You are on page 1of 26

Ang IEMELIF

Ayon sa mayaman at nakakahamong kasaysayan ng


bansang Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang
mapailalim sa kapangyarihan at pamamahala ng
mga kastila sa loob ng halos 400 taon (1521-1898).
Sa panahon ng pananakop ng Espanya,
pinalaganap nila ang pananampalatayang Romano
Katoliko.  Dumating din ang panahon na nasakop
muli ang bansang Pilipinas. Ang mga Amerikano
naman ang sumakop sa mga Pilipino. Dala–dala
nila ang pananampalatayang Ebangheliko Kristiano
o Protestantismo, kabilang dito ang Metodismo.
Mabilis na lumaganap ang
Protestantismo dahil sa mga
misyonerong isinugo ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Sa
paglaganap ng Ebanghelikong
Kristiano, si Pastor Nicolas
Villegas Zamora ang unang
Pilipino na naging ordinadong
pastor ng Iglesia Metodista
Episcopal.
Sa diwa ng nasyonalismo at pagsasarili,
si Pastor Nicolas V. Zamora, kasama ng
grupong Ang Katotohanan ay nagpasyang
humiwalay sa Iglesia Metodista Episcopal.
Sumibol sa kanilang mga puso ang adhikaing
maitatag ang IEMELIF—ang Iglesiang
tumutustos, namamahala, at nagpapalaganap
(self-sustaining, self-governing, and self-
propagating) sa pamamagitan ng sariling
pamamaraan at hindi umaasa sa mga
dayuhan.
 
 
Ang IGLESIA EVANGELICA
METODISTA EN LAS ISLAS
FILIPINAS ay naitatag noong
Pebrero 28, 1909 at patuloy na
lumaganap sa ilalim ng paglingap at
patnubay ng Diyos.
Purihin ang Panginoon!
Mula noon hanggang ngayon, ginabayan tayo ng ating
Panginoon at pinagkalooban ng mga lingkod Niya na naging
mga haligi na nagmahal at nagpatatag sa ating lahat bilang
isang Iglesia…

ANG MGA SUPERINTENDENTE HENERAL NG IEMELIF


Obispo Nicolas Villegas Zamora
Unang Superintendente Heneral
(1909-1914)
Obispo Alejandro Reyes
Ikalawang Superintendente Heneral
(1914-1921)
Obispo Victoriano Mariano
Ikatlong Superintendente Heneral
(1921-1926)
Obispo Francisco Gregorio
Ika-apat na Superintendente Heneral
(1926-1939)
Obispo Matias B. Valdez
Ikalimang Superintendente Heneral
(1939-1947)
Obispo Eusebio Tech
Ika-anim na Superintendente Heneral
(1947-1952)
Obispo Marcelino C. Gutierres
Ikapitong Superintendente Heneral
(1952-1953)
Obispo Lazaro G. Trinidad
Ikawalong Superintendente Heneral
(1953-1972)
Obispo Geronimo P. Maducdoc
Ikasiyam na Superintendente Heneral
(1972-1980)
Obispo George F. Castro
Ikasampung Superintendente Heneral
(1980-2000)
Obispo Nathanael P. Lazaro
Ikalabing-isang Superintendente Heneral
(2000-2016)
Obispo Noel M. Abiog
Ikalabing-dalawang Superintendente Heneral
(2016 - Kasalukuyan)
Sa patnubay ng ating
Panginoon at sa gabay ng
ating mga pinuno ay
naipapatupad at patuloy
nating napagbubuti ang mga
programang ating inihanda
upang mas marami tayong
maabot at mabahagingan ng
mabuting balita ng kaligtasan
at mailapit sila sa ating
Panginoon.
Sa gitna ng maraming mga
pagsubok ay hindi tayo
pinagkukulang o pinapabayaan
ng ating Panginoon
Kaya sa ating pagdiriwang
ngayon ng ating ika-111 taon ng
pagkakatatag...
“SAMA-SAMA TAYONG
MAGLAKBAY NG MAY
HIGIT PANG
PAGMAMAHAL SA DIOS AT
PAMUMUHAY SA
EBANGHELIO”
Upang maging gabay natin sa atin
sama-samang paglalakbay at
nagkakaisang marating ang
“Missio Dei” (Misyon ng Diyos),
binuo natin ang lalakaran nating
mga Layunin at Adhikain bilang
isang Iglesia at ito ay nakapaloob sa
mga programa ng ating mga
Kagawaran at ibat-ibang
mahahalagang mga sangay ng ating
pamunuan ng ating Iglesia.
2020-2030
Master Plan
Itinatagubilin ng ating Disiplina sa
Corporate Planning Staff (CPS) ang
paghahanda ng Master Plan ng
Iglesya–sa presentasyong short-
term, mid-term at long-term. Sa
pangunguna ng ating dating
Sekretaryo Heneral, Reb Jonah C.
Caballes, matagumpay na naihanda
ng CPS ang framework ng 10-year
Master Plan (2020-2030).
Sa biyaya at gabay ng ating Panginoon,
naisagawa ang konsultasyon sa
congregational, District at National
levels sa pagbuo ng ating Master Plan.
Ang “organizing principle” ng ating
Master Plan ay ang “missio Dei” o ang
misyon ng Diyos, at may Focused and
Aligned emphasis sa paggawa ng
disipulo ng Panginoong Jesus sa
pamamagitan ng ating IEMELIF
Discipleship Journey.
Together, Let us Journey in
the Mission of God!

You might also like