You are on page 1of 6

PANIMULA

 Sa panimula, Ang Dalahican ay isa sa mga nasasakop ng Parokya ni San Isidro Labrador.Madalas
ay tuwing kapistahan lamang ito nabibisita ni Fr Florante Dator (1957-1964) na itinilaga bilang
kauna unahang kura upang magmisa. Sa kanyang panahon ay nagkaroon ng unang simbang
gabi sa Dalahican na nagsisimula tuwing ika-15 ng Desyembre hanggang ika-23 ng kaparehong
buwan.
 Sa panahon ni Fr. Herminigildo Lagustan (1964-1979) ay naitatag sa Dalahican ang Legion of
Mary. Ito ang kaunaunahang asosasyong pansimbahan sa Dalahican.
 Noong dumating si Fr. Pio Manalo (1979-1983) ay nagkaroon na ng Misa tuwing unang Biyernes
sa pangangasiwa ng Apostolado ng Panalangin.
 Sa pagdating ni Fr. Oscar Leano (1983-1989) ay nagkaroon na ng Misa tuwing Linggo . Nagtatag
din sya sa bawat barangay ng kawan na tinawag na Kawan ni san Rafael sa Dalahican. Binuo din
nya ang Buklod-Diwa at SAKKAD. Sa tulong din ng mga seminarista galling sa St. Alphonsus
School of Teology at St. Francis de Sales Regional College Seminary na nagsasagawa ng
apostolado sa ibat ibang purok nito tuwing semestral break, Christmas break at tuwing
bakasyon sa tag init.

PAGHAHANDA sa PAGIGING GANAP NA PAROKYA sa Panahon ni Rev. Fr. Severiano Selvania(1985-1989)

 HUNYO 30, 1985 ay nagpasya si Obispo Ruben Profugo na maging isang hiwalay na parokya ang
dalahican mula sa parokya ni san Isidro Magsasaka. Kabilang dito ang dalawa pang barangay na Mayao
Crossing at Talao Talao.
 Bilang paghahanda ay ipinadala si Fr. Severiano Salvania bilang tagapangasiwa ng paghahanda sa
paghiwalay ng dalahican bilang isang bagong parokya.
 Sa tulong ni Gng. Elisa Jalbuena Abellanosa ay ibinahagi nya ang 1000 metro kwadradong lupa kay Fr.
Salvania upang pagtayuan ng isang simpleng kapilya, Kumbento at opisina.
 Sa kadahilanang nangangailangan ng malaking halaga ang pagpapatambak sa nasabing lupa ay nagtayo
muna ng simpleng Tuklong sa 35sq. na binigay naman ng mga VillaFuerte at Lopez kung saan nagsimula
ang munting sambayanan na kalaunay nagging Parokya
 Enero 1984 Ginawaran siya ng titulong bilang Monsignor na tanda ng pagkilala sakanya bilang Papal
Chaplain ng dioces ng Lucena.
 Nagkaroon ng dalawang seminar ng Family and Life Apostolate o FLA sa pngangasiwa ng mga taga
parokya ni san isidro Labrador kung saan nagsilbi bilang katulong ng pari ang mga nakapagtapos sa
nasabing seminar..
 May mga katekista din na galing sa nasabing parokya na nagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa
dalahican at nagbuo ng mga kabataan ng san Rafael
 March 7 1986- Pormal na itinatag ang Cofraternity of Christian Doctrine o CCD na nakatulong sa
pagtuturo ng katekismo sa Mayao Crossing, nTalao Talao at Dalahican
 Abril 20-25 1986 ay ginanap ang Peregranatio Pro Cristi na pinangasiwaan ng mga taga antipolo
Comitium at Legionaries ng Lungsod ng Lucena.
 Binuhay din ang senior Praesedium”talang maliwanag”, Junior Praesedium “ina ng awa” at Patrician
meeting group
 Sa taong ito ay sinimulan din ang kauna unahang misa nobenaryo para sa karangalan ni San Rafael.
 Agosto 1986 Ay ipinagkaloob ng mga herederos ni Don Moises at Dona Nena Gala ng Sariaya na sina
Gng. Teresita Alava, Dr. Lila Grino, at Gng Marita Tagarao ang titulo ng 2,553 sq na lupain kay Msgr.
Selevania na ngayon ay nasa pangangalaga ng Diocese ng Lucena
 Marso 1987- Ipinasaayos ni G. Louie Chua ang kapilya na ayon sakanya ay animoy isang patisan ang
itsura. Ipinagawa ang harapan nito upang mas maging mukha itong munting simbahan at ito ay
naisaayos sa loob ng 13 na araw.

