You are on page 1of 3

Pangalan: Lapinid Cathylyn W.

Kurso: BSED Filipino – 3

Seatwork 1 (Pagsusuri ng Diskurso)

Artikulo

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri:

1. Anong uri ng diskurso ang ginamit sa pagsulat ng artikulo?

Ang uri ng diskurso na ginamit sa pagsulat ng artikulo ay pangangatwiran o


argumentatib dahil ang aking nabasang artilkulo ay may sapat at matibay na
pagpapaliwanag. Ito rin ay mapanghikayat at mapagpapaniwala sapagkat ito’y may
iba’t ibang mapangatwirang pananalita na maayos na sinuri at naayun sa paksa.

2. Anu-anong isyung panlipunan ang inilahad?

Ang mga isyung panlipunan na inilahad ay ang mga problemang pasan ng mga
estudyante sa panahon ng pandemya. Ilan na lamang dito ay ang mahinang
koneksyon ng internet lalong lalo na sa mga mag-aaral na nakatira sa probinsya. Isa
pa ay ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga kabataan dahil kahit na sabihin na
lahat ay magkapareho ng aralin sa bawat lebel, iyong paraan nila sa paghanap ng
access at resources ay hindi pare-pareho. May mga mag-aaral na mayroong sariling
mga cellphone at computer habang may mga kabataang aalahanin pa ng mga
magulang kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng
computer para sa online class.

3. May mga solusyon bang iminumungkahi at tinalakay sa paglutas ng mga


isyu/suliranin?

Ang ilan sa mga solusyon na iminumungkahi at tinalakay sa paglutas ng mga


isyu/suliranin ay ang iba pribadong paaralan sa kolehiyo ay nagbigay ng refund sa
mga mag-aaral upang kahit papano ay mabawasan ang kanilang mga gastusin.

4. Sang-ayon ka ba sa mga layunin at panindigan ng awtor?

Oo, sang-ayon ako sa mga layunin at panindigan ng awtor, sapagkat maayos na


napahayag ng manunulat ang kaniyang isinulat. Mahusay niyang naipahayag ang
kaniyang saloobin sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang patunay at pruweba.
Isa din sa dahilan at ako’y sang-ayon sa panindigan ng manunulat dahil bilang mag-
aaral sa kolehiyo ang ganitong sistema ng edukasyon ang aking nararanasan sa
kasalukuyan. Totoong napakahirap ng sitwasyon ng lahat ng mag-aaral dahil sa
pandemayang ito. Marami ding mga huminto muna dahil nawalan ng mga trabaho
ang kanilang mga magulang. Kinakailangan lamang ng sapat na pagtitiis at ihanda
ang sarili sa pagyakap sa pagbabagong ito sapagkat isang araw magigising tayo na
normal na ulit ang mundo.
Komersyal sa Telebisyon

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri:

1. Anong uri ng diskurso ang ginamit sa pagsulat ng artikulo?

Ang uri ng diskurso na ginamit sa pagbuo ng patalastas ay ekspositori o paglalahad


dahil ang komersyal na ito ay nagpapahayag ng ideya, kaisipan at impormasyon
tungkol sa produkto. Ang impormasyon na ito ay maayos at malinaw na inihanay na
siya nagbigay dahilan upang ito ay magbigay ng bago at dagdag na kaalaman sa
ibang tao.

2. Anu-anong isyung panlipunan ang inilahad?

3. May mga solusyon bang iminumungkahi at tinalakay sa paglutas ng mga


isyu/suliranin?
4. Sang-ayon ka ba sa mga layunin at panindigan ng awtor?

You might also like