You are on page 1of 1

Dumating ang araw na hindi inaasahan at nagkaroon nga ng kaso ang Pilipinas

ng virus na ito na tinawag na COVID-19 maraming nagulantang at di makapaniwala.

Ngunit umaasa pa din ang nakakarami na mapipigil din ito dahil sabi ng eksperto ay

hindi daw magkakaroon ang bansang may mainit na klima ta mababa daw ang

porsyento ang pagkakahawahawa ng mga tao dito. Ngunit ang oras ay lumilipas at ang

panahon ay di mapigilan sa kung ano ang gustong pahiwatig nito dahil lumobo na ng

lubo ang virus at lumobo na din ang problema ng bawat tao. Isa na dito ay ang sistema

ng pag aaral ng mga estudyante na wala lang naman ibang layunin kung hindi makapag

tapos at mabigyang sukli ang pag hihirap at pagsasakripisyo ng kanilang mga

magulang.

GRACE: Paano na tayo makakapag aral nyan.

IKAT: Hindi ko din alam miski nga mapunta sa pamilihan ay hindi natin magawa.

KRISTINE: napakahirap ng sitwasyon natin. Siguro academic freeze muna.

BUBOY: Ano ung academic freeze?

KRISTINE: Sabi sa balita ito daw yung hihinto muna tayo sa pag aaral. Parang wala

munang magaganap na school year ngayon .

GRACE: Kaso sayang ang panahon, maghihintay na naman tayong napakatagal. Isang

taon nalang graduate na tayo ng Senior high.

You might also like