You are on page 1of 21

KALAGAYAN AT EPEKTO SA RELASYON NG MGA ESTUDYANTE NA

MAY IBA’T IBANG RELIHIYON AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA

ISANG SILID-ARALAN NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Departamento ng Senior High School


Our Lady of Fatima University
Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik

Ipinasa nina:

Abalajen, Samantha
Advincula, Mjay Rose
Bajet, John Lloyd
Caballero, Kyla Karryl
Camo, Rafael Aaron
Co, Mary Rose
De los Santos, Jheschel May
Miclat, Roninne Elijah
Paderna, Danielle Vien
Rodil, Jazryll
Torrente, Zachary

HUMSS 11P-1

Ipinasa kay:

Gng. Vanessa Gruspe

Tagapayo

Disyembre 2019
Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Binubuo ito ng mga resultang nakuha ng mga mananaliksik mula sa sarbey

kwestyuner na sinagutan ng mga mag-aaral na Senior High School sa Unibersidad

ng Fatima.

Propayl ng mga Estudyante

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente

Edad Bilang Bahagdan

18 10 16.6%

17 32 53.4%

16 18 30%

Kabuuan 60 100%

Sa animnapung (60) respondente ng pananaliksik, labing-anim na

porsyento(16.6%) na may bilang na sampu (10) ang nasa edad na 18, limampu’t

walong porsyento (53.4%) na may bilang na tatlumpu’t dalawa (32) ang nasa edad
na 17, tatlumpung porsyento (30%) na may bilang na labingwalo (18) ang nasa edad

na 16.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, nasa edad ng labimpito (17)

ang mayroon na pinaka maraming sumagot sa sarbey kwestyuner.

Talahanayan Blg. 2

Akademikong Strand ng mga Respondente

Strand Bilang Bahagdan

STEM 28 46.6%

HUMSS 6 10%

GAS 12 20%

ABM 14 23.4%

Kabuuan 60 100%

Sa animnapung (60) respondente sa pananaliksik, apatnapu’t anim na

porsyento (46.6%) na may bilang na dalawampu’t walo (28) ang kabilang sa

akademikong strand na ​STEM​, sampung porsyento (10%) na may bilang na anim (6)

​ alawampung porsyento (20%) na


ang kabilang sa akademikong strand na ​HUMSS, d
may bilang na labindalawa (12) ang kabilang sa akademikong strand na GAS at

dalawampu’t tatlong porsyento (23.4%) na may bilang na labing-apat (14) ang

kabilang sa akademikong strand na ​ABM​.

Ayon sa datos na nakuha ng mga mananaliksik, ang akademikong strand na

STEM​ ang may pinakamaraming sumagot sa sarbey kwestyuner.

Talahanayan Blg. 3

Relihiyon ng mga Respondente

Relihiyon Bilang Bahagdan

Catholic 41 68.3%

Christian 11 18.3%

Iglesia Ni Cristo 6 10%

Atheist 1 1.7%

Islam 1 1.7%

Kabuuan 60 100%
Sa animnapung (60) respondente sa pananaliksik, animnapu’t walong

porsyento (68.3%) na may bilang na apatnapu’t isa (41) ang may relihiyon na

Catholic,​ labingwalong porsyento (18.3%) na may bilang na labing-isa (11) ang may

relihiyon na Christian​, sampung porsyento (10%) na may bilang na anim (6) ang may

relihiyon na Iglesia Ni Cristo, i​ sang porsyento (1.7%) na may bilang na isa (1) ang

nabibilang sa ​Atheist at isang porsyento (1.7%) na may bilang na isa (1) ang may

relihiyon na​ Islam​.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang relihiyon na ​Catholic

ang may pinakamaraming sumagot sa sarbey kwestyuner.


