You are on page 1of 4

Ang Kasaysayan ng Karuhatan

At ng Kanyang Parokya

N agsimula ang kasaysayan ng Baryo Karuhatan noong Nobyembre 12, 1623 nang
ang Sitio Polo ay opisyal ng ihiniwalay sa Pueblo Catanghalan. Sa pamumuno ng paring
Pransiskano na si Padre Juan de Taranco at ni Don Juan Monsod ay sinimulan ang pagtatayo
ng Simbahan sa Sitio Polo - isang lugar na napapalibutan ng tubig o isang pulo. Si Padre Juan
de Taranco ang tumatayong Kura Paroko at si Don Juan Monsod naman ang Cabeza de
Barangay Taong 1627 ng mapalitan si Padre Taranco ni Padre Jose de Valencia sa
pamamagitan ng Batas na Polo y Servicio at sa pamumuno ni G. Juan Tibay ang mga indio
(taguri sa mga katutubo) ay pinagtrabaho at pinatulong sa paggawa ng simbahan. Noong 1632
tumayo na ang kampanaryo at natapos na ang simbahan. Kung kaya ipinag-utos na ng Kura
ang Empadronamiento o Census sa buong nasasakupan ng Pueblo de Polo. Ang Sitio
Caduhatan na nung lumaon ay naging Karuhatan ay isa sa mga naitala na nasasakop ng Polo
kung saan may mga naninirahan na sampung pamilyang mga magsasaka.

Noong taong 1762 at sa kasagsagan ng Seven Years War, ang Manila ay sinakop ng
mga Briton. Umatras si Gobernador Heneral Simeon Salazar Anda sa Bulacan, sinundan ang
gobernador ng mga Briton. Sa Sitio Mabolo sila pansamantalng nagtayo ng himpilan at
kanilang ginalugad ang mga sitio ng Malinta, Caduhatan, Dalandanan, Rincon, Malanday. Dahil
dito natakot ang mga katutubo kung kaya marami ang lumikas sa mga look na sitio ng Viente
Reales, Pugadbaboy at Maugong. Nang matapos na ang digmaan ay nagsibalik na ang mga
lumikas sa kanilang mga sitio. Taong 1856 nang ang Sitio Novaliches ay humiwalay na sa Polo
at habang lumiliit ang nasasakop ng Polo ay umuunlad naman ang pananampalataya.
Nagsimula na ang Kura Paroko sa pag lalagay ng mga visita o kapilya sa mga sitio.

Taon 1898 nang sumiklab ang hidwaan sa pagitan ng Espanya at Amerika na nauwi sa
digmaan. Ang Pilipinas ay isa sa naapektuhan nito, subalit sa pananampalataya naman ay
lalong lumalalim ang mga taga Caduhatan. Bagamat maraming kaabalahan sa usapin ng
kalayaan at rebolusyon ang mga taga Caduhatan ay nanatiling nananampalataya at lalo nilang
pinagbuti at pinaunlad ang mga tradisyon na kanilang kinamulatan tulad ng pagtataluke - isang
sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa mga bukirin at palayan. Ito ay ginagawa tuwing
buwan ng Oktubre bilang pasasalamat sa masaganang ani. Ang mga kilalang angkan na
namumuno dito ay ang mga magkakapatid na sina Cayetano Reyes, Jacinta Reyes-Tadeo at
Dencia Reyes-Guillermo at maging ang mga pamilya nina Apolonio Padrinao at Santos
Esteban. Kalaunan ang pagtataluke ay tinawag na Piyestang Bukid sa Baryo Karuhatan. Ang
iba naman ay namamanata sa Mahal na Sr. Sto. Kristo - isang imahen ng Banal na Krus tulad
ng mga angkan ni Gervacio Francisco, Ambrosio Pablo, Venancio Lopez. Lorenzo Doon,
Honorato de la Cruz,

