You are on page 1of 4

Iba’t ibang halimbawa ng tekstong impormatibo ayon sa uri ng bawat isa

1. Halimbawa ng tekstong naglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

Talambuhay ni Hermano Pule


Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag na “Hermano Pule” bilang
pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban
sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga
Español at Indio sa kaparian.

Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas (ngayon ay
lala- wigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang
maykaya at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali
sa orden ng mga Dominiko sa Maynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang
mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa Ospital ng San
Juan de Dios at nagtrabaho sa Cofradia de San Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de
la Cruz ang Bibliya at iba pang banal na kasulatan.

Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang Co- fradia de San José, isang kapatirang
binubuo lamang ng mga Indio. Hindi pinahihintulutang sumapi ang mga Español at mestiso nang
walang pagsang-ayon ni de la Cruz, na siya namang tinawag ng kaniyang mga tagasunod bilang
“Hermano Pule” (o “Hermano Puli”). Ninais niyang maging legal ang Cofradia dahil sa paglaki
ng kasapian ngunit binatikos ito ng mga paring Español, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segui.
Naghinala ang pamahalaan ni Gobernador-Heneral Marcelino Oraa na isang sama- hang
mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay ng mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa Majayjay,
Laguna noong19 Oktubre 1840. Nagkataóng nasa Maynila noon si Hermano Pule kayâ
nakaligtas.

Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa isang malaking
labanan sa Ali-tao, isang lugar na malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano
Pule. Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip. Madalian siyang nilitis at binitay sa bayan ng
Tayabas noong 4 Nobyembre 1841. Pinagputol-putol ang kaniyang katawan. Tinuhog ang
kaniyang ulo at itinanghal sa daan patungong Majay- jay upang huwag sundan ng taumbayan ang
tinawag nilang “Hari ng mga Tagalog.” (PKJ)
- De la Cruz, Apolinario. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/de-la-cruz-apolinario/
2. Halimbawa ng Tekstong Impormatibo na naglalaman ng Pag-uulat Pang-impormasyon

Popcom: 1 sa bawat 10 babaeng may edad 15-19 maagang nabubuntis


Kahit hindi binalak ang pagbubuntis, nagpapasalamat ang 16 anyos na si Jasmine Araya sa
suporta ng kaniyang pamilya at doktor.
"'Yong pag-inom ng vitamins tapos monthly check-up din po," ani Araya, na nakatakdang
magsilang sa Marso.
Pero kung ang Commission on Population and Development (Popcom) ang tatanungin, dapat
wala nang menor de edad na nabubuntis sa Pilipinas.
Sa ngayon kasi, isa sa bawat 10 kababaihan na may edad 15 hanggang 19 ang buntis o
nakapanganak na.
"The total number of minors giving birth in this country is still over 100,000 a year," ani Popcom
Executive Director Juan Antonio Perez III.
Ang problema, ayon sa Popcom, hindi nakararating ang family planning service sa maraming
Pilipino, lalo sa mga menor de edad.
Kaya pinapaigting din umano ng komisyon ang kanilang Responsible Parenthood and Family
Planning Program, na layong turuan ang mga magulang kung ano ang tamang timing at spacing
ng mga anak.
Dapat na rin daw mas marami ang gumamit ng moderno at epektibong family planning methods
para mabawasan ang mga nabubuntis nang hindi pinaplano.
Pero inamin ng komisyon na kapos sila sa pondo kaya nanawagan din sila ng suporta mula sa
pamahalaan at mga lokal na opisyal.
"The appeal is for Congress to continue supporting the family planning program," ani Perez.
Ayon naman sa Department of Health, mapanganib sa kalusugan ng nanay at sanggol ang
maagang pagbubuntis.
Umaabot din umano ng P3 bilyon ang nawawalang kita mula sa sahod dahil sa pagkabuntis ng
mga menor de edad.