Pagkakatatag ng Parokya ni San Rafael (1994-1998)

 Oktubre 1994 ay itinalagang bilang tagapamahala ni Obispo Ruben Prufugo sina Fr. Pedro Obon at Fr. Ramil
Esplana upang ipagpatuloy ang paghahanda para maging isang ganap na parokya ang Dalahican at Matapos ang
halos 10 taon ay noong Marso 28, 1995 ay binigyan kapahintulutan ng Obispo ang Dalahican upang maging isang
ganap na Parokya at tatawaging Parokya ni San Rafael kung saan masasakupan din nito ang dalawa pang karatig
na barangay ang Mayao Crossing at Talao-talao.
 Noong Setyembre 29, 1995 isinagawa ang Canonical Erectoion sa bagong parkoya sa pangunguna ni Obispo
Ruben Prufugo. Kasabay nito ay itinalaga din bilang unang lingkod pari si Fr. Pedro Obon habang si Fr Ramil
Esplana naman ay inilipat para maging Kopelana ng Sacred Hearth College noong Setyembre 25, 1995. Sa
pamumuno ni Fr. Obon bilang lingkod pari ng bagong parokya ay marami ang mga napasimulan tulad ng
pagkakaroon ng PPC, PCEA at MSK at ang pagtuon ng pansin sa katesismo at pagtuturo nito sa mga magaaral na
sakop ng parokya.
 Nagtalaga din siya ng mga coordinators sa bawat purok at barangay upang maging katuwang sa pagbuo ng MSK
habang hindi na niya binago ang naunang pamunuan ng mga lupon at ibat ibang asusasyon at ang mga ito ang
nakatuwang nya sa mga gawaing pamparokya. Nobyembre 22, 1995 ay isang malakas na bagyo (Rosing) ang
tumama sa probinsya ng Quezon pa na naging sanhi ng pagkasira ng ilang bahagi ng simbahan. Sa tulong ng mga
donors at sponsors ay napagawa at naipataas ang bagong simbahan ng parokya upang makaiwas at di basta
maabot ng baha. Matapos ang tatlong taong paglilingkod ay napalipat si Fr. Obon noong Hunyo 22,1998 sa
Parokya ni San Bueneventura sa Mauban, Quezon.

MGA PRIEST ADMINISTRATOR NG PAROKYA (1998-1999)

 Pansamantalang humalili kay Fr. Obon sina Fr. Wilson Divina, Fr. Erwin Aguilar, Msgr. Armando Perez at Fr.
Joseph T Estramera. Si Fr Padillo ang itinalagang priest moderator o ang pinahihintulutang pumirma sa mga
dukomentong parokyal. Matapos qng tatlong buwan ay sumunod naman si Fr. Rommel C. Limbo bilang priest
moderator at sumunod si Fr. Romeo L. Pavino na gumawa ng isang Team Ministry, “Lugaw mula sa Puso” noong
panahon ng simbang gabi na may layunin na makalikom ng pera para sa pagpapagawa ng bagong simbahan sa
Sta. Teresa, Purok 7, Dalahican

Sa Panahon ni Rev. Fr. Arnelo A. Galeon (1999-2003)

