You are on page 1of 3

Pahina 01

ARTIKULO II (IKATLONG MARKAHAN)


Pahina 02
ARTIKULO II (IKATLONG MARKAHAN)
Bukod sa kaliwa't-kanang krimen at trahedya, laman
din ng balita ngayon ang iba't ibang karahasan at
diskriminasyon. Talagang nakaka alarma ang pag-atake ng
mga taga-U.S. sa mga Asyanong naroon. Isang halimbawa na
dito ang Pinay na si Jessica Dimalanta, na binaril sa kanyang
kanang mata; ang Pinoy na si Noel Quintana, na tinaga sa
kanyang pisngi sa New York subway; at isa pang Pinoy na si
Danny Yuchang, travel agent na sinuntok sa kanyang lunch
break sa San Francisco. Lahat ng ito ay nagiwan sa akin ng
lubos na kalungkutan.

Alam nating lahat na ang mga krimen sa karahasan


laban sa mga Asian-Americans ay matagal nang hindi
naiuulat dahil sa mga hadlang tulad ng wika, takot, at
kawalan ng pagtitiwala sa pulisya. Ang ikinakalungkot ko lang
ay ang katahimikan at kawalan ng paki ng mga tao tungkol
sa nakakagalit na isyung ito. Sapagkat hindi normal na
makaranas ang isang tao ng diskriminasyon dahil sa mga
simpleng bagay tulad ng kaniyang lahi o nasyonalidad.

Kaya tulad ni Sen. Manny Pacquiao at sa lahat ng taong


lumalaban upang ihinto ang asian hate, kahit sa maliit na
paraan ay gamitin natin ang ating kakayahan upang
magpakalat ng kaalaman at maibsan ang karahasan na
naguugat sa diskriminasyon.

Christine Faith
Christine Faith C.
C.Llamas
Llamas
10- Kabutihan
10- Kabutihan

Pahina 03
ANG AKING OPINYON

You might also like