You are on page 1of 45

ANG KASAYSAYAN

NG IGLESIA UNIDA
EKYUMENIKAL
Ang Iglesya Unida Ekyumenikal ay
nakaugat sa kasaysayan ng Iglesya
Ebanghelika sa Pilipinas. Dahil ang
ating pinagmulang Iglesia
Evangelica Unida de Cristo ay
bunga ng mga Filipino Evangelico
Cristiano na nagnanais ng
pagkakaroon ng isang iglesyang
may kalayaang magpasya sa sarili
at malayang maipahayag ang
kanilang pananampalataya.
Ang Iglesia
Evangelica Unida
De Cristo
Ang pagiging makabayan ay hindi
nawawala sa puso ng mga Pilipino
kahit na sila ay nasakop ng mga
dayuhan. Ang paghahangad na
maging malaya ay tumatagos
maging sa kanilang
pananampalataya.
Ang mga sumusunod ay ang
kronolohiyang paglalahad ng
pagkakatatag ng IEUDC
1925 - maraming mga iglesia na
pinangungunahan ng mga Pilipino
ang nagkaisang magsama-sama
tungo sa pagiging isang Iglesia.
Sinimulan ito sa pagbubuo ng Liga
de los Ministros Evangelicos at
Confederacion de los Iglesias
Evangelicas.
Nobyembre 10, 1930 - ginanap
ang isang pagpupulong ng mga
lider ng Simbahang Evangelico na
nagsasarili sa pangunguna ng mga
layko at pastor ng Iglesia de los
Cristianos Filipinos na sina Don
Toribio Teodoro, Atty. Prudencio
Remigio at Rev. Gil Domingo.
1932 - Inanyayahan ang labintatlong
(13) nagsasariling mga iglesia, subalit
anim (6) lamang sa mga iglesiang
nakipagpulong ang naghayag ng
kanilang buong pusong pagkakaisa na
maitatag ang isang nagsasarili at
makabayang kalipunan ng mga
Filipinong mananampalataya. Ang mga
Iglesiang ito ay :
• Iglesia Evangelica de los Cristianos
Filipinos
• Iglesia Evangelica Cristiana Trinitaria
• Iglesia Evangelica Metodista Reformada
• Iglesia Evangelica de Atlag
• Iglesia Universal
• Iglesia ng Dios sa Ibabaw ng Bato
Oktubre 4, 1931 - Idinaos ng anim na
nagkakaisang iglesia ang pananambahan
sa Iglesia Evangelica de Atlag, sa
Malolos, Bulacan. Isinunod ang pulong
sa pagpili ng pangalan. Ang bawat isa ay
nagsulat bilang mungkahi subalit
natagpuan na anim na iba’t-ibang
pangalan ang ibinigay.
Dahil dito, iminungkahi ni Ob.
Mariano na gawin ang pagpili sa
pamamagitan ng panalangin at
pelotilya. Sa paraang ito. Ang
nabunot na pangalan na siyang
“iniibig ng Panginoon” ay, “Iglesia
Evangelica de Pilipinas.”
Subalit mayroon itong kapangalan
na nauna ng nagpatala. Hanggang sa
mabuo at mapatala sa SEC bilang
5477 ang pangalang IGLESIA
EVANGELICA UNIDA DE CRISTO
(IEUDC) noong Pebrero 6, 1932.
Nobyembre 26, 1952 - naitatag ang
isang Federacion ng mga simbahang
Evangelico sa Pilipinas kung saan ang
IEUDC ay “founding member”. Sa
ngayon, ang nasabing federacion ay
nakikilala sa pangalang National Council
of Churches in the Philippines (NCCP),
Sangguniang Pambansa ng mga
Simbahan sa Pilipinas.
Mayo 1994 - pinagpasyahan ng
asembleya ng IEUDC na talikuran ang
prinsipyo ng pakikipagkaisa sa
pamamagitan ng pagkalas bilang kaanib
ng NCCP. Ang mga delegado noon mula
sa San Pablo, Templo Central, Malabag,
Bacoor at Sta. Rosa at iba pang mga
delegado ay magalang na nagpaalam sa
pangulo ng asembleya
na sila’y hindi sasaksi at sasali sa pagpapasya
ng pagkalas sa NCCP sa kadahilanang “ang
isang kasaysayan ay di dapat
pinagbobotohan, kundi ito’y iginagalang at
pinagyayaman.” (Ito ang naging pahayag ni
Atty. Raoul V. Victorino, na ngayo’y retired
Justice ng Sandigang Bayan, may atang na
Predicador at pangulo ng Iglesia Unida
Ekyumenikal) kaya’t sila’y lumabas sa
kapulungan sa oras ng pagbobotohan.
Mayo 1995 - pinagpasyahan ng
pamunuan ng IEUDC sa panahon ng
kanilang asembleya ang pagtanggal sa
mga pastor na pinag-aral sa Union
Theological Seminary (UTS) sa talaan ng
mga manggagawa ng IEUDC kaalinsabay
ng pagbawi sa lahat ng responsibilidad,
benepisyo at pananagutan ng IEUDC sa
mga Pastor at Diakonisa na tinanggal,
kasabay din nito ang pagtatagubilin
sa lahat na huwag papasukin sa
simbahan at patayuin sa pulpito.
Hindi naging katanggap-tanggap ang
kapasyahang ito ng IEUDC sa
kapatiran ng San Pablo, Malabag at
Templo Central.
IGLESIA UNIDA
EKYUMENIKAL
Hulyo 14, 1995 - nagpatala ang
kapatiran ng San Pablo City sa
Securities and Exchange
Commission (SEC) bilang bagong
Iglesia sa pangalang Iglesia Unida
Ekyumenikal. Pinangunahan ito nina
Rev. Arnedo B. Bicomong at Atty.
Ildefonso Malveda, na may buong