 Setyember 1999 ay itinalaga si Fr. Arnelo Galeon bilang ikalawang lingkod pari ng Parokya. Sa kanyang mga
Gawain ay nagging katuwang niya si Raul Gamitin na isang Parish Lay Worker. Siya ang naging katuwang ng
lingkod pari sa mga gawaing pang MSK ngunit hindi din nagtagal ay lumisan si Raul dahil sa personal na
kadahilanan.
 Pinagpatuloy at mas pinasigla ni Fr. Galeon ang mga Gawain at asosasyon na umiiral sa parokya. Kaalinsabay sa
mga gawaing parokya ay kaagad niyang pinasimulan ang pagpapagawa ng malaking simbahan sa purok 7, Sta.
Teresa sa Dalahican na lupang donasyon ng pamilya De Gala. Sama samang naglinis ang mga parokyano bilang
paghahanda sa konstruksyon. Habang isinasagawa ang malaking simbahan at nang matapos na ang bahagi ng
altar ay doon na isinagawa ang misa tuwing Linggo kung saan may misa tuwing 8:00 n.u at 4:00 n.h. at ang iba
pang gawaing pansimbahan. Nagkaroon ng ground Breaking Soil Test at pagbabaon ng “Time Capsule” na
nasaksihan ng PPC at ilang mananampalataya. Pansamantalang pumunta ng Stados Unidos si Fr. Arnel upang
mangalap ng pondo sa pagpapagawa ng simbahan. Sa kanyang pagbabalik ay sinimulan agad ang konstruksyon .
Kasabay nito ay ang pagdadaos ng ibat iba pang fundraising projects at nagkaroon din ng mga sponsors na
nagbigay ng tulong pinansyal at mga materyales upang matagumpay na matapos ang simbahan.
 Abril 22, 2001 ay isinagawa ang blessing ng Blessed Sacrament Chapel, Altar, Sacristy, Imahen ng Birhen ng
Fatima, Risen Christ na nasa altar noon, at ng Patrong San Rafael sa pangunguna ni Obispo Ruben Profugo. Sa
pananalita ng mahal na Obispo ay sinabi niyang “Salamat sa Diyos, may Simbahan na tayo” at ang katagang
iyon nga ang naging slogan ni Fr. Galeon hanggang matapos ang konstruksyon ng Simbahan ng Parokya.

Sa Panahon ni Rev Fr. Sergio Nadres (2003-2006)

 Marso 1, 2003, itinalaga si Rev.Fr. Sergio Nadres bilang ikatlong lingkod pari. Sa tulong ni Msgr. Oscar Leano na
Pastoral Director ng MSK noon ay ipinadala si Vicky Mitante, isang Diocesan Parish Lay Worker. Upang tumulong
sa pagbubuo ng Munting Sambayanang Kristyano kung saan ang Purok 6 ang kaunaunahang nagkaroon ng
buong MSK. Kasabay nito ay ang pormal na pagtatalaga ng mga pamunuan sa unang MSK ng Parokya.
 Sa Panahon Fr. Nadres ay nagsimula ang Dawn Procession tuwing unang Sabado ng buwan sa karangalan ng
mahal na Birhen. Nagdaraos dn ng Healing Mass tuwing Biyernes na itinakdang araw ng debosyon kay San Rafael
Archangel, nobena sa Ina ng Laging Saklolo tuwing Miyerkules at bihilya tuwing unang Biyernes ng buwan at iba
pang mga gawain na mas nagpasigla sa sambayanan ng Parokya. Sa tuwing dumarating ang kapistahan naman ay
nagtatalaga ng mga hermanos at hermanas na magiging katuwang sa kagastusan ng pista at mga hermanitas at
hermanitos para sa mga gawaing nauukol dito.
 Sa Kanyang termino ay kinatha din ang Himno ni San Rafael kung saan ginamit ito nang sumapit na ang
kapistahan ni San Rafael noong taong 2005. Nagkaroon na rin ng pagpapaintensyon sa mga namayapa tuwing
Undas at pamimigay ng regalo (Bundle Drive) tuwing kapaskuhan mula sa mga sponsors nito.
 Patuloy ang pagpapagawa ng kumbento sa pamamagitan ng pinahiram nap era ni Obispo Emilio Marquez upang
ito ay matapos at agad din naming nabayaran dahil sa mga fund raisings na ginawa ng simbahan. Dahil din sa
mga fundraisings ay naipagawa din ang opisina ng parokya, ang MSK Hall na gawa naman sa donasyon ng SM
Foundation. Nagpa-landscape din at nagpagawa ng grotto sa harap ng bahay-pari at napasemento din ang
harapan (pavement) ng simbahan sa tulong ni Mayor Ramon Talaga Jr. Nailagay din ang mga imahen sa bawat
haligi ng simbahan at pinalitan ang walong bintana ng mga imahen ng pitong Arkanghel at Reyna ng mga anghel
na gawa sa stained glass. Ang bawat pitak nito ay may isang pamilyang sponsor at bawat tabi ng mga ito ay
nilagyan ng imahen ng Daan ng Krus na inukit sa Paete sa pamamagitan ng pagkuha muli ng mga sponsors.
Naglagay ng malalaking tangke ng tubig mula rin sa kagandahang loob ng nagdonasyon nito. Nagpagawa ng
bakod at kumuha rin ng mga sponsors ng bawat letra na yari sa stainless steel para sa pangalan ng parokya na
makikita hanggang sa kasalukuyan.
 Nagtalaga ang Obispo ng panibagong lingkod pari matapos kailanganing magpagamot ni Fr. Nadres ng kanyang
mata sa Estados Unidos noong Pebrero 12, 2006.
Sa Panahon ni Rev. Fr. Librado Burgos (2006-2009)

