You are on page 1of 1

Ang pangunahing suliranin na ating kinakaharap ay isang uri ng Coronavirus na tinatawag na

novel coronavirus (2019-nCoV) ito ay isang bagong uri ng coronavirus. Ang Coronaviruse ay isang
malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa
mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa
nakilala sa mga tao. Ang coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit
na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o paghawak ng bibig,
ilong, o mata.

Saan nga ba nagsimula ang sakit na ito? Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso
ng pneumonia sa Wuhan, China. Ang coronavirus na ito ay karaniwang sa hayop lamang natatagpuan.
Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-iksi ng
paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Sa mga malulubhang kaso, maaari itong maging
sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at pagkamatay. Napakarami pa
ding kaso ng Covid-19 sa ating bansa dahil na rin ito sa mga pasaway na pilit pa ding lumalabas kahit
na may kumakalat pa na virus.

Maaaring maiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay. Lagi
nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado.
Maaaring hindi natin namamalayan na paghawak natin ang ating mukha, nailipat na ang virus sa mata,
ilong at bibig. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na
ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o
paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na
pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo, Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, Kumuha ng
impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad at kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-
hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility.

You might also like