You are on page 1of 1

Gawain 4: Gampanin ko!

Sa panahon ngayon na ang mundo na ay lumalawak na sa bawat Pilipino, dahil sa paglaganap


ng makabagong teknolohiya. Kahit hindi mo pa napupuntahan ang isang lugar ay para na ring
narating mo ito. Gayundin sa pagpili ng produkto, kahit nasaan man ito, ang anumang produkto ay
napakadali ng mabili, dahil sa online shopping, sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Sa mga
kaganapang ito, ang mga produktong Pilipino ay kinakailangan ng makipagkumpetisyon sa mga
produktong inaalok o itinitinda sa mga merkado sa kasalukuyan. Kadalasan, ang mga produktong
Pilipino ay nababalewala dahil masyado ang pagpapahalaga natin sa mga imported na bagay.
Naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa kapag bumibili tayo ng produktong mula sa mga
dayuhan, sa halip na sariling atin ang bilhin o tangkilikin. Hindi natin namamalayan na mismo
tayong mga Pilipino ang nagpapababa ng kalagayan natin dahil sa labis na paghanga sa mga
Amerikano. Isama pa natin dito ang ibang bansa na ngayon ay kumikita sa ating bansa dahil alam
nilang ang mga Pilipino ay bibilhin ang mga produkto nila. Nakakapagpalubha ng kalagayan natin
ang ganong pananaw sa buhay. Sa halip na papasok ang pera sa bansa ay lalabas pa dahil dinadala
nila ang perang nakukuha nila sa atin. Ang tanging solusyon lamang sa suliranin na ito ay dapat
tangkilikin natin ang sariling atin sapagkat makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa at
sa paraang ito ay maipapakita natin na mahal natin ang ating bansa. Tangkilikin natin at ipagmalaki
natin ang mga produkto sa mga banyaga tulad ng Dried Mangoes ng Cebu, Durian ng Davao,
Handcrafted Guitars ng Cebu at ang mga ipinagmamalaking produkto sa Norte.
Madami ang ipinagmamalaki ng Pilipinas pag dating sa produkto. Maaaring
makipagsabayan ang mga Pilipino pag dating sa kaledad ng mga ito kaya’t huwag nating maliitin
ang sariling atin bagkus ay mahalin natin at pakaingatan dahil maiaangat natin ang bansang
Pilipinas kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa. Sa pamamagitan ng simpleng pagbili ng mga
produktong gawa natin ay matutulungan natin ang ating mga kababayan at ang ating ekonomiya sa
paglago.

You might also like