You are on page 1of 1

FILIPINO ASSIGNMENT

“Ang aking naranasan sa loob dalawang taon sa gitna ng pandemya”

Sa loob ng dalawang taon nang magsimula ang pandemya ay marami akong


nararanasan. Isa sa naranasan ko ang manatili palagi sa loob ng bahay. Tila huminto
ang mundo noong maipatupad ang ECQ. Maraming mga pagbabago na naganap at
marami din akong natutunan dahil sa mga pangyayari. Lahat ng mga naranasan ko sa
loob ng dalawang taon ay hinding hindi ko malilimutan lalo na at naaapektuhan ang
aking pag-aaral bilang isang estudyante.

Kaming mga magkakapatid ay hindi pinapalabas at kahit ako ay lagi lamang nasa
bahay. Alam naman natin na may mga batas noon na dapat sundin lalo na at nasa
gitna tayo ng pandemya at maraming mga kaso nang mga nagkakasakit at namamatay.
Lahat tayo ay nanginginig sa takot at nagdadasal na sana matapos na ang mga
nakakalungkot na pangyayari. Lahat tayo ay naaapektuhan lalo na ang mga kabuhayan
ng ating mga magulang pati na ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Kaya naman naging
isang leksiyon sa akin ang nangyari sa loob ng dalawang taon. Ngunit sa kabila ng lahat
ay nanatili akong matatag. Dahil sa pandemya ay nagkakaroon ng pagbabago sa pag-
aaral. Dito ko na naipagpatuloy sa bahay sa tulong ng pagpapatupad ng modyular na
klase. Hindi naging madali para sa akin lalo na at sarili ko lamang ang magtuturo sa
akin pero minsan ay nagpapatulong ako sa aking nakakatandang kapatid. Minsan ay
wala silang oras dahil meron din silang online class kaya ang ginagawa ko lamang ay
pag-aralan lahat ng iyon na mag-isa. Dagdag na rin sa paghihirap ang hindi makapag
pokus sa aking mga modyul kapag ako ay agad-agad na uutosan sa bahay. Hindi ko
agad matapos ang aking mga ginagawa dahil sa gawaing bahay na minsan ay
nakakapagdisturbo sa aking pag-aaral. Kaya mas gugustohin ko pa rin na bumalik sa
dati kung saan may mga guro na pwedeng makapagturo sa amin upang mas lalo kung
maiiintindihan ang lahat ng mga paksa.

Sa kabila ng lahat ng iyan ay may mga natutunan din naman ako sa buhay, isa na dito
ang naramdaman kong wala namang pagmamadali sa mga bagay-bagay dahil higit na
nakapokus ang lahat sa sariling kaligtasan. Natutunan ko din ang muling pagkonekta sa
aking pamilya. Mas nahahagkan ko ng matagal ang aking Ina at mas tumindi rin ang
bonding namin ng aking mga kapatid at mas marami na kaming nagagawang
magkasama. At saka, natutunan ko ang magpahalaga ng mga tao sa paligid lalo na
iyong mga nahihirapan sa sitwasyon sa gitna ng pandemya kaya naman natutunan
kong mabuhay ng kalmado at walang pinagmamadalian.

You might also like