 Noong Pebrero 12, 2006, itinalaga ng mahal na Obispo si Fr. Librado Burgos bilang ika apat na lingkod pari ng
Parokya. Sa kanyang panunungkulan ay pinagtuunan niya ng pansin ang pagbubuo ng MSK katuwang ang PPC,
ST. MSK at Parish Lay Worker ng simbahan na sina Jayfred Rabe at Gladys Rueda na sumailalim sa pagsasanay
bilang Diocesan Hubog Lingkod at Pangkat Misyon pastoral ng munting sambayanang kristyano. Sa pagbibitiw ni
Gladys Rueda ay humalili naman sakanya si Jayson Burce na naging katuwang ng pari sa pagpunta at pagtuturo
sa binubuong MSK. Matagumpay silang nakabuo ng anim na msk sa ibat ibang purok: Mga MSK sa Purok 1A,
Purok 3B, Purok 4, Purok 7, Talao-talao at purok 1B.
 Nagpatuloy din ang mga naunang gawain tulad ng maramihang binyagan, kumpilan, kasalan at First Communion.
Nagkaroon dn ng medical at dental mission kung saan namigay ng libreng gamut at pagbibigay ng bundle drive o
regalo para sa mga mahihirap dahil sa nagdaang kalamidad at tuwing kapaskuhan.
 Taong 2006 ay nagkaroon ng Lakbay Misa sa lahat ng sulok ng parokya kung saan itinuro ang tatlong Ts- Time,
Talent, Treasure at bunga nito ay nailunsad ang “Balik Handog sa Diyos”, isang stewardship program ng parokya
kung saan ito ang naging daan upang mapunan ang ilang kagastusan sa pagsasaayos ng simbahan at pastoral na
gawain noon. Naghikayat din na magbigay ng piso ang bawat miyembro ng pamilya na iipunin sa mga palayok na
ipapamahagi sa mga ito at isusulit minsan sa isang Linggo.
 Taong 2008 ay pinalitan ang imahen ng pagkabuhay sa altar ng Crucified Christ alinsunod sa derektiba ng bagong
Santo Papa noon na si Pope Benedict XVI. Ang bagong Krusepiho ay donasyon ng tatlong hermanos at hermanas
ng fiesta 2008.

Sa Panahon ni Rev. Fr. Crizaldy Maano (2009-2012)

 Noong Pebrero 12, 2009 itinalaga si Fr Crizaldy Maano no Obispo Marquez bilang ika-limang lingkod pari ng
parokya.
 Ipinagpatuloy nya ang mga Misa sa MSK na sinimulan ng naunang pari ngunit inalis niya ang Misa de Gallo
tuwing ika 4:00ng mdaling araw sa kadahilanang malimit magkaroon ng aguluhan ang mga kabataang
nagsisimba sa halip ay inilipat nya sa ika 8:00 ng gabi (Simbang Gabi) mas maging ligtas para sa mga
maninimba.
 Sa derektiba ni Obispo Marquez ay pumayag siya sa mga misyunerong pari na sina Fr. Martin Mroz, Fr. Stefan
Bulai at Fr. Joseph Vancu na makapag misyon sa Talao talao at magdaos ng banalna misa tuwing hapon.
 Sa kanyang panunungkulan ay pinaganda nya ang Santuwaryo at sa tulong ng mga sponsors ay nailagay ang
napakagndang retablo sa altar at mga imahen ng ibat ibang Santo. Naglagay din ng Grills sa ilalim ng simbahan
upang maging pribado ito sa tuwing may idaraos na aktibidad at upang mapangalagaan ang mga kagamitan
doon. Ipinasemento din niya angharapan ng rector at tagiliran nito. Bumili rin ng bagong sound system at sa
tulong dmn ng mga sponsors ay napagawa ang opisina parokyal na mas malapit sa bahay pari.
 Noong Marso 1, 2012 ay napalipat si Fr. Maano sa St. Bueneventure Parish sa Mauban Quezon.