sa pangunguna ni Kapatid
Cresenciano A. Guevarra. Ang
pagpapatala ay pinagtibay ng SEC
noong Hulyo 20, 1995 sa bisa ng SEC
Reg No. ANO95-02700. Ang
kapasyahang ito ng kapatiran ng San
Pablo City ay kinilala at tinangkilik
ng kapatiran ng Malabag at Templo
Central, na ngayon ay nakikilala sa
pangalang Bishop Moises F. Buzon
Memorial Church (BMFBMC).
Pinagtibay at tinaglay ng IUE ang
prinsipyo ng pagsasarili, pagkakaisa at
pakikiisa. Ipinagtanggol at ipinaglaban
ng mga naging pamunuan ang
integridad ng kanyang layunin maging
ang pagtatangka ng IEUDC na agawin
ang mga lupa at templo na ipinundar ng
ating mga ninuno.
Mayo 18, 1996 - ginanap ang Unang
Kapulungang Pangkalahatan
(General Assembly) ng IUE at
Halalan para sa bubuo ng Lupong
Patnugutan. Ang mga nahalal sa
pamunuan:
Pangulo ng IUE at Lupong Patnugutan:
Pred. Justice Raoul V. Victorino
Pangalawang Pangulo:
Rev. Emmanuel H. Infante
Secratario General:
Rev. Kenneth V. Aguilera
Tresorero General:
Kap. Priscilla H. Valenzuela
Tagasuri: Kap. Emily M. Tanquintic
Honorary Member: Justice Marina L. Buzon
Binuo rin ang estratehiya ng paraan
ng pagmimisyon at pagpapalawak ng
iglesia. Tinanggap ang kapatiran ng
Caromatig (Bicol) at San Andres
Putik, na ngayo’y nakikilala sa
pangalang Rev. Jeremias P. Reyes
Memorial Church (Mindoro) bilang
mga bagong kaanib ng IUE.
Buong sikap na ipinagpatuloy ang
gawain ng pagmimisyon. Hindi
nagtagal, sa tulong at patnubay ng
Panginoon ay natatag ang iglesia sa
Butocan, Toledo, Alcate, Golden City
ngayon ay Imus, Santiago 2,
Caloocan, Tanay, Bucayao.
PROGRAMA NG
IGLESIA UNIDA
EKYUMENIKAL
Ang Iglesya bilang Katawan ni Cristo ay
pinagkatiwalaan ng Diyos upang
pamahalaan, pangalagaan, at
pagyamanin ang kasaysayan, ang
kasalukuyan, at ang hinaharap ng buong
kapatiran. Kaya naman, itinayo ang apat
na programa ng iglesya na sasaklaw
buhay at gampanin nito sa ikatatatag ng
mga pundasyon at haligi (mga
kapisanan) ng iglesya. Ito ay ang
Edukasyong Kristiyana, Misyon at
Ebanghelisasyon, Pagkakatiwalang
Kristiyano, at Pakikipag-ugnayang
Ekyumenikal.
Edukasyong Kristiyana
(Christian Education)
Ang Edukasyong Kristiyana ay ang lupon
na pinakamahalaga sa buhay ng Iglesya.
Ito ay ang puso ng iglesya. Ito ang may
tungkulin upang mangalaga sa buhay
espiritwal, sosyal, moral, intelektwal, at
iba pang aspeto sa tumutukoy sa paglago
ng buong iglesya.
Edukasyong Kristiyana
(Christian Education)
Ang Christian Education rin ang
gumagabay at nagsasaayos ng mga
gawain iglesya upang matiyak ang
tuwirang layunin ng mga ito sang-ayon sa
turo at aral ng Panginoong Jesus.
Misyon at Ebanghelisasyon
(Mission and Evangelization)
Ang Misyon at Ebanghelisasyon ay mga paa
ng iglesya. Ito ay ang lupon na nangangalaga
sa paglaganap ng Ebanghelyo at
namamahala sa mga hakbang ng
paglilingkod ng buong iglesya. Tinitiyak ng
lupong ito ang paglago ng mga existing na
gawain at lakbayin ng iglesya at paghayo sa
iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng
Misyon at Ebanghelisasyon
(Mission and Evangelization)
pagtatatag ng mga misyon areas, Bible
Study areas, at community works and
services sang-ayon sa ministeryo ng
Panginoong Jesus. Ito ang magiging
matatag na ugnayan ng iglesya at ng
mamamayan sa lipunan.
Pagkakatiwalang Kristiyano
(Stewardship)
Ang Pagkakatiwalang Kristiyano ay ang
mga kamay ng iglesya. Ito ay ang lupon
na namamahala sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng iglesya bilang mga
tapat na katiwala ng mga kaloob ng
Diyos. Ito ang naghihikayat sa mga
kaanib na linangin ang mga kaloob ng
Banal na Espiritu at maging tugon sa
Pagkakatiwalang Kristiyano
(Stewardship)
tawag ng paglilingkod. Ito rin ang
naghihikayat sa indibidwal o grupo
upang tumugon sa pangangailangan
pinansyal ng buong iglesya, ng mga
gawain at pagawain nito sa ikalalago ng
paglilingkod sa Diyos at sa mamamayan.
Pakikipag-ugnayang Ekyumenikal
(Ecumenical Relations and Partnership)
Ang Pakikipag-ugnayang Ekyumenikal ay
ang mga bisig ng iglesya. Ito ay ang
nagpapanatili ng matatag na ugnayan,
samahan, at pakikipagkaisa sa mga
kapatid na iglesya. Lumilinang ito ng
mabuting relasyon o partnership sa
ibang mga iglesya sa pamamagitan ng
Pakikipag-ugnayang Ekyumenikal
(Ecumenical Relations and Partnership)

