Professional Documents
Culture Documents
Ganun lang talaga ang bata. Siguro may epekto sa kanya yung matagal na di
natin pagkikita. Biruin mo naman, halos limang taon na di natin siya nadalaw man
lang. sabi nga ni Nanay e hindi na halos matandaan ni Ineng ang hitsura natin.
Kumbaga, hindi na rin siya nasanay na maging anak natin.
Napahiya si Pablo sa sarili nang umpisahang magtanong: Hindi rin kaya ako
nasanay maging Tatay?
Niyaya ni Gina ang asawa upang mahiga. Sumunod si Pablo.
Ka Gina humikab si Gina at ipinahalatang inaantok na siya. Hindi na nagpatuloy
si Pablo. Nakaramdam siya ng pangungulila. Mahaba pa ang gabi at mag-isa niyang
sasagutin ang isang libot isang tanong sa isip.gusto niyang magalit sa patulog nang
asawa, gisingin, at salubungin ng bulyaw : Hindi mo ba naiintindihan, nahihirapan
akong maging Tatay ?
Kaninang umaga ay ayaw ni Ineng na kumain ng kasabay siya. Kay Gina sinabi ni
Pablo ang alburoto ng bata. Malambing na sinuyo ni Gina ang panganay na anak.
Ineng, sabay tayong kumain, ha? lumapit ang bata sa kanyang ina at sisinghotsinghot na dumulog sa hapag.
Magkaharap na si Pablo at ang kanyang anak sa mesa. Umiwas si Pablo sa tingin ng
bata. Sinasaklot siya ng pangamba. Pangambang hindi niya naramdaman maski
noong hagarin siya ng mga sundalo ng METROCOM sa binuwag na rali noong 1972.
Mas
malalim
ang
pangamba
niya
ngayon
kaysa
noong
1973,
nang
Pasensya ka na, anak. Pati ikaw ay naiistorbo dahil sa akin. Pati ang pag-aaral mo
ay nahinto dahil kinuha ka. Tapos, lagi pa tayong magkalayo. Hindi na tayo
nakapaglaro, ano? Sori, anak. Paglaki mo, maiintindihan mo kung bakit kami ng
nanay mo ay naririto sa bundok malayo sa yo. Bastat tatandaan mo: mahal ka
namin. At kaya kami hiwalay sa yo ay para alisin na yung masasamang tao katulad
ng mga sundalong kumuha sa yo. Pag wala na yung mga salbahe, magsasamasama na tayo lagi ng nanay mo. Mamamasyal tayo at maglalaro sa Batangas. Ano,
anak?
Yung mga kalaro ko, may Nanay at Tatay.
Kami naman ang Nanay at Tatay mo, a.
Hindi!
Tumakbong palayo si Ineng at tinungo ang kanyang ina. Gusto na niyang umiyak.
Kahit pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili na talagang ganun lang ang bata ay
tinatalo siya ng pagdududa. Siya, siya na isang rebolusyunaryong sinanay ng
dalawang dekadang sakripisyo at kahirapan para likhain ang lipunang mas matino,
mas mabait sa mga bata bakit hindi siya itinuturing na ama ng sarili niyang anak?
Ang nararamdaman niya ngayon ay tulad noong soyay nagluluksa sa pagkamatay
ng kayang ama at tuwing pulong-parangal para sa mga kasamang nasawi sa
digmaan. Buhay pa siya! Ngunit magdurugo na rin siya sa isang engkwentrong
musmos ang kalaban.
Bumuntong-hininga si Pablo sa pagkakahiga. Hindi siya napagod sa buhaymandirigma mula noong 1974 sa Calauag hanggang ngayon sa kung saang lugar sa
Timog Katagalugan. Hindi siya pinaghinaan sa iilang pistola nilang armas sa
Sandatahang Yunit Pampropaganda na una niyang kinapalooban. Hindi niya
kinainipan ang rebolusyon na tumaeb at humibas, nabigo at nagtagumpay. Pero
ngayon ay hindi niya maigpawan ang nararamdamang pagod sa puso at isip.
Bumangon si Pablo at sinulyapan ang asawa. Nagpasya siyang puntahan ang anak
na natulog katabi ng ibang Kasama dahil ayaw sumiping sa kanila sila na kung
tawagin ni Ineng ay mga tao sa halip na Nanay at Tatay. Mag-iisang linggo na ay
hindi pa naririnig ni Pablo kay Ineng na tinawag siyang Tatay.
Hinaplos ni Pablo ang noo ng anak. Bahagya itong napapilig. Mabilis na iniangat ni
Pablo ang palad ng anak habang humuhiling sa kawalan na huwag sana itong
magising.
Nagsisimula
na
naman
siyang
makaramdam
ng
pangamba
at
kalungkutan para sa sarili niyang anak. Binuhat niya ang bata. Biglang dumilat si
Ineng at halos matunaw si Pablo.
A-a-anak, gusto sana niyang magpaliwanag, anak, ililipat lang kita ng higaan.
Doon ka na lang sa tabi namin. Pero walang makahulagpos na salita sa kanyang
lalamuna. Pinilit niyang ngumiti para huwag magalit ang anak.
Tatay?
Biglang naramdaman ni Pablo ang walang hanggang kasiyahan sa narinig. Niyapos
niya ng mahigpit ang anak at hiniling muli sa bata, tawagin mo uli ako, Anak.