You are on page 1of 1

Araling Panlipunan B1

Unang Marakahan, Modyul 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon


sa Pagtugon sa mga hamong Pangkapaligiran

Dwayne Y. Ibe
Ika-10 Baitang, Zircon

Pagsulat ng Repleksiyon:

Sa paglaganap ng pandemia, hindi natin maiiwasan ang pagkaramdam ng lungkot at takot. Dahilan
nito ang pagkawala ng pag-asa ng mga Pilipinong mamamayan na ang nasa isip ay ang kawalan ng pagmamalasakit
at pag-asang makaahon, at labanan ang pandemiang ito. Maraming tao ang namatay, nagkasakit at
pagkahiwahiwalay dahil sa ginawang batas o protocol ng pamahalaan na pinagbabawal na lumabas at bumyahe sa
mga nasa malalayong lugar.
Sa panahon ngayon, mga bata ang naaapektuhan dahil sa pagtigil sa pag-aaral dahil sa
nahihirapang gawin ang mga modyuls o mga sasagtin na ibinibigay ng paaralan. Kung saan wala ang mga guro na
gumabay at magturo sa’tin na alamin ang mga bagay-bagay na hindi pa nating pinag-aaralan. Ginawa rin ang sosyal
media sa pakikipagkkomunikasyon sa mga guro at iba upang mapadali, at malinawagan ng maayos ang mga mag-
aaraal sa pamamagitan ng online class. Ngunit kung ang mga mag-aaral ay walang sapat na pambili sa mga
kakailanganin ito dahil ang gadyet ngayo’y mamahalin kung saan ang mga may kaya at trabaho lamang ang
makakabili. Paano naman kung kaya naman ng isang pamilya ng mag-aaral na makabili ng kakailanganin ngunit
walang maayas na internet? Mahirap talaga ang pagsubok na ito, kung saan kailangan nating magpakatatag upang
malagpasan ito.
Mag-aaral, nararanas at nararamdaman ang pagka-istres, pagkapagod, at pagkadepressed dahil sa
kasalukuyang pammaraan ng pag-aaral kung saan nahihirapan dahil sa kailanganing ihanda araw-araw ang sarili
upang mag-aral ng mag-isa o sa ingles “self-study”. Maraming kabataan ang nawawalan ng pag-asa na nagiging
dulot ng matinding pagkalungkot, at dito rin ang dahilan ng maraming bilang ng nagpapakamatay.
Ngunit.
Sa paglaganap ng kahandaan, disiplina at kooperasyon, malalagpasan at malalagpasan natin ang
pagsubok na ito kung saan magagawa na natin ang mga gusto natin, at makakapag-aral na ng maayos.
Pagiging handa sa sarili at iba sa paglaban, at pagharap sa mga pagsubok na hinaharap, kung saan
ang kahandaan ay kailangan ng katapangan, malawakang kaisipan at pagiging alerto. Upang magawa natin ang mga
ito kailangan nating maging disiplinado sa sarili at sa iba. Pagiging disiplina upang alamin ang mga kasalukuyang
hinaharap, pagiging handa at pagiging diplina ay tungo sa pansariling kaligtasan at sa iba.
Kooperasyon, dulot nito ay ang bunga ng magandang pakikisama at pagiging handa. Ito ay
kinakailangan ng magandang at malawakang kaisipan kung saan dito magagamit ang diplina, kahandaan at
istratehiya upang harapin ang mga pagsubok na daraan, mahirap man o madali, buksan ang mga mata tingnan ang
kahalagahan ng pagkakaisa upang magkaroon ng pag-asa.
Kahandaan, displina at kooperasyon. Ating isagawa at ipakita ang pagiging makatao,
pakikipagutlungan na magiging dulot ng magandang kinabukasan. Kahandaan, disiplina at kooperasyon bigyang
kahalagahan tungo sa makabuluhang bunga ng ating pangarap. Paghirapan at labanan upang ating malagpasan.

You might also like