Graph Blg. 1

Interpretasyon

​Ayon sa ​graph,​ tatlumpu't tatlong porsyento (33.3%) o labingdalawang katao

(20) ang sumagot ng oo, na maaring maging dahilan nang diskriminasyon ang

pagkakaroon ng ibat-ibang relihiyon. Walong porsyento (8.3%) o limang katao (5)

ang hindi sigurado. Samantalang, limampu’t walong porsyento naman (58.4%) o

tatlumpu't tatlong katao (35) ang hindi sumasang-ayon na maaring maging dahilan

ng diskriminasyon ang pagkakaroon ng Iba't-ibang relihiyon

Analisis

​Hindi maaaring maging dahilan ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ayon kay

Roxean Padesas, isang Katoliko (15). Kung itinuturing ng mga tao na dahilan ang

pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon sa pagkakaroon ng diskriminasyon, dapat itong

bigyan ng pansin. Dapat na lang na ipagsantabi ang relihiyon, upang hindi

magkaroon ng diskriminasyon.
Graph Blg. 2

Interpretasyon

Batay sa ​graph na ito, tatlumpung porsyento (30%) o labingwalo (18) na katao

ang tumugon na nakaranas na sila ng pagkakaroon ng alitan sa isang tao na hindi

nila kapareho ng relihiyon. Habang, dalawampu’t tatlong porsyento (23.4%) o

labing-apat (14) na katao naman ang hindi sigurado. Apatnapu’t anim (46.6%) o

dalawampu’t walong (28) katao ang tumugon ng hindi.

Analisis

Ayon kay Yeinah Concepcion (17), isang Katoliko, hindi pa nakakaranas ng

alitan sa ibang tao na hindi niya kapareho ng relihiyon. Dahil ito sa pagkakaroon niya

ng respeto sa relihiyon at pananaw ng ibang tao.


Graph Blg. 3

Interpretasyon

Ayon sa ​graph na ito, dalawamput tatlo na porsyento (23.4%) o labing apat na

katao (14) ang sumagot na nakakaapekto ang iba't-ibang relihiyon sa pagkakaroon

ng kaibigan. Sampung porsyento naman (10%) o anim na katao (6) ang sumagot ng

hindi tiyak o hindi sigurado. Samantala, animnapu’t anim na porsyento (66.6%) o

apatnapu na katao (40) ang sumagot ng hindi ito nakakaapekto.

Analisis

Hindi dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng ibang relihiyon sa

pagkakaibigan ayon kay Angelika Sawit (16). Hindi nakabase ang pagkakaibigan sa

relihiyon. Kahit na iba-iba ang paniniwala ng isang grupo ng kaibigan, hindi dapat ito

makaapekto at maging hadlang sa kanilang relasyon.


Graph Blg. 4

Interpretasyon

Nakasaad sa ​graph na ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang

sumagot na tunay na nakakaapekto ang relihiyon pagdating sa kanilang

pakikisalamuha sa ibang tao. Habang, dalawampu’t anim na porsyento (26.6%) o

labing-anim (16) na katao ang sumagot ng hindi tiyak. Animnapu’t tatlong porsyento

(63.4%) o tatlumpu’t walo (38) na katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Hindi daw nakakaapekto ang pakikisalamuha sa ibang tao ang kanyang

reliihiyon ayon sa isang respondente. Hindi dapat maging hadlang ang relihiyon sa

pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa. Kahit na iba-iba ang relihiyon ng mga tao,

hindi dapat ito maging hadlang sa pakikitungo sa isa’t isa.


Graph Blg. 5

Interpretasyon

Ayon sa ​graph​ na ito, dalawampu’t isang porsyento (21.7%) o labintatlo (13)

na katao ang tumugon na nakakaapekto ang relihiyon sa kanilang pagkatao.

Dalawampung porsyento (20%) naman o labindalawa (12) na katao ang sumagot ng

hindi sigurado. Habang, limampu’t walong porsyento (58.3%) o tatlumpu’t lima (35)

na katao ang tumugon na hindi ito nakakaapekto sa pagkatao.

