You are on page 1of 1

Josh Brolin N.

Bughao CRIM-1CHARLIE

Buod ng Kwentong “Impeng Negro”


Ni Rogelio Sikat

May isang binatang lalaki na nagtatrabaho para sa kanyang ina at mga kapatid, siya ay
nagngangalang Impen. Siya ay kadalasang kinukutya ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kanyang
kaitiman at kulot na buhok. Isang araw, siya ay pinaalalahanan ng kanyang ina na huwag na lang pansinin
ang mga nang-aasar sa kanya para makaiwas sa gulo. Sinubukan nyang huwag lumaban, lalo na kay Ogor
na nangunguna sa pang-aapi sa kanya. Kahit na minsan ay hindi si itinuring na kaibigan ni Ogor kundi
isang kaaway, si Ogor ang laging sumisira sa kanyang araw. Ngunit nang siya ay patuloy na naasar at
inunahan sa pagsalin ng tubig at pinagsabihan ng masasama ang kanyang pamilya, hindi nya napigilan ni
Impen ang kanyang sarili at dinagukan si Ogor kahit na ito ay matipuno habang siya ay payat na payat
lamang. Nagpalitan sila ng dagok pero sa bandang huli, napasuko ni Impen si Ogor at walang nakakibo sa
mga agwador. Kinagulat ng mga tao ang nangyari at pinaguusapan nila si Impen.

You might also like