You are on page 1of 1

Pia Kate P.

Buhay

Titser! Titser! Kailan Ka Makikita

Titser, Titser! Kailan Ka makikita, sabik na kami muling ika’y masilayan Titser, sabik na kaming
muli’y iyong turuan, sabik na kaming muli matuto mula sa iyo. Kailan ka naming makikita?,
kailan naming muli maririnig ang iyong maamong boses? Na tila ang iyong tono ay parang mga
nota na pumapasok sa aming mga tenga at tumataga sa aming isipan. Titser, ikaw ang aming
Pangalwang magulang na gumagabay patungo saaming mga pangarap, dahan-dahan na pinapa-
alala ang mga itinurong magagandang asal at Gawain. Namulat sa katotohanan mula sa tahanan
at mas lumalawak ang pananaw ng kami’y papasukin sa iyong silid aralan. Titser!, ika’y aming
kasama mula enero hanggang marso, sana’y kasama din kayo hanggang sa maabot ang mga
pangarap namin. Matapos lamang ang pandemiya na ito, tayo’y muling magkikita minamahal
naming Titser.

You might also like