You are on page 1of 2

Katatagan sa Panahon ng Pandemya

Mabagsik, mabilis kumalat, at nakamamatay ang


epekto ng Covid-19 virus sa katawan ng tao. Nagising na
lamang tayo isang araw na mayroon nang pandemya sa
ating bansa. Nagdeklara ng community quarantine ang
gobyerno upang makontrol ang paglaganap ng
nakakahawang virus. Hindi nakapaghanda ang mga tao at
ang iba naman ay nag panic-buying dahilan upang
magkaubusan ng suplay sa mga pangunahing
pangangailangan, lalo na ang alcohol. Tumaas rin ang demand sa mga face mask at face shield
dahil ito ay nagsisilbing proteksyon natin upang maiwasan ang pagkahawa. Ang iba ay walang
magawa at makontento nalang sa kong ano ang meron sila dahil naghihirap na nga bago pa ang
pandemya ay mas lalo pang naghirap nang ipinatupad ang community quarantine.
Lahat tayo ay nakaramdam ng pagkabalisa,
takot, lungkot, at kong ano pang emosyon. Ang
mental health natin ay mas sinubukan pa dahil sa
matagal na pagkalagi sa loob ng bahay. Wala tayong
magagawa dahil ipinagbabawal ang malimit na
paglabas ng bahay. Kong nais mong lumabas upang
bilhin ang mga pangangailangan, mahigpit na
ipinatutupad ang physical at social distancing sa
maraming lugar. Hindi ka maaaring lumabas ng bahay na walang dalang facemask, faceshield, at
quarantine pass.
Dahil ipinagbabawal ang pagtitipon, hindi
maaaring magkaroon ng face-to-face class sa mga
paaralan. Bilang tugon, nagpanukala ang Department
of Education at Commission on Higher Education ng
iba’t ibang learning modality. Hindi naging madali sa
atin na mga mag-aaral ang bagong daan ng
edukasyon. Ang mga pinagdaanang problema ng mga
mag-aaral ay mahinang internet connection, distraksiyon sa paligid, kakulangan sa gadget, at iba
pa. Iniisip natin na iba pa rin talaga ang saya na dala kapag nakakasama mo ang iyong mga
kaklase at kaibigan at mayroong guro na nagtuturo sa atin ng masinsinan.
Ngunit sa kabilang banda, mas napalapit ang
bawat pamilya sa isa’t isa. Ang iba naman ay nadiskubre
ang kakayahan na hindi alam noon at mas lalo pa nating
minahal ang ating sarili. Mas binigyang halaga ng bawat
isa ang buhay, oras, at biyaya na ibinigay ng Poong
Maykapal. Ang pandemya ay nagbigay sa atin ng iba’t
ibang aral at isa na rito ang pahalagahan at huwag
sayangin ang oras na meron tayo.
Ngayon, unti-unti ng bumabalik sa dati ang
buhay nating lahat. Lumuwag na ang community
quarantine at bumubukas na rin ang mga paaralan
sa lugar na konti lamang ang kaso. Ang unos na ito
ay nagdulot ng matinding kadiliman sa ating buhay
pero sa kabilang banda hindi maikakaila na
mayroong pag-asang naghihintay sa atin. Hindi pa natatapos ang pandemya at posibleng
mayroon pang lalabas na mga variant na mas mabilis makahawa. Ngunit balang araw, sa tamang
oras na ibibigay sa atin ng Panginoon, matatapos rin ito. Mawawala na ang pagkabalisa, takot, at
lungkot. Sigurado akong dadating ang bukas na punong-puno ng pag-asa na tayo ay
makakabangon muli.

You might also like