You are on page 1of 2

SEM.

NATANIEL MINGO
1ST YEAR PHILOSOPHY
REFLECTION PAPER
September 15, 2021 noong araw na ako ay nakagawa nang kasalanan sa loob nang
seminary dahil sumuway ako sa rules and regulation nang seminary, that time kasi one of my
brother seminarian celebrating their birthday at napagkasunduan na in exact 9 o’clock in the
evening magkakaroon nang inuman outside the seminary marami kami that time na nag iinuman.
Sa kalagitnaan nang aming inuman nasali sa aming usapan ang wifi and internet connection na
topic din nang mga senior brother namin na lagi raw pinapalitan ang password nang wifi kaya
dapat gumawa nang action dahil sa totoo lang naman ay dapat pinapayagan kmi na maka connect
dahilan narin for fast communication sa aming pamilya pero ito ay hindi pinapayagan nang
formators. That night dahil ako ay lasing na at marami na ang nainom halos lahat kmi ay lasing
na kaya sabi sa akin nang mga senior brother na kung pwedi ko ba raw putulin ang fiber optic na
wire actually takot akong gawin even though nakainom nakaramdam padin ako nang pangamba
kung anu yung magiging consequences. Pero dahil sa pag sasabi saken nang aking mga brother
nang ganito “cge lang gawen mo wala namang makakaalam dahil po protektahan ka naming sabi
sa akin kaya nagawa ko ang bagay na hindi naman dapat pinutol ko yung wire hanggang sa
nawalan nang internet connection ang seminary. Bago pa man mag Christ the king ay nalaman
na nang mga formators kung sino talaga ang pumutol nang wire dahil narin sa mga sumunod
pang pagputol sa main office and then sa academic building pero wala na akong kinalaman doon
at pagbalikan nga namin sa seminary after Christ the king ay uminit na ang tingin saken nang
mga formators marami nang nag di discriminate sa akin na mga Pari about doon sa nangyare at
yun nga nagkaroon nang evaluation pagdating nang December bago kami mag uwian para sa
Christmas break. Pero hindi kmi ka agad naka uwi dahil nag stay pa kmi sa seminary hanggang
December 20, 2021 dahil kabilang din sa aming punishment ang mga naiwan. Ang lahat nang
mga uminom at pumutol nang wire pero nong evaluation ay na recommend padin ko for second
semester dahil pinagtanggol ako ni father rector kaya natapos ko ang aking first year philosophy.
Nong malapit na mag closing at nagkaroon na nanaman nang evaluation.
Hindi alphabetical order ang pagpapatawag sa amin. Medyo kapuna-punang nasa huli
yung mga “gigisahin” at “madaming “puwedeng pag-usapan” (at isa na ako doon, ako ay pang-
huli sa lahat nang pinatawag). Enter the Dragon. Noong oras ko na, pumasok na ako sa pamilyar
na opisina ni Father Rector at umupo doon sa komportable niyang upuan sa harap ng kanyang
lamesa. As usual ay nakangiti si Father, at una nyang tinanong saken kung kamuzta na ako may
mga pagbabago ba sa academics sa community at sa health. Hindi pa ako masyadong
makapagsalita dahil nga ako ay kinakabahan dahil ako talaga ang pang huli na tinawag ngunit
sumagot padin ako na opo father meron namang mga pagbabago dahil kung noon madalang
akong Makita sa basketball court ngayun ay palagi na at marunong narin makipag socialize at
iniiwasan kuna ang pagiging mahiyain. Sa academic naman medyo nahihirapan padin sa subject
ni father Melvin pero sinisikap kong mag excel sa klase at makasabay sa itinuturo nang
professor. Medyo napatawa si father rector dahil sa aming usapan.
Serios Part – Do I Know Me? Matapos humupa ang tawanan ay pareho na kaming nag-
transform ni Father sa serious mode. Nagsimula ang lahat doon sa discussion namin sa unang
parte ng evaluation form. Tinalakay ni father rector ang tungkol sa napagkasunduan nang mga
formators na sab inga raw nang ibang formators kailangan ko munang mag undergo for one-year
regency. Dahil sabi saken ni father rector ginawa na daw nya ang lahat para ako ay ipagtanggol
sa ibang formators at ang nagpababa talaga sa case ko ay yung ginawa kong pagputol sa fiber
optic na wire sabi ni father saken ok lang naman na ma regency one-year lang naman ang
gagawen mo mag aral ka sa labas para hindi mapabayaan ang academics and then maglingkod sa
parokya dahil guided regency naman ako. Kaya nga po lahat nang mga ini utos sa akin ni father
ditto sa parokya ay aking sinusunod. Kahit mahirap pag sabayin ang Gawain sa parokya at sa
school kinakaya dahil sinasamahan ko nang panalangin at pagtitiwala sa poong maykapal. Para
kahit nandirito sa labas hindi napapabayaan ang bokasyon. Marami pa kaming napag-usapan ni
Father Rector, mostly ay mga katanungan, kung anong reaksyon at plano ko, nasabi ko rin sa
kanya yung “takot” ko sa mga posibleng mangyari sa loob ng isang taon at kung makakabalik pa
ba ako, pero pinili kong ang ikuwento na lamang sayu father ay ang dahilan ng aking eviction sa
loob nang seminaryo

Pumasok ako sa kuwarto niya ng mag-a-ala cinco ng hapon at lumabas ako ng 6:15 ng
gabi. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako ng Kapilya kung saan ang mga seminarista ay
tahimik nang nagdarasal. Marahil ay batid ng iba ang “kinahinatnan” ko dahil bakas sa aking
mukha ang kalungkutan. Tahimik akong pumunta sa aking kneeler at pumunit ng maliit na piraso
ng papel at nagsulat ng “Pare, regency ako ng isang taon. In return, isinulat niya na “okay lang
yan pare, ganyan talaga ang buhay, magpakatatag ka…”. Doon, sa kinauupuan kong iyon,
natutunan ko ang tunay na kahalagahan ng mga taong makakaramay mo sa buhay. Pagkatapos,
tahimik akong lumuhod at kinausap ang Diyos. Isinusulat ko ang reflection na ito upang
magkaroon ng kaliwanagan ang mga isipang walang liwanag dahil hindi ito nagpapaliwanag o
nagbibigay liwanag kapag hindi lumiwanag ang mga isipang walang kaliwanagan. Sa huli, nais
kong iwanan sa inyo iyong isinulat ni Rick Warren sa kanyang librong “Purpose-Driven Life.”
Lahat tayo ay may purpose. Ang mga nangyayari sa atin ay hindi aksidente. My personality, your
personality, their personality is not bad, it’s just different. Iiwanan ko ang reflection na ito na
nagbibigay ng hamon sa lahat nang mga seminarista na nag undergo nang Regency. Nawa ay
may natutunan silang mga aral mula sa aking karanasan.

Ang buhay ay magpapatuloy para sa akin. 21-anyos lang ako. I have a life ahead of me.
Ang “eviction” ko ay hindi ang katapusan. Isa itong paanyaya ng bagong simula. Magpapatuloy
ang buhay. Padayon

You might also like