You are on page 1of 1

Nakasaad sa artikulong ito ang mga bagong kaalaman, gamot, pagkahawa, at mga sintomas ukol sa

bagong coronavirus. Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaring magdulot ng
mga Respiratory syndromes tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang bagong coronavirus (nCoV) naman ay
nasasabing kumakalat sa hangin (pag-ubo/pagbahing), o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay.

Ang SARS-CoV-2 ay tumutukoy sa virus samantalang ang COVID 19 ay tumutukoy sa sakit na dulot ng
virus. Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus. Gayunpaman, maaaring gamutin ang mga
sintomas sa pamamagitan ng pagpapahibga, pag-iinom ng maraming likido, pagkain ng masustansyang
pagkain, at pagbabawas sa stress. Para sa malubhang kaso, pangangalagang medikal ang kailngan upang
maging maayos at mabilis aang paggaling ng pasyente.

Prayoridad ngayon ng mga awtoridad ay ang pagsubaybay sa kalusugan ng publiko upang matukoy ang
lawak ng pagkalat sa bagong coronavirus. Mabilis na ngayon ang pagsusuri sa mga pangyayari sa
komunidad at patuloy na nagiging aktibo ang pagtugon sa krisis na dulot ng pandemya.

Iilan sa mga sintomas ang lagnag, pagkapagid, ubo at pananakit ng kalamnan o katawan. Mahalagang
sundin ang tamang pagdidistansya sa iba sapakagkat ang mga taong walang sintomas ay maaaring
nakahahawa. Kumuha agad ng medikal na atensyon kung nagkakaroin kayo ng babala ng emerhensya
(problema sa paghinga, presyon sa dibdib, nausea, asul sa mukha).

You might also like