Sa Panahon ni Msgr. Romel Ansay (Marso 2012-Oktubre 2012)

 Itinalaga si Msgr. Romel Ansay bilang parish administrator noong Oktubre 31, 2012 ni Msgr. Leandro Castro,
Vicar General, upang pansamantalang mamahala sa parokya (priest administrator) habang hinihintay pa ang
hihirangin ni Obispo Marquez na maging bagong lingkod- pari ng parokya.
 Ipinagpatuloy niya ang mga Misa sa mga MSK sa bawat purok, at pinangunahan niya ang pagdiriwang ng Easter
Triduum.
 Nagdaos siya ng maramihang pagbi1binyag at first Communion ng mga bata at mga matatanda na hindi pa
nakakatanggap nito nang walang kaukulang bayad o arancel.
 Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng Prusisyon ng Corpus Christi at nagpatahi ng canopy para sa
dito. Pinag-ibayo niya ang Katesismo sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan na malimit pumunta sa
parokya, ganun din ng pagtuturo sa mga mag asawahan ng Responsible Parenthood at Natural Family Planning.
 Ilang buwan ang lumipas ay dumating naman si Fr. Rico Paril mula Estados Unidos at siya ay itinalaga bilang
assistant parish administrator at noong Nobyembre1, 2012 ay ibinalik na si Msgr Ansay sa kanyang opisyo bilang
kansilyer ng Diocesis.

Sa Panahon ni Fr. Rico S. Paril (2012-2015)

 Noong Nobyembre 1, 2012 itinalaga si Fr. Rico Paril ni Obispo Emilio Marquez bilang ika-anim na lingkod pari ng
parokya.
 Sa pagsisimula ng kaniyang panunungkulan ay isinagawa niya ang ikalawang pormal na eleksyon ng pamunuan
ng PPC, ST-MSK at PCEA.
 Nadagdagan pa ang mga Misa sa bawat purok. Nagkaroon din ng Misang MSK tuwing unang araw ng Martes
bawat buwan sa Spillway, Talao-talao at nadagdagan din ng isa pang MSK sa Domoklong, ang San Miguel
Arkanghel. Nagkaroon ng pagbabasbas at pagoabaon ng mga dokumento sa pagtatayuan ng kapilya ni San
Miguel sa kanilang lugar.
 Nagkaroon din ng mga fundraising tulad “Forty-four for the Poor” na kung saan ilang mahihirap na pamilya ang
natulungang maitayo muli ang nagibang bahay sanhi ng bagyong Glenda. Tinulungan din niya ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpapakain at pamamahagi ng mga bigas, de lata, damit at iba pang kagamitan.
 Nakapagdaos din ng mass wedding para sa 54 na pares na ini-sponsor ni Mayor Roderick Alcala. nagbigay din ng
groceries sa mga mahihirap sa pamamagitan ng sponsors. Namahagi ng mga gamit Sa eskwelanan, lalo na Sa
mga mahihirap sa tulong ng mga nakuhang Sponsors ng Parokya.
 Nagkaroon din ng Diocesan Choral Competitionng Pan de Vida at Awit ng Pananampalataya Natin kung saan
nakamit ng Parokya ang unang Puwesto sa tulong ni trainor Gigi Galang.
 Naging masigla rin ang kapistahan ng Santo Patron dahil sa ibat ibang gawain bawat araw bago sumapit ang
kapistahan.
 Dahil sa malakas na bagyong nagdaan ay ipinaayos ni Fr. Paril ang ilang bahagi nito na naapektuhan ng
kalamidad. Pinalagyan nya ng kutson ang mga luhuran at pinalagyan niya ng daan ng wheel chair sa unaha ng
simbahan at hawakan para sa mga matatandang maninimba.
 Dahil sa general reshuffle ng kaparian sa diocesis ay nalipat si Fr. Paril noong Marso 20, 2015 sa Holy Cross
Parish, Agdangan Quezon.