Analisis

Ayon kay Kriscel Nucum, isang ​INC​ (18), hindi ito nakakaapekto dahil kahit na

may mga kautusan ang isang relihiyon ay hindi iyon batayan kung ano yung

pag-uugali mo. Hindi lamang sa relihiyon ang batayan sa pagkatao sapagkat

madami pa itong pwedeng pagmulan katulad nalamang sa kapaligaran at

nakasanayan ng isang tao.


Graph Blg. 6

Interpretasyon

Batay sa ​graph na ito, dalawampu’t limang porsyento (25%) o labinlima (15)

na katao ang sumagot na nakaranas sila ng diskriminasyon dahil sa kanilang

relihiyon. Samantalang, dalawampu’t limang porsyento (25%) o labinlima (15) na

katao ang sumagot naman ng hindi sigurado. Limampung porsyento (50%) o

tatlumpung (30) katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Ayon kay Ezra Cruz, isang ​Christian (16), nakaranas na siya na siya ng

diskriminasyon. Ito ay dahil sa pagsusuot niya ng mahahabang palda, tinatawag siya

na madre.Sinasabihan siya na palaging mahaba ang kanyang suot.


Graph Blg. 7

Interpretasyon

Nakasaad sa ​graph na ito, animnapu’t anim na porsyento (66.6%) o apatnapu

(40) na katao ang iba-iba ang mga relihiyon sa grupo ng kaibigan na kanilang

kinabibilangan. Habang, dalawampung porsyento (20%) o labindalawa (12) na katao

ang tumugon ng hindi tiyak. Labintatlong porsyento (13.4%) o walong katao naman

ang sumagot ng hindi.

Analisis

Ayon kay Patricia Labrador (18), iba-iba sila ng relihiyon. Siya mismo ay isang

Katoliko. Ayon sa kanya, hindi naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil

mayroon silang respeto sa kung saang relihiyon sila kabilang.


Graph Blg. 8

Interpretasyon

Makikita sa graph na ito na labing isang porsyento (11.7%) o pitong (7) katao

ang sumagot na mahirap pakitunguhan ang mga taong relihiyoso. Samantala

tatlumpung porsyento (30%) o labing walo na respondente (18) ang sumagot ng

neutral o hindi sila sigurado. May limampu’t walong porsyento (58.3%) o tatlumpu’t

limang katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Hindi mahirap pakitunguhan ang mga taong relihiyoso ayon kay Marcela

Manuel (16), na isang Muslim. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay may sariling

paniniwala na hindi kayang tumanggap ng opinyon ng iba.


Graph Blg. 9

Interpretasyon

Ayon sa graph na ito, walang (0) sumangayon na magkaroon ng sariling

paaralan ang iba’t ibang relihiyon sa ating bansa. Samantalang, dalawampu’t walo

(28.3%) o labimpitong (17) katao ang sumagot ng hindi tiyak o sigurado. Pitumpu’t

isang porsyento (71.7%) o apatnapu’t tatlong katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

Ayon kay Ian Lloyd Montuya (19) na isang Katoliko, hindi siya sang-ayon dito.

Ito ay dahil sa kadahilanang iisa lang ang lahat ng tao. Hindi dapat maging basehan

ang relihiyon upang magkaroon ng pagkakaiba-iba. Ang edukasyon ay para sa lahat

ng tao.
Graph Blg. 10

Interpretasyon

Ipinapakita ng ​graph ​na ito, apatnapu’t limang porsyento (45%) o dalawampu’t

pitong katao (27) ang sumagot na hindi dapat magkaroon ng ibang opinyon sa ibang

tao base sa kanilang relihiyon. Tatlumpung porsyento (30%) o labing walong katao

(18) ang nagsabi na hindi silang sigurado, at dalawampu’t limang porsyento (25%) o

labing limang katao (15) ang nagsabi ng oo.

