You are on page 1of 3

DAKILANG KAPISTAHAN NG TAUNANG

PAGGUNITA SA PAGTATALAGA NG
SIMBAHAN NG MAHAL NA INA BUNDOK
NANG CARMELO

OUR LADY OF MT. CARMEL PARISH OCTOBER 22,


2022

PAGMIMISA SA LOOB NG
SIMBAHANG ITINALAGA
Tagapagsalita:
Sa araw na ito ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan
ng Pagtatalaga ng Dambana at Bahay-Dalanginan ng Parokya ng
Mahal na Ina bundok ng Carmelo para sa Diyos. Ang gusaling ito
ng simbahan ng parokya ng Our lady of Mt. Carmel ay sinimulan
noong Hulyo 16, 1989 sa pangunguna ng Carmen Catholic
Development Council naging ganap na parokya noong October 15,
1993 sa pag papastol ni Reverendo, Padre. Arturo Muros, sa
pagtutulungan ng pamayanan ng parokya nang Our Lady of Mt.
Carmel at sa tulong pinansyal ng Kirche in not (Germany) sa ilalim
nang pag papastol ni Reverendo, Padre. Mel Rey M. Uy ikalawang
kura paroko ang simbahang ito ay natapos at naitalaga ng kagalang
galang na Obispo Jose Corazon T. Tala-oc D.D. Ika apat na Obispo
ng Romblon ngayung ika 14 ng Enero, 2004 taon ng ating
panginoon sa ika 25 Years na pamumuno ni Papa Juan Paulo II.
Ngayun ating ginugunita ang ika 29 years nang pagkatatag nang
parokya.
Ang pagtatalaga ng simbahan ay ang pagpapahayag ng
pamamalagi ng Diyos sa gitna ng kanyang bayan. Ito ay paalala sa
ating lahat na Siya’y buhay at nananahan kasama natin. Bilang
simbahan na buhay at naglalakbay patungo sa tahanan ng ating
Ama. Ang mamumuno sa ating banal na pagdiriwang ay walang iba
kundi ang ating kura paroko Reverendo Padre Lee Anthony B.
Regala kasama rin nya ang mga kaparian nang ating diyosises ng
Romblon Magsitayo po ang lahat, at makiisa sa pag-sagot at
pagawit para sa panimula ng ating banal na pagdiriwang.

You might also like