Noong Hulyo 21, 1960, pinirmahan ni Pangulong Carlos P. Garcia ang Executive Order
No. 401 kautusan na naghahati sa dalawa sa Polo at Valenzuela: Ang Polo ay binubuo ng mga
nasa hilagang baryo mula sa Wawang Pulo, Poblacion, Palasan, Arkong Bato, Pariancillo Villa,
Balangkas, Mabolo, Coloong, Malanday, Bisig, Tagalag, Rincon, Pasolo, Punturin, Bignay,
Viente Reales, at Dalandanan. Sa kabilang banda, ang Valenzuela ay binubuo ng mga
katimugang barangay ng Karuhatan, Marulas, Malinta, Ugong, Mapulang Lupa, Canumay,
Maysan, Parada, Paso de Blas, Bagbaguin at Torres Bugallón (ngayon Gen. T. de Leon).
Matapos ang dalawang taon, si Bulacan Second District Representative ng Fifth Congress
Rogaciano Mercado at Senador Francisco Soc Rodrigo ay naghain ng panukalang batas na
naghangad na muling pagsamahin ang dalawang bayan.

Ang simbahan ng San Diego de Alcala sa Polo, Bulacan, na itinayo ng mga


Pransiskano noong 1629, ay masyado nang malayo para sa mga tao ng Valenzuela. Karamihan
sa taga Valenzuela ay nakaramdam ng pangangailangan ng isang simbahan na maaaring
tawagin na kanilang sarili. Dahil dito ay bumuo ng isang bagong parokya ang Arsobispo ng
Manila na si Rufino Cardinal Santos. Itinatag noong Marso 7, 1961 ang isang bagong parokya
sa Valenzuela at hinirang si Reberendo Padre Espiritu D. Izon bilang unang pari ng parokya
nito. Madaling sumang-ayon si Cardinal Santos sa mungkahi ni Fr. Izon na ang bagong parokya
ay ilalagay sa ilalim ng pagtataguyod ng Our Lady of Fatima. Hindi niya alam na ang institusyon
ng bagong parokya ay magiging pinagmumulan ng debosyon kay Maria sa bayan at kalaunan
sa bansa.

Noong ika-11 ng Setyembre, 1963, pinirmahan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang


Executive Order No. 46 na muling pinagsasama ang Polo at Valenzuela , na nag-aatas na
Valenzuela ang ipangalan dito bilang pagkilala sa natatanging anak nito na si Dr. Pio A.
Valenzuela.

Noong 1967, ang alkalde na si Ignacio Santiago, Sr ay bumili ng ari-arian sa Karuhatan


kung saan ang bagong munisipyo ay itatayo at ito ay sa lupain na pag-aari ni Ginoong Cecilio J.
Santos.

Dahil sa pangangailangan na makapagtayo ng simbahan, hiningi na ni Padre Espiritu D.


Izon ang tulong ng mga parokyano at nagpunta sa iba't ibang lugar upang makakita ng angkop
na lugar kung saan maaaring itayo ang simbahan. Salamat sa kabaitan ng mga anak ni Don
Emeterio Barcelon na nagbigay ng bahagi ng kanilang lupa na nasa pinakamataas na bahagi
ng Pag-asa I Subdivision. Ang Barcelon Family ay nagbigay ng 3,000 square meters na lote.

Noong Disyembre 11, 1982, ginanap ang maringal na pagbabasbas sa bagong gawang
simbahan na itinayo sa lupang pag-aari nga ni Don Emeterio Barcelon. Ang seremonya ay
pinamunuan ni Apostolic Nuncio sa Pilipinas, na si Arsobispo Bruno Torpigliani, bilang punong
tagapamahala, samantalang si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang pangunahing
tagapagdiwang ng Banal na Misa. Labindalawang mga arsobispo at obispo mula sa iba't ibang
bahagi ng bansa ang mga consecrators ng 12 crosses. Sa okasyon na ito ay pinarangalan ang
mga pagsisikap ni Msgr. Espiritu D. Izon, mga parokyano, mga deboto, at mga tagapagtaguyod
sapagkat pagkatapos ng mga taon ng pagpaplano at pangangalap ng pondo natupad na at
natapos ang Simbahan.