Analisis

Hindi dapat magkaroon ng ibang opinyon sa ibang tao dahil lang sa kanilang

relihiyon ayon kay Abby Tungpalan (16). Hindi kailangan ng ibang opinyon sa ibang

tao base sa kanilang relihiyon, dahil hindi naman ito bumubuo sa buong

personalidad ng tao.
Graph Blg. 11

Interpretasyon

​ a ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang


Ayon sa ​graph n

sumang ayon na nararapat na tanggihan ng ibang tao ang paniniwala ng isang tao

sa kadahilanan na ito ay naiiba. Samantala, dalawampu’t tatlo na porsyento (23.4%)

o labing-apat (14) na katao ang sumagot ng hindi tiyak o sigurado. Animnapu’t anim

na porsyento (66.6%) naman o apatnapung (40) katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

Hindi dapat tanggihan ng ibang tao ang paniniwala ng iba kundi dapat nila

itong respetuhin dahil sila din naman ay may sariling paniniwala, ayon kay Kriscel

Nucum, isang ​INC​ (18).


Graph Blg. 12

Interpretasyon

Isinasaad ng graph na ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang

sumangayon na magiging hadlang ang relihiyon sa pakikitungo ng indibidwal sa

ibang tao. Samantalang, walang (0) sumagot ng neutral o hindi sigurado.

Siyamnapung porsyento (90%) o limampu’t apat (54) na katao ang sumagot ng

hindi.

Analisis

Ayon sa isang respondente, hindi dapat maging hadlang ang relihiyon sa

pakikitungo sa ibang tao. Ang relihiyon ay nabuo upang magkaroon ng

pagkakaisa-isa. Kung ang mga tao ay may iba’t ibang paniniwala, hindi dapat ito

maging dahilan upang mawala ang respeto sa ating kapwa.


Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

5.1 LAGOM

● 33.3% ang sumagot ng oo, 8.3% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.4% ang

sumagot ng hindi.

● 30% ang sumagot ng oo, 23.4% ang sumagot ng di-sigurado, at 46.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 23.4% ang sumagot ng oo, 10% ang sumagot ng di-sigurado, at 66.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 10% ang sumagot ng oo, 26.6% ang sumagot ng di-sigurado, at 63.4% ang

nagsabi ng hindi.

● 25% ang sumagot ng oo, 25% ang sumagot ng di-sigurado, at 50% ang

nagsabi ng hindi.

● 21.7% ang sumagot ng oo, 20% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.3% ang

nagsabi ng hindi.

● 66.6% ang sumagot ng oo, 20% ang sumagot ng di-sigurado, at 13.4% ang

nagsabi ng hindi.

● 11.7% ang sumagot ng oo, 30% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.3% ang

nagsabi ng hindi.

● 0% ang sumagot ng oo, 28.3% ang sumagot ng di-sigurado, at 71.7% ang

nagsabi ng hindi.

● 25% ang sumagot ng oo, 30% ang sumagot ng di-sigurado, at 45% ang

nagsabi ng hindi.
● 10% ang sumagot ng oo, 23.4% ang sumagot ng di-sigurado, at 66.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 10% ang sumagot ng oo, 0% ang sumagot ng di-sigurado, at 90% ang

nagsabi ng hindi.

5.2 KONKLUSYON

Base sa mga nakuhang resulta mula sa nagawang serbey, narito ang

nabuong konklusyon ng mga mananaliksik:

1) Iba't iba ang relihiyong maaaring makita sa loob ng isang silid aralan

ng Our Lady of Fatima University Quezon City. Karamihan dito ay ang

mga Katoliko na siyang dominenteng relihiyon sa Pilipinas, mayroon

ding mga Muslim, Kristiyano, at mga Born Again. Hindi lang iyon,

makikita rin dito ang ilang mga estudyanteng tinatawag na ​atheist o

mga taong hindi naniniwala sa Panginoon.

2) Ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay paminsan-minsang nakakaapekto

sa pag aaral ng mga estudyante. Halimbawa ay sa mga Born Again,

hindi sila maaaring magsuot ng mga maikli at masyadong nagpapakita

ng balat na mga damit. Dahil dito, sa mga pagtatanghal ay maaaring

mahirapan ang klase sa pagpili ng maaaring sootin.

3) Hindi hadlang ang pagkakaiba iba ng relihiyon sa silid-aralan. Ang

relihiyon ay nabuo para magkaisa ang mga tao kung may….

Maraming positibo at negatibong epekto ang pagkakaroon ng Iba't

ibang relihiyon sa isang klase, isa sa mga positibong nangyayari dito

ay bilang isang estudyante na may malayong relihiyon sa iyong


kapuwa estudyante ay mas higit na nirerespeto mo ito dahil ikaw ay

maaring hindi sigurado at walang alam sa relihiyon ng iyong kasama

kung maari ka bang makasakit o hindi. Isa pa rito ang pagkakaroon ng

mas malawak na kaalaman sa pagkakaiba ng relihiyon sa

pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito sa silid- aralan. Ang

halimbawa naman sa mga negatibong epekto nito ay maaring sensitibo

ang isang indibiwal na naiiba ang relihiyon sa klase upang siya ay

maging emosyonal agad sa mga simpleng biruan at iba pa, higit pa dito

merong mga indibidwal din na hindi marunong rumespeto ng relihiyon

ng iba na nauuwi sa diskriminasyon. Maging ang pagkakaroon ng

diskriminasyon sapagkat maari nilang ituring na iba o 'di kasali sa

kanilang pangkat ang may ibang relihiyon.

5.3 REKOMENDASYON

Mula sa nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pag sarbey, ito

ang mga nabuong rekomendasyon:

1) Sa mga mag-aaral, kung maaari sana ay magkaroon na sila ng malawak na

pag-intindi at pag-unawa. Hindi dapat maging dahilan ang pagkakaiba ng

relihiyon at pinaniniwalaan, at maging sanhi ito ng karahasan at

diskriminasyon. Kung maaari lamang ay magkaroon sila ng disiplina sa sarili

at respeto sa iba kahit ano pa man ito. Ang pagkakaroon ng respeto ay

magbubunga nang maayos at pantay na pagtingin sa bawat isa, iba-iba man

ang relihiyon.
2) Para sa mga guro, ang relihiyon ay isang bagay na dapat binibigyang pansin

at konsiderasyon sa loob ng isang silid aralan o paaralan dahil ito ay isang

bagay na hindi basta basta maalis sa katauhan ng isang tao. Pag-unawa at

pag-intindi sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa buhay ng isang bata. Bilang

guro, marapat na isa sila sa mag bigay kabuluhan at katuturan sa relihiyon na

tintaglay ng isang katauhan para mabuksan ang kanilang mga mata sa

pagyakap ng sarili nilang pagkatao.

3) Para din ito sa mga mananaliksik, magsagawa ng paraan upang malaman

ang kalagayan at epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon. Katulad na

lamang ng pagkakaroon ng malalim at maayos na pananaliksik, pagbasa ng

mga libro na may kaugnayan sa pananaliksik, pagpapanood ng

dokyumentaryo na may kaugnay sa pagkakaiba ng relihiyon, pagsasagawa

ng sarbey o interbyu, at pag-aaral sa mga pananaw o kautusan ng iba’t ibang

relihiyon. Habang, para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong ito

sa paraan na magiging batayan ito sa paggawa ng kanilang pananaliksik at

maaring makatulong ito sa pamamagitan ng pagdagdag sa kanilang

kaalaman kung tungkol sa kalagayan at epekto ng iba’t ibang relihiyon at

pananaw ang kanilang gagawing pag-aaral o pananaliksik.

You might also like