You are on page 1of 1

The story of Joshua and Caleb

Matapos pamunuan ni Moses ang mg Israelita palabas ng Ehipto.

Dinala sila ng Diyos sa kagubatan papunta sa lupain ng Canaan.

Ang lupang pinangako ng Diyos sa mga Israelita.

Nang ang buong Israel ay nakaabot na sa lupain ng Canaan, kumuha si Moses ng isang tao mula sa 12
tribes ng Israel upang magtungo sa Canaan at libutin ito.

Upang tukuyin ang bawat detalye tungkol dito dahil ito ang utos ng Diyos. Mahalaga para kay Moses na
malaman kung ilan ang mg taong naninirahan sa lugar na iyon at kung paano sila nabubuhay. Kung
mataba ba ang lupa at kayang bumuhay ng mga halaman at kung anong uri ng rputas at gulay ang
pwedeng tumubo sa lupain ng Canaan.

Lumakad na ang 12 na spies at nilibot nila ang buong lugar sa loob ng 40 na araw.

Pagkatapos ng 40 na araw bumalik sila kay Moses at ipinakita ang kanilang mga natuklasan. May dala
silang mga prutas gaya ng ubas. Ang mga tao ay namamangha at gusting gusto nilang malaman ang mga
sasabihin ng 12 spies.

Sabi ng isa sa mga Spies “Ang lupain ng Canaan ay kamangha-mangha, malusog ang lupa at mayroon
itong magagandang halaman na hindi pa natin nakikita.” At pinakita nila ang prutas na nakuha nila mula
sa Canaan. “Ngunit ang mga tao doon ay tila mga Higante”. Sampu sa 12 spies ang nagsabi na “Para
kaming mga tipaklong kung ikukumpara sa kanila, malalakas sila at ang siyudad ay pinapalibutan ng mga
matataas na pader. Mahihirapan tayong angkinin ang lupain na ito”

Ngunit tanging sina Joshua at Caleb lamang ang nagsabi na “Totoo na malalaki at malalakas ang mga tao
sa Canaan, pero kaya natin silang talunin dahil ang Diyos ay Kakampi natin, Tara maging matapang tayo
at gawin natin ito”

Subalit sinundan ng mga Israelita ang 10 spies at hindi na nila sinubukang sakupin ang Canaan sa kabila
ng mga himalang ipinakita sa kanila ng Diyos.

Dahil dito nagalit ang Diyos, dahil ang mga Israel ay walang pananampalataya sa kanya. Sinabi ng Diyos
na ang mga henerasyon ng Israelita ay mamamatay bago makapunta sa pangakong lupain. At sinabi nya
din na sila ay maglilibot sa mga kagubatan sa loob ng 40 years at tanging si Joshua at Caleb lamang
makakapasok sa lupang pangako.

You might also like