You are on page 1of 1

Jan Marvic M.

Delos Santos
Ang NCOV 2019 virus ay isang sakit na nagmula sa lugar na Wuhan, China. Ito
ay nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit tulad ng ubo’t sipon hanggang sa mas
malulubhang impeksyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Sa ngayon wala paring
gamot para sa sakit na ito. Ang sakit na ito ay mabilisang kumakalat sa uong mundo
dahil dito nag deklara ang World Health Organization ng ‘global health emergency’.
Ang maaari nating gawin upang makaiwas sa sakit na ito ay ugaliin natin ang
paghuhugas ng kamay, panatilihin natin na malusog ang ating sarili upang lumakas ang
ating resistensya at laging mag suot ng face mask.
Ang dapat gawin ng ospital ay imbestigahan ang posibleng may NCOV virus. At
sana ang mga health workers ay maging maingat kapag sila ay nakikipag-ugnayan sa
mga pasyenteng nagbibigay senyas ng NCOV virus. Ang mga pasilidad ng mga ospital
ay sana paghuyasin pa ang kanilang standard infection prevention and control
practices, lalo ng ang emergency departments.

You might also like