--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News/https://news.abs-


cbn.com/news/12/11/19/popcom-1-sa-bawat-10-babaeng-may-edad-15-19-maagang-
nabubuntis
3. Halimbawa ng Tekstong Impormatibo na Nagpapaliwanag
Protektahan ang Sarili Mo at Ibang Tao Mula sa COVID-19
Alamin ang tungkol sa COVID-19 Nakakaranas tayo ng pandemiko ng respiratoryong sakit na
mabilis na kumakalat mula isang tao papunta sa ibang tao na dulot ng bagong coronavirus. Ang
sakit ay tinatawag na coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang sitwasyong ito ay nagbabanta
ng seryosong peligro sa pampublikong kalusugan. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring
magmula sa banayad (o walang sintomas) hanggang malalang sakit. Ang lahat ay nasa peligrong
magkaroon ng COVID-19. Ang mga mas matandang adult at mga taong anuman ang edad na
seryosong sumasailalim na medikal na kundisyon ay maaaring nasa mas mataas na peligro ng
mas malalang sakit.
Alamin kung paano ito kumakalat
• Ang COVID-19 ay pangunahing kumakalat mula isang tao papunta sa ibang tao. Maaari kang
mahawa sa malapitang kontak (mga 6 na talampakan) sa taong may COVID-19 mula sa mga
respiratoryong droplet kapag ang may impeksiyong tao ay umubo, bumahing o nagsalita.
• Maaari ka ring mahawa sa paghipo ng surface o bagay na may virus, at hipuin ang iyong bibig,
ilong o mga mata. Sa kasalukuyan ay walang bakuna para mapigilan ang COVID-19. Ang
pinakamahusay na paraan para mapigilang magkasakit ay iwasang malantad sa virus na ito.
Alamin ang mga sintomas ng COVID-19 at mga karagdagang hakbang na maaaring gawin mo
para protektahan ang sarili mo sa pagbisita sa CDC website sa cdc.gov/coronavirus. Gamitin ang
sheet ng payo na ito para matulungang protektahan ang sarili mo, ang mga mahal mo sa buhay at
mga kapitbahay mo.
Linisin nang madalas ang mga kamay mo
• Hugasan nang madalas ang mga kamay mo gamit ang sabon at tubig ng 20 segundo man lang
lalo na kung nagpunta ka sa pampublikong lugar, o matapos suminga, umubo o bumahing.
• Mas mainam ang sabon at tubig, pero kung walang sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer
na naglalaman ng 60% man lang na alkohol.
• Iwasang hipuin ang mga mata, ilong at bibig mo ng mga kamay na hindi nahugasan.
Manatili sa bahay hangga’t maaari at iwasan ang malapitang kontak sa ibang tao
• Manatili sa bahay hangga’t maaari at iwasan ang malapitang kontak sa mga tao na hindi mo
kasama sa bahay.
• Iwasan ang lahat ng hindi mahalagang outing at malakit at maliit na salu-salo sa pribado at
publiko.
• Para iwasan ang mga hindi mahalagang biyahe, magkaroon ng 1-buwang supply ng mga gamot
at 2- linggong supply ng pagkain at mga supply. Gumamit ng mga serbisyong telemedicine
kailanman posible para makipag-usap sa doktor mo gamit ang video, telepono o email, sa halip
na harapan.
 Kasama sa 1-buwang supply ng de-resetang gamot ang mga over-the-counter na gamot
tulad ng pampigil sa ubo at pampababa ng lagnat na gamot, thermometer at ibang mga
medikal na supply o kagamitan. Tanungin ang iyong doktor o lokal na parmasya kung
maihahatid ang mga reseta sa bahay mo, o kung makukuha mo ang mga ito sa drive thru.
 Kasama rin ng 2-linggong supply ng pagkain ang tubig, mga supply na panlinis ng bahay
at mga supply sa pag-disinfect, sabon, mga produktong papel at mga gamit para sa
personal na kalinisan. Kontakin ang inyong mga lokal na tindahan ng grocery para makita
kung naghahandog sila ng online na pag-order na may mga opsiyon para sa walang
kontak na paghahatid sa bahay o pagkuha sa bangketa.
Sa publiko, takpan ang bibig mo at ilong gamit ang telang pantakip ng mukha at
magsagawa ng pisikal na distancing
• Magsuot ng takipsa mukha kapag nasa publiko, at magsagawa ng pisikal na distancing sa
paglagay ng 6 na talampakan sa pagitan mo at ng ibang tao.
 Ang mga telang takip ng mukha ay hindi dapat ilagay sa mga batang bata na mas
bata sa edad na 2, sinuman na nahihirapang huminga, o hindi maaalis ito nang
walang tulong. Ang detalyadong impormasyon sa mga telang pantakip ng mukha
ay nasa: cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/preventgetting-sick/diy-cloth-face-
coverings.html
Laging takpan ang mga pag-ubo at pagbahing mo
• Laging takpan ang iyong bibig at ilong ng tisyu kapag umuubo o bumabahing o gamitin ang
loob ng siko mo. Itapon ang mga gamit na tisyu sa basurahan.
• Hugasan agad ang mga kamay mo gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo.
Mas mainam ang sabon at tubig, pero kung walang sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na
naglalaman ng 60% man lang na alkohol.
Linisin at i-disinfect ang mga madalas na nahihipong surface araw-araw
• Linisin at i-disinfect ang mga madalas na nahihipong surface araw-araw Kasama dito ang mga
mesa, doorknob, switch ng ilaw, mga countertop, handle, desk, telepono, keyboard, toilet, gripo
at mga lababo.
• Kung madumi ang mga surface, linisin ito. Gumamit ng detergent o sabon at tubig bago i-
disinfect.
• Pagkatapos, gumamit ng pang-disinfect ng bahay. Ang mga pinakakaraniwang EPA-registered
na disinfectant ng bahay ay gagana. Ang mga produktong ito ay para sa mga surface, HINDI sa
mga tao.
• Ang detalyadong impormasyon sa paglilinis at pag-disinfect ng tahanan niyo, makukuha sa
cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/disinfecting-your-home.html
--mula sa https://www.redcross.org/content/dam/redcross/get-
help/pdfs/Tagalog_Protect_Yourself_and_Others_From_COVID-19_04272020.pdf

You might also like