You are on page 1of 1

Pia Kate P.

Buhay

Ang Karanasan mo sa Pandemya na COVID-19

Ang mga karanasan ko sa Pandemya na Covid-19, naranasan kong gawin ang mga bagay
na hindi ko pa nasusubukan noon, dahil pandemya, hindi kami maaaring lumabas ng tahanan o
mag laro sa labas o tapat ng aming bahay sapagkat delikado, hindi pwedeng makipag salamuha
sa mga tao sa labas sapagkat hindi natin alam kung sino ang may dala ng sakit. Habang bakasyon
naranasan ko at natutunan na gumawa ng mga ikakabuti ng aking katawan upang hindi madaling
kapitan ng anumang sakit. Ang mga laro at Gawain na dapat ay panlabas ay ginawa kong
panloob ng sa ganun ay hindi ako makadama ng pag katahimik o tamlay ng aking katawan.
Ngayon ay nag aaral ako sa aming tahanan sapagkat hindi pinapayagan na pumasok sa paaralan
dahil sa patuloy na paglaganap ng Covid-19. Kaya naman ngayon ay nananatili kaming nasa
loob ng tahanan at malayo sa virus.

You might also like