You are on page 1of 1

Name: Nathaniel C.

Trencio
Grade Level and Section: 10-Rizal

Noong unang araw o unang linggo ng klase naranasan ko ang hirap at dali, bakit ba mahirap at
madali?
Mahirap dahil sa hindi ako nakakapag aral tulad ng dati na may kasamang mga kaklase at gurong
nasa pisara. Nasaharap namin ang guro habang nag tuturo ng mga aralin na nag bibigay sa amin
ng mga panibagong kaalaman makapanibagong kaalaman na nag bibigay aral o ideya sa mga
disesiyong tatahakin.
Madali naman dahil sa naiintindihan ko ang mga aralin sa tulong ng mga guro at ng aking ina na
mapag alaga madali man sa akin ang proseso ng pag kuha ng mga outputs at pag pasa neto sa
aking nakikita naman ay nahihirapan ang aking ina dahil sa prosesong ito dahil sa dami ng tao sa
paaralan at kailangan pang sumunod sa safety protocols upang maging ligtas at hindi kumalat
ang COVID-19.
Unang linggo ng school year nato ay medyo nakakasabay naman ako kahit na mahina ang
network saka wala masyadong data pang online class pero malaki ang natulong sa akin ng
blended learning bukod sa nakakapag aral na kami sa aming mga tahanan nakaka usap pa namin
ang aming mga guro at nag karon kami uli ng pag kakataon marinig ang mga boses ng aking mga
kaklase sila ay matagal ko ng kasama simula grade 7 pa lamang kaya nakaka miss din naman
dahil sa 2 taon din kami hindi nag kita.
Sa linggong ito maayos ko namang nagawa at naipasa ang mga gawain may mga bago akong
natutunan at nahasa ang aking talento anng isipan.

You might also like