You are on page 1of 21

Pagtukoy ng tiyak na lokasyon batay sa absolute

location-latitud

(Mga espesyal na guhit)


El niño – nagbabadya sa unang quarter ng 2019
ByRMN
News Nationwide: The Sound Of The Nation -Jan.
31, 2019 at 4:39pm100
Manila, Philippines – Nasa 70 hanggang 80
percent ang posibilidad na magkaroon ng El Niño
sa bansa ngayong taon.
Ayon kay PAGASA climate monitoring Chief
Analiza Solis – nakataas pa rin ang “el niño watch”
ng PAGASA.
Mula setyembre noong nakaraang taon hanggang
kalagitnaan ng enero, ilang probinsya na sa
mindanao ang nakararanas ng dry spell partikular
ang Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay,
Bukidnon, Basilan, Maguindanao at Sulu.
Habang nakararanas naman ng drought ang
Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Nararanasan ang dry spell kapag hindi
nakatatanggap ng ulan ang isang lugar sa
loob ng tatlong magkakasunod na buwan
pero kapag tumagal na ito ng limang buwan,
tinatawag na itong drought.
Dagdag pa ni Solis – kapag nagtuloy-tuloy,
posibleng madagdagan pa ang mga lugar na
apektado ng matinding tagtuyot pagpasok ng
Abril.
Panuto: Sagutin ng tama o mali ang bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.
1.Ang patayong guhit ay tinatawag na
meridian.
2.Hinahati ng prime Meridian ang
Hilagang hating globo at Timog hating
globo.
3.Ang International Date Line (IDL) ay
may 900.
4.Ang Polong Timog ay nasa itaas na
bahagi ng globo.
5.Ang Prime meridian ay tinatawag ding
parallel line.
Kung nais nating makita
ang kinaroroonan o
kinalalagyan ng isang
bansa / lugar sa mundo,
ano ang maari nating
tignan o gamitin?
Globo at Mapa
May pahalang na guhit sa gitna ng
globo na tinatawag nating ekwador o
guhit parallel. Ito ay may markang 0º.
Ang mga guhit parallel ay ginagamit
upang malaman ang layo ng mga lugar
sa hilaga o timog ng ekwador. Mula sa
ekwador na may 0º ay susundan ng
15º ang bawat guhit latitud.
Sa pamamagitan ng mga digri na
nakikita ay malalaman ang tiyak na
kinaroroonan ng bansa.
Sa pamamagitan ng mga
guhit latitud ang tiyak na
kinalalagyan ng Pilipinas
ay nasa 4º hanggang 21º
Hilagang Latitud
Mga Espesyal na Guhit
Tropic of Cancer oTropiko ng
kanser ang guhit sa 23 ½ °hilaga
ng Ekwador. Ang guhit sa 23 ½
timog ng Ekwador ay tinatawag na
Tropic of Capricorn o Tropiko ng
Kaprikornyo. Ang nagsasaklaw sa
pagitan ng dalawang espesyal na
mga guhit na ito ay tinatawag na
mababang latitud o rehiyong
tropical.
Ang espesyal na guhit sa 66 ½ °
hilaga ng Ekwador ay tinatawag na
Arctic Circle o Kabilugang Arktiko.
Ang rehiyon sa pagitan ng Tropiko ng
Kanser at Kabilugang Arktiko ay
tinatawag na gitnang latitud o
rehiyong katamtaman ang lamig sa
hilaga.
Ang espesyal na guhit sa 66 ½ timog
ng ekwador ay tinatawag na Antarctic
Circle o Kabilugang Antarktiko at
Tropiko ng Kaprikornyo ay ang
gitnang latitud o rehiyong katamtaman
ang lamig sa timog.
Ang pook na nasasakop mula
sa Kabilugang Arktiko hanggang
polong hilaga at mula sa
Kabilugang Antarktiko hanggag
timog polo ay tinatawag na
rehiyong polar o mataas na
latitud. Malamig ang klima rito.
Ang paligid ay nababalot ng yelo
sa buong taon.
Gawain 2 (Pangkatang Gawain)
I – Gumuhit ng Globo, kulayan ng
orange ang bahaging nagpapakita ng
Kabilugang Artiko at Kabilugang
Antartiko.
II – Gumuhit ng Globo, kulayan ng
green ang bahaging nagpapakita ng
Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikornyo.
III – Gumuhit ng Globo, ipakita ang
kinalalagyan ng Pilipinas.
IV – Gumuhit ng Globo, ipakita ang
ekwador na may 00.
1. Ano ang guhit latitude? Ano ang
kahalagahan ng mga guhit latitud sa
globo? Saang guhit latitud makikita
ang Pilipinas?
2. Ano-ano ang 5 espesyal na guhit
latitud?
3. Ano ang pabilog na guhit sa
pinakagitnang bahgi ng globo?
4. Ano ang tawag sa espesyal na guhit
sa 66 ½ ° hilaga ng Ekwador.
5. Ano ang tawag sa espesyal na guhit
sa 66 ½ timog ng Ekwador?
6. Ito ang tawag sa guhit sa 23 ½ °
hilaga ng ekwador.
7. Ito ang tawag sa guhit sa 23 ½ °
timog ng ekwador
8. Bakit kaya ang malamig ang klima sa
rehiyong polar at ang paligid ay
nababalot ng yelo sa buong taon?
9. Bakit kaya mainit o tropical ang klima
sa tropiko ng Cancer at Capricorn?
 
Ano-ano ang mga 5 espesyal
na guhit na guhit latitude at
sabihin kung saang digri sa
globo matatagpuan?Saang
guhit latitud makikita ang
Pilipinas?
PAGPAPAHALAGA
Pangkatang Gawain
Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod:
Saang guhit latitud matatagpuan ang
Pilipinas?
Anong guhit latitud ang nasa 23 ½ 0
mula ekwador pahilaga?
Anong guhit latitud ang nasa 66 ½ 0
mula ekwador pahilaga?
Anong guhit laltitud ang nasa 66 ½ 0
mula ekwador patimog?
Anong guhit latitud ang nasa 23 ½ 0
mula ekwador patimog?
Takdang-Aralin

Magdala ng World Map / Asia Map.


Magbasa ng mga balita mula sa
karatig bansa ng Pilipinas

You might also like