarines Norte  Masbate
 Mountain Province  Tarlac
 Camarines Sur  Western Samar
Ayon sa NDRRMC ito ang mga lalawigan na medaling tama ng pagbaha

 Pampanga  Bulacan
 Nueva Ecija  Metro Manila
 Pangasinan  North Cotabato
 Tarlac  Oriental Mindoro
 maguindanao  Ilocos Norte
Mga lugar na mapanganib sa pagguho ng lupa

 Ifugao  Bukidnon
 Lanao del Sur  Aurora
 Saranggani  Davao del Sur
 Benguet  Davao Oriental
 Mountain Province  Rizal
Gawain na Nagdudulot o Nagpapalala sa Kalamidad

 Pagtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig


 Pagkakalbo ng kagubatan
 Paniniran sa paanan ng bulkan
 Paninirahan sa estero, baybay ng ilog, o dagat
 Pagkasira ng ozone layer
 Pagmimina o quarrying
 Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
Epekto ng mga Kalamidad sa ating Bansa
Narito ang ilang datos mula sa pagsusuri ng UNISDR Prevention Web tungkol sa pinsalang dulot
ng mga kalamidad sa buhay at sa ekonomiya n gating bansa mula 1980-2010

Bilang ng pangyayari 363


Bilang ng taong namatay 32, 956
Dami ng mga namatay bawat taon 1, 063
Bilang ng taong napinsala 116, 212, 416
Dami ng mga taong napinsala bawat taon 3, 748, 788
Pinsala sa ekonomiya 417, 145
Daming pinsala sa ekonomiya bawat taon 239, 263

Mga Epekto ng Ilang Pangunahing Kalamidad


Super Typhoon Yolanda (Typhoon Haiyan) – nagdulot ito ng malaking pinsala sa mga lalawigan ng
Eastern Samar at Leyte noong Nobyembre 8, 2013
Bagyong Ondoy (Bagyong Ketsana) – nanalasa ito sa Rehiyon I hanggang VI at NCR. Naganap ang
bagyong ito noong Setyembre 26, 2009.
Bagyong Uring (Tropical Storm Thelma) – Ormoc Flash Flood – isa sa mga bagyong kumital sa
buhay ng halos 5, 100 katao sa Ormoc, Leyte ay ang Bagyong Uring. Nagdulot din ito ng malakas na ulan
at nga landslide na naging sanhi ng malaking hampas sa ekonomiya ng lungsod ng Ormoc at kinilala
itong isa sa mga pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng bansa.
Pagputok ng Bulkang Pinatubo – pumutok ang bulking Pinatubo noong Hunyo 15,1991 mula sa
pagkakahimbing ng mahigit sa 600 taon. Nagbuo ito ng matinding abo at nagkaroon ng pyroclastic flow o
lahar na nakaapekto at nakasira sa mga hayop, halaman, at ari-arian. Libo-libong tahanan ang nabaon sa
lahar.
Hulyo 16, 1990 lindol sa Luzon – ito ay umabot sa lakas na 7.7 sa Ritcher Scale na kumitil sa buhay ng
918 katao, at 864 naman ang bilang ng mga nasugatan.

You might also like