You are on page 1of 7

Si Jonah at ang Malaking Isda

Maraming taon na ang nakalipas, may isang tao na pinangalanang Jonah na nakatira sa lupain ng Israel.
Si Jonah ay isang propeta ng Diyos.

Isang araw sinabi ng Diyos sa kanya na pumunta sa Niniveh, ang pinakamalaki at malakas na lungsod sa
mundo. Ang mga tao roon as masasama.

Kailangan bigyang babala ni Jonah ang lahat nga mga tao doon na alam ng Diyos ang kanilang mga
kasalanan.
Hindi sinunod ni Jonas ang Diyos. Sa halip magpunta ng Niniveh, si Jonah ay sumakay ng barko patungo
sa kabilang direksyon, sa isang lugar na tinatawag na Tarshish.

Nagpadala ang Diyos ng malakas na bagyo. Ang hangin ay umihip ng malakas. Ang mga kalalakihan sa
sasakyang-dagat ay natakot na ito ay lumubog.

Lumakas ng lumakas ang bagyo. Ang mga kalalakihan ay humingi ng tulong sa kani-kanilang Diyos.
Nagtapon sila ng mga karga upang gumaan ang barko. Ngunit ito ay hindi nakatulong.
Si Jonah lang ang taong nasa barko na hindi nananalangin. Sa halip, siya ay natutulog. Ginising siya ng
kapitan. Sinabi niya kay Jonas na manalangin at hilingin sa Diyos na tulungan sila.

Naisip ng mga kalalakihan na ang bagyo ay dumating dahil si Jonah ay nasa sasakyang-dagat. Gusto
nilang tumigil ang bagyo. Tinanong nila si Jonah kung ano ang dapat nilang gawin.

Sinabi ni Jonah sa kanila na siya ay ihagis sa dagat at papayapa ito. Alam niyang ipinadala ng Diyos ang
bagyo dahil sa kanya. Hindi niya sinunod ang Diyos.

Hindi nais ng mga kalalakihan na ihagis si Jonah sa tubig. Kaya’t pinilit nila na itabi ang barko. Ngunit
hindi nila ito magawa. Pagkatapos manalangin ng kapatawaran hinagis ng mga kalalakihan si Jonah sa
dagat.
Nang maglaho sa alon si Jonah ang dagat ay muling naging payapa. Naisip nila na ang Diyos lamang ang
makakagawa nito. Sa kanilang paghanga sila ay nanampalataya sa Diyos.

Nang lumubog si Jonah sa kalaliman ng dagat alam niyang walang makakatulong sa kanya. Maaring siya
ay malunod, ngunit may plano ang Diyos.

Ang Diyos ay nagpadala ng malaking isa. Nilulon ng isda si Jonah.

Si Jonah ay nanatili sa tiyan ng isda sa loob ng 3 araw. Nagkaroon siya ng maraming oras upang mag-isip
at manalangin.
Pagkatapos ng tatlong arawm sa wakas ay nangako si Jonas na siya ay susunod na sa Diyos. Inutusan ng
Diyos ang isda na iluwal si Jonah sa dalampasigan.

Muli, sinabi ng Diyos kay Jonah na pumunta sa Niniveh at mangaral ng salita ng Diyos .

Sa pagkakataong ito ay sinunod ni Jonah ang Diyos. Nagpunta siya sa Niniveh. Sinabi niya sa mga taong
magsisi. Kung hindi sila mag sisisi sa loob ng 40 araw ang Niniveh ay mawawasak.
Ang mga tao sa Niniveh ay naniwala sa salita ng Diyos. Nag ayuno sila at nagdamit panluksa bilang tanda
ng lubos na pagsisisi sa mga kasalanan. Kahit ang hari ay bumaba sa kanyang trono at nagsisi. Inutos din
ng Hari na ang lahat ay tumalikod sa kasalanan at manalangin sa Diyos para sa kapatawaran.

At pinatawad ng Diyos ang mga taga Niniveh. Naging isang araw na kasiyahan ng malaman ng mga tao
na sila ay napatawad ng Diyos.

Dahil sa kanilang pagsisi hindi na winasak ng Diyos ang Niniveh.


Ngunit si Jonah ay hindi masaya. Sapagkat siya ay naniniwalang hindi totoong nagsisisi ang mga taga
Niniveh.

Muling nangusap ang Diyos kay Jonah. Sinabi niya kay Jonah na siya ay naniniwalang nagsisisi na ang
mga taga Niniveh sa kanilang mga kasalanan at ang lahat ay may pagkakataong itama ay kanilang
pagkakamali. Lahat ng nilalang ng Diyos ay ayaw niyang parusahan bagkus mahal nya ang mga ito. Ito ay
hindi mangyayari kung hindi sa tulong ni Jonah.

At naunawaan ni Jonah ang nais ipahiwatig ng Diyos. Siya ay nagpasalamat sa pagkakataong muling
pagsilbihan ang Diyos at patuloy na pagligtas sa kanya.

Si Jonah ay muling naglakbay pabalik sa Israel at patuloy na ipinamahagi ang salita at pagmamahal ng
Diyos.

You might also like