You are on page 1of 1

Noong nagsimula ang pandemic ay nahirapan ako lumabas ng bahay dahil bukod sa

natatakot sa COVID 19 ay mahigpit na pinagbabawal ng mga awtoridad ang paglabas kung


hindi kinakailangan. Natatakot din ako kapag nagkaroon ng kaunting ubo o kaya nasamid
lamang dahil baka ito ay pagmulan agad ng virus. Noong nagkaroon ng bakuna kontra COVID
19 ay natakot din ako dahil mayroon daw namamatay rito kaya naman ilang buwan din ang
nagdaan bago ako nagpabakuna ng Moderna at talagang malalang kaba ang inabot ko sa una
at pangalawang pagturok nito sa akin. Noon namang nagsimula ang online class ay nanibago
ako dahil bukod sa tagal ng buwan bago nakapag-aral uli ay nahirapan ako sa ganitong uri ng
pag-aaral. Sa una ay nahirapan ako sa paggamit ng Zoom Meetings. Mahirap din mag-aral
dahil ang cellphone ko ay maliit lang at malabo ang camera, kapag may ipapasa ay makikihiram
pa ako sa aking mga pinsan para makuhanan ng litrato ang aking mga sagot sa papel. Load din
ang aking ginagamit para sa internet connection kaya may mga pagkakataon na nawawala ako
sa aming klase.

Gayunpaman, nagadjust ako sa pandemic sa pamamagitan ng pagsuot ng facemask


kapag aalis ang bahay, sa katunayan ay magpasahanggang ngayon ay nagsusuot pa rin ako
nito dahil nasanay na akong gumamit nito at para narin sa pagiingat. Noong kailangan ng
faceshield ay palagi rin akong nagsusuot nito kahit pa naaalibadbaran ako dahil sagabal sa
maganda kong mukha. Ang paglalagay rin ng alcohol ay naging kaugalian ko na dahil
nakakaparanoid talaga ang dulot ng pandemya. Nagpabakuna rin ako kahit may takot dahil
alam kong makakabuti ito sa akin at saka hindi ako makakakain sa Jollibee at hindi
makakapasok sa CvSU pag walang vaccine card. Noong nakaraang taon ay nagpabooster kami
ni mama dahil kailangan na may booster sa CvSU. Hindi kami nagpa-2nd booster dahil
nakalimutan na namin at ayos na rin naman sa school dahil hindi na pinapakita sa guard ang
vaccine card. Samantala, sa online class ay na-master ko na ang paggamit ng Zoom Meetings
at hindi na inverted ang mukha ko sa screen. Nasanay na rin ako na online lahat ng gawain
kaya naman natuto rin ako na mag-edit ng video para sa Physical Education at iba pang
asignatura.

Samakatuwid, natuto ako magself-study dahil kung minsan ay hindi makapagturo ang
aming guro dahil sa problema sa internet connection. Nasanay na rin ako na makipag-socialize
sa online at pumirmi ng bahay. Dahil sa pandemic ay mas naging malapit ako sa aking pamilya
at nakuntento sa loob ng bahay. Sa online class ay natuklasan ko ang ibang mga application
upang matulungan ako sa pag-aaral. Natutunan ko na hindi dapat maging kampante dahil hindi
natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Nararapat na maging handa palagi para alam natin
ang ating mga dapat gawin sa oras ng pagsubok, paghihirap, o malubhang kaganapan.
Nagpapasalamat ako na nakasurvive tayo sa pandemic at online class. Nawa rin ay magpatuloy
na ang pagbangon natin at maging mas handa sa lahat ng oras.

You might also like