Sa Panahon ni Rev. Fr. Alexander D. Oracion (2015 – June 2021)

 Pebrero20,2015 ay itinalaga ni Obispo Emilio Marquez (ngayon ay Obispo Emerito ng Diocesis).


 Sa kanyang panunungkulan ay mas pinasigla pa niya ang MSK. Ang dating 18 MSK na namimisahan ay naging 24
at sa tuwing sumasapit ang simbang gabi ay naging 14 MSK na ang namimisahan na dati ay apat lamang kung
kayat humingi siya ng tulong sa ibang mga pari para mamisahan ang lahat ng purok na iyon.
 Nagkaroon ng Parish Renewal Experience with Christ (PREX)
 Pinayabong ang nasimulang Friends of St. Raphael na naging stewardship program ng parokya.
 Nagsagawa rin ng Lakbay San Rafael na mas nagpatingkad ng pamimintuho sa Patron.
 Tuwing kapistahan ay nagkakaroon ng ibat ibang gawain at isa na dito ang KARAKOL na nakaugalian ng gawin
tuwing Kapistahan at isinasabay dito ang Fluvial Parade kung saan binabasbasan ang mga barko, bangka at
mismong karagatan.
 Nagsagawa sya ng paghihirang sa bagong pamunuan ng PPC at Eleksyon ng ST-MSK noong 2018.
 Setyembre 8, 2019 ay inilunsad ang programa ng Diocesis na “Kapitbahayang Kristyanong Katiwala”o K3 sa
derektiba ng bagong Obispo Mel Rey Uy.
 Bilang paghahanda sa ika-25 na anibersaryo ng canonical erection ng parokya, naglungsad ang PCEA, PPC at MSK
ng malaking fundraising para sa pagtatalaga ng simbahan kagaya ng "Light a Candle for Christ, "Dinner for A
Cause on the occasion of 44th Birthday of Fr. Alex Tulong Ko sa Parokya Ko" at "Friends of St. Raphael."
 Ang simbahan pinahaba ng limang metro sa pagtugon sa hapon ng dating obispo. Pormal na pinasimulan ito sa
pamamagitan ng isang ceremony sa pagbabaon ng time capstule na sinaksihan ng mga nanunungkulan sa
simbahan at ng buong sambayanan. Unang ginawa ang disenyo ng unahan ng naginuhit ni Arch. Fourth
Diamante noong June 2017, ginawa itong animo ay korteng isda. Idinugtong din ito sa belfry ng simbahan.
Natapos itong gawin makalipas ang isang taon. Pinalitan din ang lahat ng mga bintana na nasa loob. Pinalitan rin
ang mga tiles at ginawa itong granite. Nagkaroon na din ng choir loft, Adoration Chapel at Baptistry. Nilagyan na
rin ng monitors at isinaayos ang bakod ng simbahan at nilagyan ng desenyong animo ay alon.
 Nagkaroondin ng magarbong Flores de Mayo at isa na dito ang “Floresde Mayo 18” kung saan may mga
dumalopang artistatulad nina JC de Vera, Erich Gonzales at Alex Gonzaga.
 MArami pa sanang actibidad ang isasagawa ngunit nagkaroon ng pandemmik na nakaapekto sa takbo ng mga
gawain pansimbahan at naglimita samga ito. Sa unag mga buwan ay sa online ginaganap ang mga Misa, Nobena
at Rosaryo ngunit makalipas ang ilang buwan ay lumuwag na muli atpinayagan nangakapagsimba ang
50%ngkapasidad ng simbahan. Kalaip nito ay ang pagsunod sa mga ipinapatupad.
 Sa Kapistahan 2020 ay ilang gawain lamang ang isinagawa tulad ng Ventenaryo, Motorcade kay San Rafael
kasama ang mga Patron ng ibat ibang MSK noong Oktubre 21, Assembliya ng Friends of St.Raphael noong
Oktubre 22 at Oktubre 23 naman ay ang Counting and Awarding of Winners ng K3, Amazing Family.
 Patuloy ang online Mass tuwing 4:00 n.u
 Abril 16, 2021 ay isinagawa ang solemnang Dedikasyon ng Simbahan at altar.
s

You might also like