You are on page 1of 14

PAGSAMBA

NG MGA
IGLESIA NI
"Ipaglaban mo nang puspusan ang CRISTO
pananampalataya. Panghawakan
mong mabuti ang buhay na walang
hanggan, dahil diyan ka tinawag ng
Diyos nang ipahayag mo sa harap ng
PRESENTED BY:
maraming saksi ang iyong pananalig
kay Cristo." I Tim. 6:12 GROUP 4
Ano ang Iglesia ni Cristo?
Nagpapakilala ang Iglesia ni Cristo bilang nag-iisang tunay na
iglesya at nagsasabing sila ang muling pagbangon ng orihinal
ng iglesya na itinatag ni Hesus at ang ibang simbahang
Kristyano.[6][8] Sinasaad ng doktrina ng INC na ang opisyal na
pagkakatala ng iglesya sa pamahalaang Pilipinas noong 27
Hulyo 1914 sa pamamagitan ni Felix Y. Manalo na kinikilala
nilang Huling Sugo ng Diyos. Naniniwala ang mga kaanib nito
na ang iglesyang ito ang katuparan ng mga hula ng Bibliya na
ang iglesyang itinatag ni Kristo ay muling babangon sa
Malayong Silangan [9][10] at ang pagsapit ng Ikapitong Tatak ay
hudyat ng mga huling araw ng daigdig.[11][12] Isinasaad sa
bibliya na kung sino ang papasok sa kanilang sambahan ay
maililigtas sa pagdating ng paghuhukom.
Paano isinasagawa ang pagsamba sa
Iglesia ni Cristo?
Maraming mga tao ang nacu-curious kung paano nga ba magsagawa ng
pagsamba sa Iglesia ni Cristo.

Iba iba kasi ang paraan ng pagsamba sa ibat ibang relihiyon, iba sa Iglesia
Katolika, sa El Shaddai, sa born again, sa ADD, sa mga saksi ni Jehova, sa
Mormons, at lalo na sa labas ng Kristiyanismo tulad ng Islam at
Buddhism.
Karamihan naman eh nahihiyang subukan na pumasok sa loob ng kapilya
ng Iglesia ni Cristo kapag naisipan nila na i-try sumamba. Meron din kasi
silang mga tsismis na nasasagap halimbawa na lang, bawat isa daw
hihingian ng abuloy at marami pang iba. Ito ang nagiging dahilan para
hindi nila ituloy ang pagdalo ng pagsamba o paunlakan ang imbitasyon
ng kaibigan, kamag anak o kakilala na kaanib sa Iglesia.
Anu anong makikita sa loob ng
kapilya o gusaling sambahan ng INC?
1. Pagpasok niyo sa lobby, makikita ang mga kalihim
(nagbibigay ng katibayan sa pagsamba para sa mga
sumamba na galing sa ibang lokal o kaya ay para sa mga
dinudoktrinahan at sinusubok), mga diakono at
diakonesa (na tumutulong sa kaayusan sa pagsamba).

2. Hiwalay po ang upuan ng mga babae at lalaki, para


maiwasan ang mga kwentuhan o kung anuman na
makakasira sa solemnidad sa pagsamba. Meron ding mga
nakaupong diakono at diakonesa sa row sa dulo ng mga
upuan.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Narito po ang pagkakasunud-sunod:

1. Singing of hymns (Mga pag awit)

Ang pag awit ay importante sa mga pagsamba dahil itoy


pagpupuri sa Diyos. Meron kaming ginagamit na
"Himnario (hymnbook)" kung saan bago magsimula ang
bawat pag awit ay makikita sa may koro ang numero ng
aawitin at pangungunahan ang pag awit ng mga mang-
aawit.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
2. Opening prayer (Panalangin)

Bago ang pagtuturo ng ministro ay isasagawa muna ang


pananalangin sa Diyos. Ito ay papangunahan ng ministro
ding nasa harapan, at sasagot naman ang kapulungan ng
OPO at AMEN bilang pagsang ayon sa nananalangin.
Kami ay nakatayo ng maayos at nakapikit habang
nananalangin, para sa kaayusan at solemnidad ng
pakikipag usap sa Diyos.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
3. Sermon (Pagtuturo ng ebanghelyo)