Sa patuloy na pag-unlad at paglaki ng populasyon ay nagkaroon naman ng


pangangailangan ang mga mananampalataya. Ang Marulas ay nagkaroon ng bagong parokya,
na sinundan ng Hen. Tiburcio de Leon, at sumunod naman ang Malinta, Maysan, at Ugong.
Tanging ang Karuhatan na lamang ang walang sariling parokya.

Sa loob ng mahabang panahon, isang istrukturang yari sa kahoy at yero ang nagsilbing
bahay-dalanginan ng maraming taga Karuhatan. Sa loob ng halos isang siglo, dito patuloy na
nag-alay ng mga Banal na Misa at mga nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Poong Sto.
Kristo (Mayo 9 ) at Mahal na Birhen ng Sto. Rosaryo (Oktubre 27). Ang mga nasabing mga
petsa ang itinakda bilang mga kapistahan ng baryo.

Ang Quasi-Parish of the Holy Family ay ipinanganak noong ika-15 ng Hunyo 1997. Ang
kauna-unahang Priest-In-Charge na inilagay ng Lubhang Kgg. Rolando J. Tria Tirona D.D.,
O.C.D. ay si Reb. P. Cenon Dennis G. Santos. Salamat sa Simbayanihan (Bayanihan Para sa
Simbahan) - ang mga mananampalataya ay nagtulung-tulong upang masimulan ang pagtatayo
ng simbahan. Pinangunahan ni Obispo Tirona ang “Groundbreaking” noong Disyembre 27,
1998 at inilagay naman ang panulukang-bato noong Mayo 9, 2002. Ang aktuwal na
pagpapagawa ay sinimulan noong ika - 1 ng Oktubre 2003. Si Obispo Cirilo Almario naman ang
nagbuhos ng semento at nagbasbas ng “Two Pillars” noong Oktubre 26, 2003. Noong ika - 8 ng
Mayo 2009, ginanap ang Solemn Consecration of the Church of the Holy Family sa
pangunguna ni Obispo Jose F. Oliveros.

Noong Hulyo 2011, dumating ang ikalawang Kura Paroko ng Parokya ng Banal na Mag-
anak sa katauhan ni Reb. P. Leon Coronel. Matapos ang isang taong pananatili at pamumuno
ay dumating noong Hulyo 2012 ang ikatlo at kasalukuyang Kura Paroko na si Reb. P. Samuel
M. Sunga. Matapos ang pag-aaral kasama ang mga mananampalataya ng parokya ay
napagpasyahang magkaroon ng tatlong kapistahan sa bawat taon - Kapistahan ni San Jose,
ang Manggagawa tuwing ika - 1 ng Mayo; Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosaryo
tuwing huling Linggo ng Oktubre at Kapistahan ng Banal na Mag-anak na ipinagdiriwang sa
araw ng Linggo matapos ang araw ng Pasko. Sa kasalukuyan ay nadagdag ang isa pang
kapistahan tuwing buwan ng Enero - ang Kapistahan ng Sto. Niño.
Misyon
ng
Parokya ng Banal na Mag-anak

Kami, Ang mga lingkod-lider ng Parokya ng Banal


na Mag-anak ay naglalayong patuloy na mahubog ang
mga sarili upang paunlarin ang mga pamilya para
mabuklod bilang sambayanan ng Diyos tungo sa
matatag na pananampalataya, Buhay-Kabanalan at
sama-samang paglilingkod, kaisa ang Panginoong
Hesukristo, kasama si San Jose at Mahal na Birheng
Maria upang matamasa ang buhay na ganap at
kaharian ng Diyos, Amen.

You might also like