You are on page 1of 2

Tagpuan:

Sa gripo o igiban ng tubig

Tauhan:

Impen, Ogor, Boy, Nanay ni Impen at kapatid at mga tao sa kapaligiran

Banghay;

Panimula- Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen ng siya’y kausapin ng kanyang


Ina upang pangaralan. Binalaan siya nito na huwag ng makipag-away at umuwi na
basag ang mukha.

Saglit na Kasiglahan-Nang siya naglalaakad sa labas patungo sa iigiban niya at


napapansin nyang dumudungaw ang bata sa kani-kanilang mga barung-barong at
pinag-titinginan at ang mga matatanda’y nagbubulungan at sinasambit na siya ay
isang negro,

Suliranin-  Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang


kaya niyang ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapak-tapakan ng
mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan
niya na di dapat nilalalait-lait at kinukutya ang mga katulad niya.

Tunggalian-Tao laban sa lipunan, dahil si Impen ay nakikipaglaban sa mga tao


nang-aapi sa kanya.

Kasukdulan- Si Impen na ang sumasahod sa gripo’y bigla syang hinawakan ni Ogor


sa balikat. May kaba na naramdaman si Impen. Pinaalis niya si Ogor sa pilahan at
sinaktan na nga ni Ogor ni Impen dahil ayaw nyang umalis sa pila. Agad nang
gumanti rin si Impen dahil sa sakit na kaniyang nadama. Pumasok sa isip nya ang
mga tsismis tungkol sa kanyang ina at gumanti na rin sya kay Ogor.

Kakalasan- Nagpatuloy nga ang kanilang pag-aaway at sa di-inaasahann ay unti-


unting napasuko ni impen si Ogor dahil na rin sa mga suntok nito sa kanya.

Wakas- Napasuko na nga ni Impen si Ogor at hinang-hina nya. Napatingin sa kanya


ang mga tao na tila hanganghanga sa kanyang nagawa.

You might also like