Ito ang pinakaimportante, kumbaga, ito ang main part of the


worship service. Ang ministro ang nagtuturo, ang mga
sumasamba naman ay nakikinig. Pwede namang itake down
notes ang mga talata sa bibliya na nababanggit ng ministro saka
sa bahay tignan sa sariling bibliya, sa halip na magdala ng bibliya
at doon buklat-buklatin. Ang lesson na itinuturo ng mga ministro
sa bawat lokal sa buong mundo ay nanggagaling sa Central,
kaya kahit saan ka man sa mundo sa pagkakataong yon iisa lang
ang matatanggap nyong aral. Merong pinagbabasehan ang
ministro sa kaniyang pagtuturo, hindi po ito tulad sa ibang
relihiyon na kung ano na lang ang maisip sa pagkakataong yun
eh yun na ang kaniyang sasabihin.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
4. Prayer (Panalangin)

Sa pagtatapos ng pagtuturo ay muling mananalangin.

5. Collection of voluntary offerings (Paglilikom ng


handog)

Ang mga diakono at diakonesa ang pupunta sa lahat ng


mananamba upang lumikom ng handog ng nasa
kaayusan, kasabay ang pag awit ng mga mang aawit.
Kapag nalikom na ang lahat ay ilalagay ito sa kaban na
nasa harapan.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
6. Prayer (Panalangin)

Pagkatapos malikom ang mga handog ay ipapanalangin


ito ng pangulong diakono.

7. Doxology

Aawitin ang doxologia.

8. Benediction (Pagbabasbas)

Basbasbasan ng ministro ang mga sumamba.


Paano isinasagawa ang pagsamba?

9. Reading of circulars/reminders (Pagbabasa ng mga


sirkular o mga paalala)

Babasahin ang mga serkular o mga paalala.

10. Recessional hymn (Awit sa paglabas)

Lalabas ang mga sumamba row by row para sa kaayusan


kasabay ng pag awit ng mga mang aawit.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Para sa kaayusan

Ang pagsamba ay SA DIYOS. Dapat pinaghahandaan,


isinasagawa ng may kaayusan at may solemnidad. Kaya
ang lahat, kung mapapansin nyo ay talaga namang may
sistema, para sa KAAYUSAN:

"Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may


kaayusan ang lahat ng mga bagay." I Cor. 14:40
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Dun pa nga lang sa pagpasok nyo sa gate ng kapilya sa labas,
meron ng mga nagpapatupad ng kaayusan doon sa tulong ng
mga SCAN. Sa pag-upo naman sa pagpasok sa kapilya meron
ding mga diakono at diakonesa na magbibigay sayo ng himnario
at i-aasist ka kung ano man ang sitwasyon.

Ang pagsasagawa po namin ng pagsamba ay hindi "kung saan


saan lang" hindi sa kalye, sa plaza o saan man, kundi sa loob ng
kapilya o kaya naman ay sa maayos na venue. Isa pang
mapapansin nyo ay ang pananamit namin, sa lalaki ay naka
polo, slocks at black shoes, sa babae naman ay naka blouse at
naka palda. Tandaan po natin, ang pagsamba ay SA DIYOS kaya
dapat lang na kaaya aya sa panahon ng pagsamba ang
pananamit natin.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Ang mga cellphone din ay iniiwan sa labas ng kapilya
para di makaagaw ng pansin at para makatuon ang
sumasamba sa isinasagawang pagsamba sa Diyos. Dapat
din maging maaga sa pagsamba, kung 5:45 am ka
dadalo, dapat 5:00-5:30am dapat nasa loob ka na ng
kapilya para magkaroon din ng panahon para sa
pansariling pananalangin. Ang pagsamba po ay hindi
parang nanonood ka lang sa sinehan, kung ano oras ka
darating eh ok lang o kaya naman eh pwedeng alis ng alis
sa upuan. 1 oras lang naman ang ibibigay natin sa Diyos
para sumamba kaya gawin na po nating nasa kaayusan at
naka konsentreyt lamang doon.
Tarheta
Pagkapasok mo sa loob ng kapilya
ay meron kang itataob/ibabaliktad
na card (tarheta) na may litrato mo.
Pagkatapos ng pagsamba,
binabaliktad ulit ang card (tarheta)
ng mga kalihim.

You might also like