You are on page 1of 1

La Purisima Concepcion Parish

San Lorenzo Ruiz Chapel


Sta. Cruz Village, Santa Maria, Bulacan

PANALANGIN NG BAYAN SA ARAW NG KAPISTAHAN


SETYEMBRE 28, 2015

Manalangin tayo sa Ama upang katulad ni San Lorenzo Ruiz De Manila tayo ay maging huwaran ng
pamayanang Pilipino sa bukluran ng parokya at pamilya sa mundo at maging karapatdapat Niyang
maging mga anak. Ating isamo:

SA PAMAMAGITAN NG MGA PANALANGIN NI SAN LORENZO RUIZ DE MANILA, DINGGIN MO KAMI O,


PANGINOON.

1. Para sa ating Banal na Papa Francisco, mga obispo at mga pari, upang kahalintulad ni San
Lorenzo Ruiz ay maging mga butihing ama at pastol ng Simbahan. Manalangin tayo sa Panginoon
2. Ang mga namumuno nawa sa pamahalaan ay makapaglingkod ng buong puso at isip at isantabi
ang mga personal na interes at hangarin upang mapabuti ang kalagayan ng nakakarami, kamiy
dumadalangin.
3. Ang mga inuusig ng dahil sa kanilang pananampalataya ay mapukaw nawa ng buhay at mga
gawa ni San Lorenzo Ruiz na ang mag-alay ng buhay para sa Diyos ay isang dakilang gawa,
manalangin tayo sa Panginoon.
4. Para sa mga kabataan at naglilingkod sa Simbahan nawa’y tularan nila si San Lorenzo Ruiz sa
marubdob ne debosyon sa Mahal na Ina at walang pasubaling paglilingkod sa Inang Simbahan,
manalangin tayo sa Panginoon.
5. Ang lahat ng mananampalataya ng Sta.Cruz Village nawa’y maging mga tunay na saksi ni Kristo
sa pagkakaisa, paglilingkod, kababaang loob at pagmamahalan sa gabay ni San Lorenzo Ruiz
manalangin tayo sa Panginoon.
6. Ang lahat ng may mga karamdaman, nawa’y maialay nila ang kanilang paghihirap at tiisin na
binabata at magkaroon ng pag-asang muling manunumbalik ang kanilang lakas. Manalangin tayo
sa Panginoon.
7. Ang lahat ng pumanaw nawa’y makamtan ang liwanag na pang- magpakailanman at magkaroon
ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Idalangin natin sila sa Poong Maykapal.

Ama pakinggan Mo ang panalangin ng Iyong mga anak na nananalig sa Iyo. Bigyan Mo kami ng kalooban
at katatagan katulad ng kay San Lorenzo Ruiz De Manila at mga kasama sapagkat para sa mga katulad
nila ang Iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagita ni Kristong aming Panginoon. Amen

You might also like