mga pagsamba, paglilingkod sa


mamamayan, pagpapalaganap ng
mensahe ng Panginoon, at sa patuloy na
pagsasagawa ng misyon ni Cristo sa
mundo, paglingap sa mga aba, at
pagsisilbing kalakasan ng mga mahihina.
ANG
KASALUKUYANG
PAGAWAIN NG
IGLESYA
Kaakibat ng mga gawaing espiritwal
at paglilingkod, ang Iglesia Unida
Ekyumenikal ay nasa panahon ng
pagpapatapos sa Unida Ecumenical
Center (IUE Center) sa lugar ng
Kalye Pansol Barangay Toledo,
Silang, Cavite.
Sa kasalukuyan, ang IUE Center ay
natindig na at nagagamit na sa mga
malakihang gawain ng buong
kapatiran ngunit may ilang
kailangan paring isaayos sa loob at
labas ng gusali na nangangailangan
ng malaking halaga. Ang nasabing
pagawain ay nagkakahalaga ng
labing apat na milyon (P14M) ang
konstruksyon. Sa pangunguna ng
Diyos at sa pagkakaisa at
pagtutulungan ng buong iglesya ay
lagpas kalahati na ng kaukulang
halaga ang natugunan. Isang
katunayan ito ng patuloy na
pagpapala ng Diyos sa maliit na
samahan ng mga mananampalataya
ay naroon ang malaking Diyos sa
tumutugon sa mga pangangailangan
ng buong iglesya. Sa yugtong ito, ang
pagpupuri at pagluwalhati ay
tanging sa Diyos lamang itinataas.
UNIDA ECUMENICAL CENTER
Kalye Pansol, Barangay Toledo, Silang, Cavite

You might also like